Prologue

11 0 0
                                    

                                     Prologue

"Hoy, Mia kanina ka pa riyan. Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Alyna.


"Ano ba yan stalker ka talaga!" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Nakita kasi niya na ini-stalk ko na naman ang account ni Eli.

"Wala kang pakialam ok?" I rolled my eyes and just continue scrolling at Eli's ig account.


"Alam mo ba babalik na raw yan dito ah?" sabi niya ng makita ang ginagawa ko saka siya umupo sa sofa ng clinic ko.

"What do you mean?" i curiously asked.

"Hala hindi mo alam?" nagtatakang tanong niya.

"Magtatanong ba 'ko kung  alam ko?" pagsusungit ko sakaniya.


"Napakasungit mo naman." natatawang sabi niya. "Meron ka ba ngayon?"

"Kelan siya babalik?" tanong ko.


"Akala ko ba stalker ka? Bakit hindi mo alam ang tungkol dito?" tanong si Aly.


"Alam mo ang dami mo pang sinasabi. Sabihin mo na lang sakin kung kailan siya babalik." nakasimangot na sabi ko.


Bigla kasi akong nawala sa mood na makakita ako ng article tungkol sakaniya. Article about sa 'anak and non showbiz boyfriend' niya. Nakakainis!


"Dito raw gaganapin sa Pilipinas iyong fashion show ng company niya. Iyon ang sabi sa interview na napanood ko." walang pakialam niyang sambit habang pinakiki-alaman ang laptop ko.


"Elyse Zamora confirm her issue about her daughter!" sabi niya. Napatingin tuloy ako sakaniya at lumapit. She played the video.


"Elyse Zamora is it true that you have a daughter already?" tanong ng interviewer.
Napabuntong hininga siya bago tumango.


Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi dapat ako nasasaktan dahil wala naman na kami pero may side pa rin sakin na umaasa na magiging kami ulit. Because after all what happened to us I still love her. I can't hate her kasi alam ko naman yung dahilan kung bakit kailangan namin maghiwalay.

"Yes, I have a daughter already." she simply said and smiled at the interviewer. Ang ganda niya talaga.



"So who's the father of your child?" tanong ulit ng interviewer.


"It's too personal." she said and smiled again. " I hope you can respect my privacy." sabi niya ulit bago nagpaalam sa interviewer at umalis.


"Girl wala ka na talagang pag-asa, mukhang may pamilya na e." sabi ni Aly at nag scroll ulit sa youtube para maghanap ng panunuurin. Umalis ako roon  sa tabi niya at lumabas ako ng hospital para  pumunta sa malapit na cafe.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tears of Forbidden Love (Tears Series #1)Where stories live. Discover now