11

10 2 0
                                    

"Okay lang naman kung ayaw mo" sambit ni Chase na parang nangongonsensya pa.

Tumango nalang si Ameerha sa alok ng binata.

Nagsimula na silang sumayaw, hindi pa rin mawala ang paningin kay Farris at Jane nakakaramdam pa rin siya ng selos at inggit sa dalawa. Hindi naman ganun kadali mawala iyon.

"Maganda ka pala pag sa malapitan" seryosong tono ni Chase habang nakatingin kay Ameerha.

Ibinaling ng prinsesa ang tingin kay Chase nang marinig niya ang sinabi nito.

Nakita ng dalawang magkaibigang hari ang senaryong iyon. "Akala ko ba itinakda ang ating mga anak upang magkatuluyan at maipakasal sa isa't isa, mukhang hindi na matutuloy ang ating kasunduan, Lucas" pagtapos sambitin ni Haring Ceraudus ay ininom ang hawak na alak.

"Matutuloy pa rin iyon kaibigan, pagbigyan muna natin ang mga paslit na ito" maikling tugon ni Haring Lucas.

Ilang minuto bago matapos ang sayaw-

Puno ng saya ang mga naroon dahil sa selebrasyon na inihanda ng palasyo. May tawanan, inuman at iilan pang sumasayaw kahit tapos na at mga marurupok na kababaihan na pinaguusapan ang mga nasisigwapuhang ginoo sa paligid.

--
Kinabukasan sa palasyo....

Maraming kawal ang nakapaligid sa bungad ng palasyo kasama nito ang mga tagapaglingkod na may bitbit na mga pagkain.

Sa kanilang pagpasok. Agad na binati ng mga kawal at tagapaglingkod ng palasyo sina Haring Ceraudus at Prinsesa Ameerha.

"Kaibigan, narito na pala kayo ipinahanda ko na ang hapag para sa inyong pagdating, may mahalaga tayong paguusapan" ani Haring Lucas habang naglalakad palapit sa mag ama.

--
"Inimbitahan ko muli kayo para sa mahalagang usapan" sambit ni Haring Lucas

"Ano po ba iyon ama?" tanong naman ni Farris.

"Tungkol sa nalalapit niyong kasal ni Prinsesa Ameerha" walang pagdadalawang isip na sinabi.

"KASAL!?" tumingin si Farris kay Ameerha at biglang tumayo dahil hindi makapaniwala.

"Huminahon ka, Farris" pakiusap ni Ameerha sakaniya.

"Farris para ito sa ating lahat, mapagtitibay ang dalawang palasyo at ang relasyon ng ating mga hukbo kung mangyayari iyon lalakas pa ang ating mundo kung sakali" tugon ni Haring Lucas.

Tumigil si Chase, narinig niya ang usapan kaya agad naman niyang hinatak si Jane sa tabi niya para makinig.

"Hindi ako magpapakasal lalo na sa taong hindi ko mahal" sambit ni Farris bago naglakad paalis.

"Bumalik ka rito, Farris!" tawag nito sa anak ni hindi na siya nilingon nito.

Magkasalubong ang kilay ng prinsipe habang tinatanaw ang labas ng palasyo. Nilapitan siya ni Jane. "Farris? okay ka lang ba?" tanong nito. "Maayos lang, Binibini pero may nararamdaman lang akong konting galit sa aking ama" sagot nito.

"Ganyan naman kasi talaga ang mga magulang natin alam nila kung anong makakabuti para sa atin" sambit ni Jane.

"Iba ang aking ama, hindi niya pinapakinggan ang mga sarili kong desisyon" malungkot na tugon ni Farris.

May awang tumingin si Jane sa prinsipe. Nakasalubong naman ni Chase si Ameerha "Oh mahal na prinses-" napansin nito ang umiiyak na si Ameerha "tigilan mo ko!" galit na umiiyak na sambit niya.

--
"Wag kana magalit, kahit papaano tatay mo parin siya pero may karapatan ka naman humindi sa mga gusto niya" muling sabi ni Jane.

Tumingin naman si Farris sakaniya nang makahulugan parang nangungusap ang mga mata. "Salamat sa pagpapagaan ng loob ko, Jane" nagulat si Jane dahil bigla nalang siya niyakap ng prinsipe.

Natigilan si Ameerha sa senaryong yun.

Hindi napigilan ni Ameerha ang emosyon habang palapit kay Jane.

"Mahal na prinsesa" bati ni Jane mas nagulat siya sa malakas na sampal ng prinsesa "Simula nung dumating ka rito nagkagulo na ang mga buhay namin!" galit na sambit nito.

Akmang sasampalin niya pa si Jane, pinigilan na siya ni Farris sa pananakit kay Jane.

"Ameerha! tama na" awat naman ni Farris rito.

"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung bakit ako nagkakaganito, Farris?" umiiyak na sabi niya.

"Matagal na akong may lihim na pagtingin sayo, simula nung tayo ay mga bata pa" dagdag pa ni Ameerha.

"Wala akong pagtingin sayo, isang kapatid lang ang tingin ko sayo" walang pagaalinlangang sinabi ni Farris.

Dahil sa galit pwersahang lumapit pa si Ameerha kay Jane dahil sinisisi niya ito sa mga nangyayari sa kanila ni Farris.

"ATE!" sigaw ni Chase.

"Ate anong nangyayari!?" tanong nito.

Tumingin kay Farris si Chase na parang masama ang loob "Wag naman ganito, wag niyo saktan ang kapatid ko alam kong nakikitira lang kami dito pero wala kayong karapatan saktan ang ate ko" pagtatanggol nito kay Jane.

Inilayo na nito si Jane sa dalawa at umalis.

"Ameerha ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? bigla bigla ka nalang nananakit hindi ka naman ganyan noon" hindi makapaniwalang tono ni Farris.

Hindi na sinagot ni Ameerha ang tanong ni Farris, umiiyak pa rin ito at tumakbo na papalayo sa prinsipe.

----

"AAAAAAAHHHHH!" sigaw nito sabay pinagbabato kung ano man ang makita sa silid.

"Mahal na prinsesa! huminahon ka" awat ng tagapaglingkod.

"Wag niyo ako pakialaman! magsilayas kayo rito!" sigaw ng prinsesa.

"Papaano ka naman magugustuhan ng prinsipe niyan kung lumalabas na ang iyong totoong ugali?" diretsahang sabi ng tagapaglingkod.

Saglit na tumingin rito ang prinsesa na parang natauhan na.

Magkabilang Mundo [ COMPLETED ] ✓Where stories live. Discover now