Kabanata 6

278 1 0
                                    

Comfort.

Tahimik akong umupo sa tabi ng aking kaibigan. Hindi ko alam kung pano ko sya patahanin lalo na't ang kapatid ko pa ang dahilan ng nangyari sa kanya ngayon.

"Collet ako na ang humihingi ng pasensya sa nagawa ng kapatid ko."

"Wala lang ito Gai, ano ka ba! Kasalanan ko din naman to lahat pinipilit ko pa kase sarili ko sa kanya."

Sobrang naaawa ako kay Collet sa lagay nya ngayon hindi ko din naman kase maintindihan si Ryker okay naman si Collet. Kung sa pag uugali naman nya wala kang problema. She's pretty too. Ang hindi ko maintindihan bakit ayaw sa kanya ng kapatid ko. Ayoko rin naman mang himasok sa kung anong meron sa dalawa. Buhay naman nila iyan.

"Ilang beses ka na bang sinampal ni Ryker ng katotohanan di ka parin tumitigil? Baka kase ayaw talaga sayo nong tao Collet?" Tanong ni Chantyl na ngayon ay nakalukipkip na tinignan ang tahimik na si Collet.

"Gusto ko kase talaga sya eh. Alam nyo yan College palang tayo! Ang di ko kase maintindihan bakit hindi ako? May mali ba sakin? Wala naman diba?"

"Alam mo Col, hindi natin matuturuan ang puso ni Ryker kung sino gugustuhin nya. Siguro wag mo nalang ipilit ikaw lang yong nasasaktan sa inyong dalawa eh."

Dagdag naman ni Shia na ngayon ay umiinom ng wine.

"I just really want to know why we can't be together. "

"Alam mo naman siguro yong sagot. Di mo lang matanggap sa sarili mo." Shia smiled sadly at her.

"O baka naman may rason sya? You know." Dagdag ko

"Hindi ba issue non lagi Age Gap? Remember nong tinanong sya He want someone same at his Age? Baka yan talaga?"

"Ang babaw nya naman sa ganyan. I don't care about Age Gap Chantyl! It's just a number! Ilang beses ko na bang sabihin iyan!"

"Eh ikaw? Ilang beses nang pina-mukha sayo nong tao na ayaw nya sayo? Million times? Since College? Sege paki sagot Collet at naiirita nako sa kaka pilit mo. And maybe he like someone else? Better than you? Babaeng di namimilit, hindi desperada." Rektang tanong ni Shia kay Collet na ngayon ay ang sama na ng tingin sa kanya

"Tsk. Hindi mo pa kase nasubukang ma-inlove girl palibhasa kase-"

"Oh shut up don't compare me to you Collet. Ako kung mag kaka-gusto ako sa tao at sabihin saking ayaw nya hindi ko ipipilit sarili ko malaki man ang agwat naming dalawa o hindi just respect Ryker's decision mahiya ka naman."

Napatayo si Collet matapos sabihin sa kanya ni Shia iyon. Mag aaway pa ata ang dalawa.

"Oh tama na yan" awat ni Chantel

"Oh really Shia? Sege nga sinong hindi maguguluhan ayaw sakin nong tao pero pinapakialaman buhay ko! Ayaw sakin nong tao pero kung pag bawalan ako akala mo talaga may gusto! Paanong di ako mag ka ganito! Oh diba? Syempre di mo yon alam so stop judging me! Wala ka sa sapatos ko kaya manahimik ka nalang!"

"Nah, you just really want to grab that opportunity for sure. Look Collet hindi ako nakikipag away sayo. Mag kaibigan tayo dito sinasabi ko lang sayo yong katotohanan. I'm just being real here. Obsessed kana eh hindi na maganda yan."

Kailangan ko na atang awatin tong dalawa.

"Pwedeng uminom nalang tayo? Wag na kayong mag away. Wag mo nang iyakan yong kapatid ko Collet. Its not worth it. We know you like him so much but its better if tumigil ka na? Para sa sayo rin iyon."

She starred at me blanky, pinunasan nya ang kanyang mga luha pagkatapos ay nilagok ang tequilla ng walang tigil.

"I like him, nong una ko syang nakita noon. Lalo na nong napalapit ako sa inyo. Hindi biro iyong 4 na taon ko syang gusto girls eh. Nong sinabi nya sakin na itigil ko na ginawa ko naman eh. Kahit nahihirapan ako. Kase sobrang gustong gusto ko sya. Pero anong magagawa ko? Paulit ulit kung sinabi to na kahit saksakin ko tong dibdib ko sya parin tinitibok nito. Sorry Gaia hindi ko mapigilang maglabas ng emosyon sa inyo gustong gusto ko lang talaga sya."

Niyakap ko ng mahigpit ang isa sa pinaka matalik kung kaibigan matapos nyang sabihin iyon.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Collet. Because i never experience this one. Hindi ba pwedeng itigil mo nalang? Ayaw kung nakikitang nasasaktan ka eh. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka kahit pa kapatid ko ang may gawa sayo nito."

"Ilang beses ka na din nagreklamo samin sa mga salita nya sayo. Dapat ay matauhan kana din balang araw. Oo hindi biro ang mag ka-gusto sa tao ng higit apat na taon. But Coll know your worth. At hindi worth it si Ryker para sayo. Stop it." Ani Chantyl at tinapik ang likod ng kaibigan naming umiiyak.

"I'm sorry sa mga salitang binitawan ko. Napapaisip ako na baka ayaw nyang matulad kay Luco. I'm really sorry Coll, iwasan mo please kayanin mo. Hindi ka pinanganak sa mundo para mag ka ganyan ka sa isang tao." Shia said and hugged Collet tight rin.

"Hay nako! Maybe i will talk to him once the concert is done. Pangako ko sa inyo titigil na din ako!"

"You promise?"

"I promise! Sa ngayon e inom nalang natin to! Cheers girls!"

Sabay sabay naming apat inangat ang wine glass. Sana ay matauhan na ang isang to.

"Kakausapin ko din si Ryker don't worry"

"Thank you Gai. Pero ayos na sigurong ako nalang for the last time."

"Are you sure?" Concerned kung tanong.

"Yes thank you. And also girls gusto kung sabihin na inaantay ko yong Visa ko."

"Visa?" Shia asked

"Pupunta akong Italy. "

"Magbabakasyon kaba?"

"Nope, nakiusap ang Mommy na kung pwede ay don na muna ako."

"Sinabi mo sa Mommy mo?" Tanong ko rin

"Hindi pero tingin ko alam nya kaya kakausapin ko si Ryker after concert.

"Kung ito lang din naman ang paraan para makalimot ka kahit labag sa loob namin na aalis ka tatanggapin namin para sa peace of mind mo." Ani Chantyl

"Baka Italiano talaga para sayo Collet?" Asar ko

"God! Pansamatala lang naman! Italiano kayo dyan!"

"Ito naman biro lang eh! Ma mi-miss ka namin!"

"Matagal tagal pa naman iyon! Pero bago sana ako umalis. Pwede bang pag usapan muna natin iyong tungkol sa Orpha Home?"

"The kids." Ani Shia

Pinag usapan nga namin ang tungkol sa mga bata. Gusto naming panatalihin sng seguridad sa Orpha Home para sa kanila. Ayusin ang dapat ayusin roon. Hindi rin kase sila kompleto sa lahat. Ani Shia sya ay dapat doon kami habang nangyayari yon lahat gustong gusto naming makatulong sa mga bata.

"Set nalang kayo ng date kung kelan okay? Thanks for tonight girls i really appreciate you all"

"Anything for you para matigil kana" halakhak ni Shia

"Pano mauuna na kami Gai. Bye!"

"Ingat kayo! Love you girls!"

Napabaling ako sa aking cellphone na tumutunog. Kumaripas ako ng takbo sa pag aakalang si Kane ang tumatawag hindi pala.

"Hello Daddy?"

"Gaia Eirene! Ano itong pinasok ng boyfriend mong gulo?! Umuwi ka dito sa bahay ngayon din!"

"Po!"

Si Kane?

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now