17

9 1 0
                                    

"Sa wakas nakabalik na rin tayo dito sa bahay namiss ko magcomputer" sambit ni Chase.

"Ako nga rin eh kaso nagaalala ako kumusta na kaya si Farris?" tanong ni Jane sa kapatid.

--

Naisipang kausapin ni Farris ang ama kaya nagtungo ito sa silid nito. Napansin niyang bukas ang pinto papasok na sana siya nang may narinig "Wala na yung bata, ligtas na ang ating sikreto" sambit ng isang lalaki nagtaka naman si Farris sa paguusap na iyon.

"Pakialamerong bata buti nalang at napuruhan hindi na niya tatangkain sabihin sa aking anak na ako ang totoong may sala sa pagkamatay ng aking asawa" tugon ng hari. Nanlaki naman ang mga mata ni Farris sa narinig galit niyang binuksan ang pinto.

"Totoo pala! ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng aking ina at ikaw ang pumatay sa aking kaibigan hindi ako makapaniwala na isa kang kriminal hindi bagay sayo ang iyong korona!" galit na sambit ni Farris.

Napatayo naman ang hari sa pagkagulat narinig pala ni Farris ang pag uusap nila. "Magpapaliwanag ako" sambit nito pero hindi na nakinig ang prinsipe umalis na ito sa silid.

Nagmamadaling inaayos ni Farris ang mga gamit kasama ang mga ala-ala ni Eros. Pagkababa nito agad na binuksan ang pinto para lumabas. Hinarangan siya ng mga kawal mabilis palang makatanggap ng utos ang mga ito. "Paraanin niyo ako" utos niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ng hari.

"Malayo sayo" tugon naman ng prinsipe.

"Wala ka ng ibang mapupuntahan sa tingin mo may tutulong sayo sa labas?" may nakakainis na tono para kay Farris.

"Paraanin niyo ako!" galit na utos niya sa mga kawal na nakaharang.

"Hindi ka makakaalis rito, Farris" sambit ng hari. "Ah" mabilis na kinuha ang isang baril ng kawal at itinutok sa sarili. "Palalayain mo ako o papatayin ko ang aking sarili sa harap niyo" matapang niyang sinabi.

Sinenyasan naman ng hari ang mga kawal na huwag gumawa ng kahit ano mang aksyon. Kahit papaano ay may pakialam parin ito sa anak na prinsipe.

Lumuwag na ang daraanan. Agad siyang lumabas dala ang mga gamit. Marahan itong naglakad at tumakbo nang mabilis palayo sa palasyo "Sundan niyo siya!" utos ng hari. Nakita ni Farris ang mga sumusunod na kawal.

Sa mabilis na pagtakbo ni Farris nakita naman siya ni Ameerha ilang metro lang ang layo ng palasyo nito sa kanila. "Farris?"

Dumiretso ang prinsipe sa napakaraming tao kung saan nagbebenta ng kung ano - ano. "Mahal na prinsipe!" tawag ng isang tindero "Maaari ba akong magtago muna rito?" tanong nito. Nagtago siya kung saan ibinebenta ang mga sariwang gulay.

Dumating na rin ang mga kawal na naghahanap pa rin sakaniya. Sinubukan ng mga ito na takutin ang mga tao para sabihin kung nagtungo ba ang prinsipe dito. Lahat sila ay inihanda ang sarili at hindi nagpatinag sa mga ito dahil may dakilang puso ang prinsipe, ginawa nila ang lahat para hindi nila ito makita.

Sa ilang minuto na pagtatago lumabas si Farris at nagpasalamat sa mga tumulong sa kaniya.

--

" Oh ayan pabulok na yung mga rekados kaya nilutuan nalang kita ng adobo" inilapag ni Chase ang umuusok pang adobo. Tinitigan naman ito ni Jane "Medyo overcooked lang pero okay na yan" dagdag ni Chase.

"Wow mukhang masarap" habang inaamoy pa ang usok nito.

--

Habang naglalakbay si Farris isang bagay ang naalala niya. Naalala niya ang lagusan na pinuntahan nila ng kaniyang ina noong bata pa siya. Saktong naaalala niya ang lugar kaya doon na siya nagtungo. Naisip niyang panahon na para bumalik sa totoong mundo.

Pagkarating~

Lumikha ng isang liwanag ang punong iyon bago pa man siya makapasok isang matalim na bagay ang nakatutok sa kaniyang likuran. "At saan ka pupunta, mahal na prinsipe?" sambit ng isang kawal. Ibinaba ni Farris ang mga gamit at itinaas ang dalawang kamay pagtapos ay humarap.

Ngumiti ito na parang hindi natatakot "Tingin mo masisindak mo ako? isa ka lang hamak na mababang uri ng kawal sa tingin mo ba talaga kikilalanin ng aking ama ang iyong tagumpay na mahuli ako hindi mo alam kung gaano kasakim ang aking ama" matapang na sambit ni Prinsipe Farris. Hindi pa rin ibinababa ng kawal ang nakatutok na patalim rito kaya nainip na si Farris "Baka nakakalimutan mo kawal sa ating dalawa mas mataas ang aking katungkulan kaya ibaba mo yang patalim na hawak mo" dagdag niya pa. Hanggang sa tuluyang ibinaba na ang patalim.

Mabilis siyang pumasok sa lagusan hanggang sa maglaho na ang ilaw nito. Nadatnan ng iba pang mga kawal ang lalaki. "Oh nasaan ang prinsipe? nahuli mo ba?" tanong nito sa kasamahan. "Nakatakas siya" sagot niya. "LAPASTANGAN! WALANG UTAK!" tsaka binaril ito.

Muling nasilayan ni Farris ang kabuuan ng totoong mundo. Nakita niya ang napakaraming tao, mga sasakyan, mga gusali at mga ilaw ng siyudad. Naglakad siya hanggang sa marating ang kalsada, nagulat naman siya sa mga mabibilis na sasakyan na dumaraan doon. Naninibago pa siya. Hindi niya alam kung saan siya pansamantalang tutuloy kaya naghanap siya ng mga possibleng lugar na pwedeng matulugan.

----

"Mahal na hari hindi po namin siya nahuli" balita ng isang kawal na ikinagalit ng hari "MGA WALANG SILBI!" sigaw nito.

--

Kinabukasan~

"Ate papasok na ulit ako" sambit ni Chase habang isinusuot ang uniporme nito. "Ayos ah nakakamiss kang makita mag aral" sarkastikong sinabi ni Jane.

"Ate naman eh, sige na" pagpapaalam niya.

"Baka ako rin umalis mamaya kailangan kong kausapin ang boss ko at ayusin ang mga naiwan kong trabaho" ani Jane.

Nagising nalang si Farris sa maiingay na mga bata na naglalaro sa harap niya. Nasisilaw siya sa tirik na araw na bumungad sa kaniya. Bumangon ito at ramdam ang kalam sa sikmura napahawak nalang siya sa tyan niya.

Natigilan si Farris sa pamilyar na mukha. Inaaninag niya kung sino ito. Tama si Chase nga iyon sinundan niya ito kung saan pupunta pero hindi na rin niya nakita dahil maraming tao ang dumaraan. Nawala na ang lalaki sa paningin niya.

Magkabilang Mundo [ COMPLETED ] ✓Where stories live. Discover now