Kabanata 8

256 2 0
                                    

Doubt.

And all of a sudden nakaramdam ako ng pagod. parang inubos ako ng mundo sa lahat ng meron ako.
Iniyak ko na lahat nang gabing iyon. Ilang beses kung tinignan ang litratong iyon.

Nakakapanghina. Gustong gusto ko syang tanungin. Pero hindi ko magawa, ayokong maka abala sa kanya. Lalo na ngayong busy sya sa kanilang Concert.

Hanggang kailangan ko itatago muna ito? Ilang linggo pa bago sya matapos sa trabaho. Titiisin ko nalang. Kaya ko pa naman.

Siguro.

Sinabi niya sa akin na hindi ako dapat maglihim sa kanya. Pero ito, ginagawa ko.
Akalain mo iyon. Kung sino pa itong dahilan ng problema ko ngayon, sila pa inuuna. May lakas na loob kaya akong tanungin sya? tungkol sa mga litratong ito?

Tinignan ko ulit iyon ng isang beses bago ko pinasok sa envelope at tinago sa Cabinet.
Ayoko ring e kwento kina Shia. Ayokong maka abala.

"How are you?"

Tanong nya sakin isang araw. Nagkaroon ng oras tumawag.

Malungkot akong ngumiti sa kanya. He look so tired too.

"I miss you."

"I miss you too. " Ani Kane habang inaayos ang angle ng camera.

"Pampanga pa din kayo?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman kase kami araw araw mag tawagan. Bukod sa may trabaho sya eh, nirerespeto ko iyon.

"Hindi na. Kakarating lang namin ng Davao. Bukas b-byahe ulit kami papunta sa General Santos. Are you okay Gai?"

Gusto ko ulit umiyak, alam na alam nya talaga kung anong nararamdaman ko. Gustong gusto ko ng itanong. At the same time natatakot ako sa magiging sagot nya. Kahit ilang beses kung e deny na di siya iyon. Na baka edited lang yon. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang sagot sa tanong ko.

"I just miss you, Kane. Pagod lang."

Malungkot nya akong tinignan.

"Pagod saan?" Nag aalala nyang tanong.

"Sa work. Medyo maraming tao sa flower shop. At may inaasikaso din kami nina Shia. Sa Oprha Home."

"Gusto mo bang umuwi ako?"

"Bakit naman? Hindi bat may trabaho kapa riyan?"

"Because I miss you , at ayaw kitang makitang ganyan alam mo yan Gai."

Natawa ako bigla. He knows me very well.

"I"ll be fine Love, pagod lang ito itutulog ko lang to mawawala din."

"Sumunod ka nalang sakin dito. So you won't miss me anymore?"

"Nah, antayin nalang kita dito. And also hindi ba kasama mo si Astre dyan?" Matabang kung tanong.

"Are you jealous?" Asar niya sa akin.

Hindi. Galit ako.

"Of course not! May dapat ba akong pagselosan? Kase kung meron mag seselos talaga ako!"

"Wala Gai. You know i don't cheat right?"

Talaga ba?

"I know you're so in love with me, bat ka nga naman mag che-cheat diba?"

"Ah, my girlfriend is so proud that's why i love you so much. Alam mo namang trabaho lang ang meron samin ni Astre at hanggang don lang iyon. Nothing more right?"

Baka siguro hindi naman talaga siya iyon? Baka ibang lalaki iyon. Hindi ko alam kung inaalo ko ba ang sarili ko o ano

"Sabi mo miss mo ako, bakit hindi ka muna sa Condo ko so you won't miss me that much?"

Natawa ako bigla.

"Hmm, edi mas lalo kitang ma miss nyan?"

"Atleast maibsan hindi ba? Don ka na kaya muna? Last con na namin sa Gen. Doon mo nalang ako antayin?"

Inirapan ko sya matapos nyang sabihin iyon. Natawa naman sya sa reaksyon ko.

"You know i love seeing you wearing my shirt." Asar nyang sabi

"God, Kane stop it."

"You know especially my black v-neck shirt"

Bigla uminit ang pisngi ko sa sinabi nya

"Lalo na kapag nag cu-cuddle tayo " dagdag nya pa

"My, God Kane, stop it."

Humalakhak pa talaga ang mokong.

"I"m just kidding Gai. But if you want too. You can stay at my Condo for a while. Don't be sad please? Ayokong nakikitang malunglot ka."

Bakit pakiramdam kung may alam sya? Ayaw nya lang sabihin sakin?

"Nag away kami ni Daddy. Nong nakaraang araw." Amin ko

"Is it about us again?"

"Nope. It doesn't matter okay?" Pagsisinungaling ko.

"I"ll do my best to win you Gai. I hope you know that."

Tuluyan na ngang nawala ang duda ko sa kanya matapos nyang sabihin iyon.

Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"I think you should rest now. Mukha kang pagod." Pag iiba ko ng usapan.

"You know how much i love you right?"

"Of course i know. And you know how much i love you too right?"

"Of course i know too. You don't know how proud i am everytime pinagtatangol mo ang relasyon natin kay Tito Serge. Alam ko na nahihirapan ka, Daddy mo iyon eh. I'm sorry. Kung sana ay mas nauna mo akong nakilala keysa sa Mico na iyon."

"Kane. Ayoko lang sa mga ginagawa ni Daddy for me. And i don't want to be like Mom. Ayokong e sakripisyo ang relasyon natin. Para lang masabihan akong perpektong anak."

"Yan ang isa sa mga rason kung bakit mahal na mahal kita." Aniya

"Sana alam mong hindi mauuwi sa wala ang lahat ng ito"

"Of course. Gusto ko lang din sabihin sayo na, Nag sisikap ako para sa ating dalawa. Kahit ayaw sa akin ng Daddy mo. I"ll do my best. Gaya ng ginagawa mo satin."

"I love you." Ngiti kung sabi.

"I love you more Gai."

"You should rest now. See you soon."

"See you in my Condo?"

"Stop it" saway ko kahit natatawa na rin kasabay nya.

Kahit papaano nawala na yong bigat na nararamdam ko natapos na rin ang tawag ng gabing iyon.

Inabala ko nalang ang sarili ko para hindi na mag mo-mokmok. Kane told me tatlong araw sila sa lugat ng kanyang Lolo.

'Hi Ma'am Gai! May bisita po kayo nasa loob po ng shop. Inaantay kayo."

Bungad sa akin ng isa sa mga staff ko

"Sino?"

"Mico daw po pangalan Ma'am."

Anong ginagawa ng lalaking to dito?

Nagmamadali akong pumasok sa shop at bumungkad sa akin ang lalaking nirereto ni Daddy sakin.

"What are you doing here?"

Tumayo naman ito at aakmang yayakapin ako. Pero pinigilan ko

"What? I just want to visit you, may pag uusapan sana tayo."

"For what?" I glared at him

Ngumiti ito bago sumagot.

"About us?" Aniya.

"Seriously? About us? What about us?"

"Calm down Gai. We used to be friends before."

"Yeah right. We used to be friends. Before. Andito ka na din naman. Tama ka nga dapat nga tayong mag usap."

Para matapos na itong kahibangang ito!.

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now