RELAPSE

1 0 0
                                    

Hindi maganda ang aking umaga
Dahil ikaw ang aking unang nakita
Bumalik lahat ng alala
Na kailanman hindi na muling matatamasa.

Minsan ikaw ay aking nasilayan
Ngiti mo ay aking natunghayan
Bigla itong nabuhayan
At ang mundo ko'y nakulayan.

Muli kong nasilayan ang iyong mga ngiti
Walang sigundong hindi ikaw ang aking pinili
Bakit iniisip ko palagi ako ang may mali
Ngunit sa bago mo ako ay nagtitimpi.

Minsan iniisip ko pano kung inayos natin
Ang mga kahapong hindi na dapat natin pilitin
Kung ayaw satin ng mga bituin
Hanggang sa buwan nalang kita tatanawin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Poem of Full of Unsaid FeelingsWhere stories live. Discover now