Sorry

1 1 0
                                    

"Ate love mo ba ako?" tanong ng makulit na kapatid kong si Madi. Inis ko siyang tiningnan.

"Madi, please ginagawa ko pa itong assignment ko. Wag mo akong istorbohin!"

"Pero ate love mo ako----"

"Madi!" sigaw ko. Nakita kong nasaktan siya pero busy talaga ako sa assignment ko. Kailangan ko kasing ipasa 'to bukas na bukas.

--

"Ate Karen may tanong po ako." Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagtetext sa kaibigan kong si Bianca. Nagset kasi kami ng time para mamaya. Magkikita kami para sa group project.

"Ate love mo ako 'di ba?" Tumayo ako at iniwan siya doon. Ang ingay. May pupuntahan pa ako.

--

"Ate---" Napabuntong hininga ako at sinamaan siya ng tingin.

"Madi, nagrereview ako nakikita mo ba? Ha?"

"Ate sabihin mo munang love mo ako----"

"Ma! Si Madi ang ingay ingay nagrereview ako!" sigaw ko dahil si Mama ay nasa kusina at paniguradong maririnig niya ako. Mabilis na sumulpot si Mama sa harapan namin at hinila si Madi palayo.

"Nagrereview ang Ate mo Madi! Ituloy mo nalang ang paglalaro mo roon."

--

"Ate Karen." Umiiyak na lumapit sa akin si Madi. Kumandong siya sa akin at niyakap ako. Napabuntong hininga ako at hinayaan siyang umiyak. Ano nanamang arte nitong batang 'to?

"Ate, Ate may b-bumubulong sa akin," iyak niya. Umikot ang mga mata ko.

"Ano nanamang kahibangan ang sinasabi mo Madi?" Inis kong tanong sakanya.

Nakakainis, iniistorbo nanaman niya ako. Hindi naman importante ang sinasabi. Marami pa akong gagawing projects. Huminto siya sa pag-iyak at tiningnan ako.

"Ate..."

"Ano?"

"Love mo ako 'di ba?"

"Tss." Inalis ko siya sa kandungan ko. "May gagawin pa akong project."

--

Napapikit ako at napatingala. Bumuhos nanaman kasi ang luha ko. Ang sakit sakit. Ang bigat bigat sa kalooban. Kasalanan ko kung bakit ito nangyari.

"Karen, puntahan mo na," sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko. Magang maga rin ang anak niya katulad ko.

"M-Ma, hindi kaya siya galit sa akin?" Ngumiti siya at umiling. Napabuntong hininga ako bago ko siya lapitan.

Parang nanghihina ang tuhod ko na makita siyang nasa ganiyang kalagayan. Hinaplos ko ang mukha niya mula sa salamin.

"S-Sorry Madi. I'm so sorry. Love na love na love ka ni ate. N-nahihiya lang siyang sabihin sa'yo kung gaano ka niya kamahal. Sorry sa mga nagawa ko, sorry. Sorry dahil naging busy ako at hindi na kita napapansin. Super love ka ni A-Ate, miss na miss ka na niya. Bangon na riyan please," hagulgol ko habang niyayakap ng mahigpit ang puting kahon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BusyWhere stories live. Discover now