Kabanata 21

368 3 0
                                    

Child.

Hindi ko alam, kung matutuwa ba ako o maiinis o sisihin si Kane o ang sarili ko.

"Ayan ka na naman eh! Matapos mo akong bigyan nang kapayapaan, ibabalik mo na naman ako sa simula! Bakit ka naman ganyan sakin." Heto na naman ako sa harapan niya, nakaluhod, umiiyak at sinisisi siya.

Bakit ang Panginoon ang aking sinisisi?
Gayong ako naman ang gumawa nito.

"Patawad po Lord, hindi ko na alam ang gagawin ko."

Hindi ko matanggap.

Ang pag bubuntis ko.

Ang batang dinadala ko.

Hinding hindi ko matatanggap ito.

"You're two weeks pregnant." Iyon ang sabi sa amin nang Doctor matapos kung mag pa check up sa karatig bayan.

Nanlamig ako matapos kung marinig iyon.
Hindi, ayoko ayoko nito!

"Ipapalaglag ko ang bata Pa."

"Huwag kang mag isip nang ganyan anak!" Ani Papa sa naaalarmang boses.

"Hindi ko po ito matatanggap."

"Anak mo yan kahit anong mangyari. Pag bali-baliktarin mo man ang mundo. Anak mo parin iyan." Mama Grace said.

"Blessing iyan anak, anak mo, apo namin ni Mama mo."

"Kung tingin mo ay hindi ka pa handa anak, huwag kang mag alala nandito naman kami ni Papa mo para gabayan ka, hindi ka namin pababayaan."

"Pero pa ayoko nito ayoko po."

Hindi ko na napigilang mag wala bakit kailangan umabot sa ganito?

Bakit?

"Masilan ang pag bubuntis mo Gaia, kailangan mong mag ingat." Ani Papa

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Basta ang alam ko ayoko nito ayoko.

"Anak ang mabuti pa ay mag pahinga ka muna huwag kang mag isip ng kung ano ano baka mapano ka at ang bata sa sinapupunan mo."Nag aalalang sabi ni Mama Grace sa akin.

Ang galing mo naman Kane.
Matapos mo akong gantihan
Nag iwan kapa ng bakas mo.
Hinding hindi ko matatanggap ang anak mo.

Simula nung nalaman kungg buntis ako. Ilang beses kung sinubukang ilaglag ang bata.
At kung kailan desedido na ako tsaka pa ako dinadalaw nang konsensya ko.
Ayokong magkaroon ng anak sa lalaking iyon.
Ayokong umabot ang panahon na anak niya pa ang dahilan upang mag ka roon pa ako ng koneksyon sa kanya.

Tangina. Ang galing galing mo talaga!

"Ate gusto mo ba nang Mangga?" Tanong sa akin ni Maliah

Mabilis akong umiling at nag iwas nang tingin sa mangga'ng hawak nya.

Sa totoo lang gustong gusto kung kainin, ang hinihingi nang batang to sa sinapupunan ko. Mangga,Avocado , Pizza, Ice Cream, Lasagna, Pasta. Italian Spaghetti.

Lahat iyon cravings ko, Pero mas pipiliin kung tiisin huwag kainin iyon.

Because I feel like the baby in my womb don't deserve it.
Pareho sila nang Ama niya hindi nila deserve ang pag a-alaga at pagmamahal ko.

"Alam ko ang tungkol sa inyo ni Kane. Sinabi sa akin nang Mommy mo nung isang araw. Alam ko anak na galit ka sa kanya, pero huwag mo sanang idamay ang anak mo sa galit mo. Walang kinalaman ang bata anak, kasalanan sa Diyos ang balak mong ipalaglag iyan."

Paalala sakin ni Papa isang araw.
Walang kinalaman?

"Oo pa. Tama ka galit ako sa Ama nang batang ito. Pero ayoko po mag karoon nang koneksyon sa taong manloloko pagdating nang araw, ayoko pong ang bata na to pa ang dahilan, para mag kita kami ulit."

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now