Simula

3.8K 38 3
                                    

Disclaimer: This is the work of Fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products for the author's imagination resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this study in any way. Please obtain permission.

Be advised that this story contains, sensitive contents, mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.


Simula

Aia's Pov




Awang ang bibig, nanlalaki ang mata, mabibilis ang pagtibok ng puso. Agad kong tinakpan ang bibig ko at malakas na napatili. 

S-sino i-itong k-katabi k-ko….h-habang p-pareho k-kaming…w-walang s-sa…s-sa…s-saplot?! 

Mula sa repleksyon ng salamin sa harapan ko, binalingan ko ang natutulog na lalaking hubad ang likod na nakadapa sa tabi ko. Nakabaling sa akin ang mukha niya. Matangos ang ilong, mahahaba ang makapal na pilikmata, at ang kissable ng lips!

Hala…natikman ko na iyon kagabi!

Nasabunutan ko ang sarili. Umalis. Oo! Umalis. Iyon ang kailangan kong gawin ngayon. 

Tinanggal ko ang kumot saka bumaba. Napangiwi ako sa pagkirot ng pagitan ko. Kaya imbes na dumali dali sa pagkilos, naging pagong ako. Agad kong dinampot ang saplot na malapit sa akin…ang ck na brief. Sinuot ko agad iyon at ang itim na loose long sleeve na pagmamay-ari ng lalaki. Bahala na kung anong itsura ko, ang mahalaga ay makaalis ako agad dito.

“Lintek ka, Aia!” 

Agad akong tinakbo ni Fresly nang makita akong pumasok sa apartment. Nanubig ang mata ko at nanginig. 

“F-fresly…”

“Anong nangyari sa'yo? Jusko, hindi ako nakatulog kahahanap sa'yo.” Puno ng pag-aalala niyang sinabi. 

Dinala niya ako sa bamboo seat. Hindi ko siya matingnan nang diretso sa mga mata. 

“Aia, sabihin mo sa akin. Anong nangyari sa'yo at bigla ka na lang nawala sa bar? Sa sobrang pag-aalala ko, muntik ko ng tawagan ang pamilya mo sa probinsya.”

Na-alerto ako, agad siyang iniling-ilingan. 

“Kung gano'n, sabihin mo sa akin. Ano ang nangyari? Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ka. Ano? May nanamantala ba sa'yo?” 

“Please, ‘w-wag mong sasabihin ang nangyari kahit kanino, kahit…sa pamilya ko.”

Bumyahe ako papunta rito sa Maynila para magkasambahay sa isang mayamang pamilya. Pero nang nakarating na ako ay na-aksidente naman ang mag-asawa na magiging amo ko, at ang mga anak nila ay aalis na rin. Ang alam ng pamilya ko sa probinsya ay isa na akong kasambahay ngayon. Hindi ko naman masabi sa kanila ang nangyari dahil paniguradong pauuwiin nila ako. Hindi iyon p'wede, mahihirapan kaming ipagamot si Tatay na ngayon ay na-stroke. Kaya kahit mahirap at hindi maayos na trabaho sa paningin ng iba…nag-waitress ako sa isang bar na pinagtatrabahuan ni Fresly, ang pinsan ko.

“Sige, basta sabihin mo sa akin kung saam ka galing. Bigyan mo ng hustisya ang labis na pag-aalala ko.” 

Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari sa pagitan namin ng hindi ko kilalang gwapo at mabango na lalaki. Hindi ko naiwasang pamulahan.

Paano nga ba iyon nangyari? Paano iyon nagsimula…

“Sir, drinks?” 

Kahit nanginginig ang tuhod ay humakbang pa ako palapit sa table nila. Hindi ko sila matingnan sa mata, lalo na ang isang pares ng madilim na mata na nararamdaman kong nakatitig sa akin. 

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now