Kabanata 2 (Warning)

1.4K 25 1
                                    

Kabanata 2: Aia's Pov





“Eh, pangalan mo nga hindi ko alam, e!” giit ko.

Ano ‘to? Sa pagpunta ko sa Manila, may asawa na ako?

Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana pala umuwi na lang ako. Kaya nga ako pumunta ng Manila para tulungan ang pamilya ko, e.

Inangat niya ang kamay para makipagkamay sa akin.

“Euriandrei Ace Fulgencio, Ma'am.”

Nakatingin lang ako sa kamay niya. Bakit tinalo pa ng kuko niya ang kuko ko? Mas nagmukha pang pangbabae ‘yung linis ng kuko niya kaysa sa kuko ko.

“Hindi,” sabi ko at tinalikuran siya.

Muli niya akong inabot, at sa pagkakataong ito ay wala ng balak na bitiwan ako. Hindi ko mabawi ang kamay ko habang hila-hila niya ako palabas ng bar.

“You will never work to that bar again,” sabi niya at binuksan ang pinto ng sasakyan.

“Sino ka para sundin ko? Hindi kita tatay.”

Salubong ang kilay na tinitingnan lang ako. “Sa susunod na makita ulit kita sa loob ng bar na iyon, itatali na talaga kita sa akin.”

“At sa tingin mo matatakot ako sa'yo? Ipapaalala ko lang sa'yo, Eu-eurie…Durian!” lintek ‘di ko alam pa'no ang tamang pagpronounce sa pangalan niya. “Walang tayo, kaya wala tayong karapatan sa isa't isa.”

Napaatras ako nang lumapit pa siya sa akin. Napasandal na ako sa kotse nang yumuko pa siya para pantayan ang mata ko.

“May karapatan ka sa'kin. Ikaw lang ang may karapatan sa'kin. Ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo…p'wede mo na akong ipagdamot.”

Nahirapan ako sa pagproseso sa sinabi niya. Ipagdamot? Siya? Ipagdadamot ko siya? Bakit ko naman siya ipagdadamot? Hindi ko napigilang matawa. Humalakhak ako. Lalo namang nagsalubong ang kilay niya.

“May saltik ka?”

“D*mn woman. Get inside.”

Lumayo ako nang subukan niya akong ipasok sa loob. “You are not my husband to tell me what to do,” sabi ko, naalala ang linya ng paborito kong karakter na pinapanood ko noon.

Napahilamos siya sa mukha, hirap na hirap sa pagmamatigas ko. Hindi lang siya mahihirapan sa'kin, ma-i-stress pa siya!

“Stop. Gusto ko lang na iuwi ka…sa bahay niyo. I don't want you to work to that bar again.”

“Nag-aalala ka ba?” mukha kasing oo, bahid sa mukha niya.

“Yes!” he confessed.

“Bakit?”

“I'm worried! Baka uminom ka ulit ng alak na ‘yun. Baka kapag nawala ka ulit sa wisyo ay kung sinong lalaki na lang ang lapitan mo.”

Natigilan ako. Gano'n pala talaga ako nabaliw na ininom na alak.

Napayuko ako. “H-hindi ko sinasadya. Hindi ko na maalala ang sunod na nangyari kagabi…”

“Me, too. Natikman ko ‘yung alak sa bibig ko. So, I'm sorry, too.”

Napatango tango ako. “Kalimutan na lang natin. Kalimutan mo na lang din na may nangyari,” sabi ko at lalampasan na siya nang hawakan niya ako sa braso.

“No. I will never forget.”

Napabuntong-hininga ako. Nasabunutan ko ang sarili at napaupo. Sising-sisi ako. Ang dumi-dumi ng tingin ko ngayon sa sarili ko.

“Hey…”

“Pakiusap, nandito ako para magtrabaho para sa pamilya ko. Ayokong talikuran sila. Hayaan mo na lang ako.”

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tapat ko at ang malalim na pagbuntong-hininga. “I can give you a decent job. Just leave this place”

Napaangat ako sa kaniya ng tingin. “Bakit? Bakit mo sa akin ginagawa ito? May kapalit ba ang ginagawa mong pagtulong sa akin? At…kailangan ba kitang pagkatiwalaan?” sunod-sunod na tanong ko.

“I know. We just met. But I'll assure you…hindi kita sasaktan. If you're scared of me because you don't know me, I'll introduce myself to you. Magpapakilala ako. Ipakikilala ko sa'yo kung sino ako…just leave this place. This place is not good for you and to our–,”

“Anong trabaho ba?” putol ko na agad sa kaniya.

Nagsisimula ko na naman kasing maramdaman ang mga kakaibang pakiramdam na bago sa akin, gawa ng mga sinabi niya. Parang…may kakaiba sa pagtalon ng puso ko. At kailangan ko siya agad patigilin para hindi na ako malito sa maaring maramdaman ko.

“Be my maid.”

“Talaga?!” Hindi ko napigilang matuwa.

Tumango siya. “I'll hire you as my personal maid.”

“Sandali…” napaisip ako. “Personal? Ibig sabihin, sa'yo lang? Ikaw lang ang bossing ko?”

Tumango siya. “Yup. Only in my house. Now, let's go to my house so we can discuss about the job I'll offer to you.”

Sakto nakita namin si Fresly na lumabas ng bar na hinahanap ako. Nagpaalam ako sa kaniya pero hindi agad siya pumayag. Pero nang ipakilala ko sa kaniya si Durian ay hindi ko maintindihan kung bakit natigilan siya at biglang nataranta.

“S-sige, Aia! I-text mo na lang ako kapag may kailangan ka,” sabi niya na ikinalito ko.

Napabaling ako kay Durian na nakatingin lang naman sa akin. Bakit parang natataranta sa kaniya si Fresly?

“S-sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi, Fresly,” sabi ko.

Hindi siya makatingin sa lalaki nang deretso. “Mag-ingat kayo, sir. Kayo na po ang bahala sa pinsan ko,” sabi niya na parang binubugaw ako.

At may pa ‘po’ pa siya ha!


Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na kay Durian nang tumalikod na.

Medyo nakahinga ako nang maluwag-luwag dahil maayos ko nang makakausap ang pamilya ko sa probinsya. Hindi na ako magkukuwento sa kanila ng puro kasinungalingan. Magiging kasambahay na ako ’tulad nang inaasahan nilang trabaho ko rito sa Maynila.

Hay! Sana lang ay hindi ako pahirapan ng magiging trabaho ko sa kamay ni Durian!


To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now