Kabanata 3 (Warning)

1.2K 23 1
                                    

Kabanata 3: Aia’s Pov




Awang ang labi ko habang nililibot ang tingin sa loob ng bahay ni Durian. Namamangha ako sa ganda at linis, at sa ayos ng mga gamit. Mga halatang mamahalin.


“Bahay mo ito?” 

Umupo siya sa mahabang sofa habang ako ay nananatiling nakatayo, tinitingala ang hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay. 


“Bahay natin.” 

Oo nga pala, magiging kasambahay na ako rito. 

“Wala ka bang ibang kasama rito? Nasaan ang pamilya mo?” saka ko siya binalingan. 

Tinapik niya ang tabi niya na parang inuutusan akong umupo roon. Kaya sumunod ako. 


“Wala akong kasama rito. Kumuha lang ako ng caretakers.”

“Kung meron na naman pa lang taga-linis dito, bakit mo pa ako kukunin?” nahihiyang tanong ko. 

“Do you know how to cook?” sunod-sunod akong tumango. “That's good. Starting today, ikaw na ang magluluto ng pagkain natin.” 

“Kung gano'n…may taga-luto ka rin dito?” 

Bumuntong-hininga siya at sumandal sa sandalan ng sofa. Pinikit niya ang mga mata niya. “I have, but since you're here…ikaw na ang gagawin kong cook.” 

“Mukhang palagi kang wala rito,” usal ko. 

“Hmm I'm staying at my condo. Umuuwi rin ako rito kapag pumupunta rito ang parents ko.”

Casual lang ang pag-uusap namin na parang matagal na kaming magkakilala na dalawa. Nakakaramdam man ako ng pagkailang, pero naroon pa rin ang kagustuhan kong may malaman na impormasyon sa kaniya. 


Nilingon ko ang lalaki nang hindi na siya nagsalita pa o gumalaw man lang sa pagkakasandal sa sofa. Nakapikit pa rin siya. Mukhang nakatulog na. 


“Ahm…sir?” 

Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya at bahagyang pinaling sa akin ang mukha. Hindi ko siya matingnan sa mga mata kasi parang may natutunaw sa kalamnan ko. 


“M-mas mabuti kung magpahinga ka na muna. Hihintayin ko kayo na makapagpahinga. Dito lang ako.” 

Hindi siya umimik kaya napatingin ako sa kaniya. Parang kinakapos ang ako ng hangin sa paraan ng tingin niya. 

“K-kung…inaalala niyo na baka may pakialaman akong gamit niyo, hindi po. Hindi ako mangingialam. Wala akong gagalawin.” 


“Hmm?” 

Napatikhim ako. Ayaw kong bigyan ng tawag ang tono ng pananalita niya. Pero masasabi kong…inaantok ang boses niya. 

“Sabi ko po–,”

“When I woke up I want you to cook for me.”

“O-okay! Wala pong problema.”

“Hmm…”

Parang pinagdududahan niya ako sa kung ano. 

“Baka bumalik ka sa bar na ‘yon,” nanlaki ang mata ko. “Baka paggising ko…iniwan mo na naman ako.” 

Hindi agad ako nakaimik. Lord…bakit naman po ganito…bakit po parang nalilito ako sa isang importanteng bagay na dapat akong magpaka-honest? 


Sa hitsura naman niya…mukhang hindi naman siya masamang tao. Sa pananamit niya, hindi naman siya nagmumukhang nakakatakot. Nakasuot lang siya ng black slacks at white botton down long sleeve. Nagmumukha siyang…demonyong anghel. 


Umiling ako. “Hindi na po ako babalik sa bar na ‘yon, sir. Kung gusto niyo, maglinis linis ako rito sa bahay niyo.”


Nangunot ang noo ko nang ilingan niya ako. Hindi niya ako pinagsalita dahil muli siyang nagsalita. “Bukas. May papipirmahan pa akong agreement sa'yo.” 


Tumango ako. “Sige, po. Kung ‘yon ang gusto niyo.” 

Bumangon siya sa pagkakasandal sa sofa at hinarap ako. Nilayo ko ang mukha nang sundutin niya ang ilong ko. Para siyang bata na naaaliw. “Your nose is cute.”

“Ahm…” napahawak ako sa dibdib sa pagkakabigla sa kaniya nang patalon siyang tumayo. 

“Let's go upstairs.”

“Po?” Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hinila patayo. 

Nanlambot ang tuhod ko sa gulat kaya hindi agad ako nakatayo. Napahiyaw ako sa pag-aakalang babagsak ako sa kabilang sofa. Bago tumalsik ang katawan ko ay nasalo ako ng braso ni Durian. Biglang para akong lumilipad sa mga ulap habang nakatitig sa matang kulay tsokolate. 

My heart beat faster. 

“Tss. Too clumsy,” kunot-noong aniya.

Kinabig niya ako patayo. Humakbang ako paatras at napaayos ako ng tayo. “S-sorry po, sir…” 

“Let's go.” Sumunod ako sa kaniya nang maglakad na siya. 

Meron ding sala sa second floor. May 2024 inches din na flat screen tv, ‘tulad ng nasa ibabang sala. Sa harap niyon ay may mesa na gawa sa babasagin. Nakita ko ang picture frame sa ibabaw niyon. Nakilala ko si sir, ang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay mga magulang niya, na hindi nalalayo ang edad sa magulang ko, at isang teenager na lalaki. Tingin ko ay ang bunso niya namang kapatid. 

Sumunod ako kay Durian nang pumasok siya sa isang kwarto. 

“This is your room.” 

Ang inaasahan kong room ko ay masikip at sakto lang sa isa. Pero ang kwartong ito na binibigay niya ay malaki, may flat screen tv at may balkonahe! 

“Seryoso po kayo, sir? Wala po ba kayong bodega? Okay na po sa akin kahit doon lang ako.” Baka kasi may nagmamay-ari ng kwartong ito. 

Pero sino ba naman ako para bigyan niya ng ganitong klaseng kagarbong tulugan? Eh…kasambahay niya lang naman ako. 

Nakagat ko ang ibabang labi sa madilim niyang tingin sa akin. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Lihim akong napalunok nang humakbang siya palapit. 

“You're my maid, right?” 

“Y-yes po, sir…” 

“Sa ating dalawa, ako ang master, ako ang masusunod?”

Sunod-sunod akong tumango. “Opo, sir…” napayuko ako.

“Now, kiss me…” 

Agad napaangat ang mata ko at nanlaki ang mata. Hindi ako nakagalaw dahil sa lapit ng mukha niya, natuod ako. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko mapakalma.

“P-po?” 

“You can't?”

“Ahm…” 

“Then let me do it for you.” 

Halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nang maramdaman ko ang malambot na labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalaw. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya, pero ang labi ko…saradong sarado. 

Hindi naman ito ang unang pagdikit ng mga labi namin, pero pakiramdam ko ay ito ang una. 

Lumalim pa ang halik ni sir. Sa sandaling iyon…nanlambot ang mga tuhod ko at natagpuan ko na lang ang sarili na nilalabananan ang mga halik niya. 

Sa muling paglapat ng mga labi namin…tuluyan na naman akong bumigay.

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now