Kabanata 5 (Warning)

1.2K 23 0
                                    

Kabanata 5: Aia’s Pov

Kinuha ko ang sign pen sa tabi saka pinirmahan ang tinuro ni Euriandrei. Officially kasambahay na niya ako.

Napatingin ako sa kanilang dalawa ng kaibigan niya nang kunin na niya ang papel. “Okay na ba ‘yan, sir? May iba pa po ba akong dapat pirmahan?”

Nagkatinginan silang dalawa. Umiwas din agad ng tingin si Euriandrei sa kaibigan. Siya ‘yong lalaki na kaibigan niya na nakilala ko rin sa bar. Isa pala siyang abogado. Seryoso itong nakatingin kay Euriandrei, umiwas ng tingin pagkabuntong-hininga.

“Okay na ‘to. You can now continued to your work.”

Tumayo ako at nagpaalam na sa kanila para balikan ko ang kusina. Nagluluto ako kanina nang dumating ang dalawa. Sabay-sabay kaming kumain, at pagkatapos ay binigay ni Euriandre sa akin ang papeles na sinabi niyang agreement, na kailangan kong pirmahan. Hindi ko na binasa iyon at pinirmahan na lang. Baka mainip silang dalawa kung babasahin ko pa, kasi mahina ako sa English at mali-mali pa ang pagbasa ko salita.

“Are you really sure about it?” dinig kong sinabi ng kaibigan ni Euriandrei.

“Yeah.”

“We can still fix your mess, Drei. It’s just a mistake. Both of you were drunk that night.”

Tumago ako sa pader at bahagyang sumilip sa kanila. Baka mag-away sila, mukhang seryoso pa naman ang pinag-uusapan nila, na kung hindi sila magkakasundo ay mag-iinitan sila.

“Sige na, Vhon. I’ll just call you if I need anything.”

Tumalikod na ako sa kanila nang tumalikod na si Euriandrei sa kaibigan niya. Tahimik kong hinugasan ang mga pinagkainan. Narinig ko ang yapak palapit sa akin pero hindi ako lumingon. Natigilan na lang ako nang maramdaman ang paggapang ng dalawang braso paikot sa baywang ko. Sunod ay ang pagpatong ng baba sa balikat ko.

“Aren’t you tired?” malambing na saad ni Euriandrei.

“Ah…”

“Hindi ka pa ba napapagod?”

“H-hindi pa po, sir…”

Hindi ko maintindihan kung bakit nakayakap siya ngayong sa akin. Lalong hindi ko maintindihan kung bakit tila nagugustuhan ko naman, at parang ayaw kong lumayo siya.

“You must be tired.” Kinuha niya ang kamay ko at tinapat sa gripo. Binuksan niya iyon at inalis ang bula sa kamay ko.

“Pero, sir…” natigilan ako nang maramdaman ang malamig na metal na sinusuot niya sa daliri ko.

Nanlaki ang mata ko.

“P-para saan po ito, sir?” Habang pinagmamasdan ang singsing sa daliri ay nararamdaman ko naman ang pagtalon ng puso ko.

“Alagaan mo ‘yan, ha. Hindi ‘yan p’wedeng mawala sa’yo. ‘Wag mong huhubarin ‘yan kahit anong mangyari. Kapag nakita kong hindi mo ‘yan suot, lagot ka talaga sa’kin.”

Napabaling ako sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. “Kapag nawala ko po ba ito…m-magbabayad ako?” kinakabahan tanong ko.

Ang ganda ng singsing. Mukhang buhay ko ang kapalit kapag naiwala ko ito.

“Uh-huh. Dalawang anak ang ibabayad mo sa ‘kin kapag nawala mo ‘yan.” Nanlaki ang mata ko.

Dalawang anak? Saan ako kukuha ng dalawang anak?!

“Eh, S-sir…kung ibalik ko na lang ‘to sa’yo?” Huhubarin ko na sana ngunit agad niya akong pinigilan.

“Don’t. That’s yours. Kung may magtangka man na kunin ‘yan sa’yo, sabihin mo agad sa akin.”

“P-para saan po ba ito? Bakit niyo po ako binigyan ng ganito kagandang singsing?” inosenteng tanong ko.

Pinagsiklop niya ang mga daliri namin na ikinapula ng buong mukha ko.

“Para malaman nila na hindi ka na p’wede because you already belong to me. You’re my half now.”

Half? Kahati? Ah…kahati rito sa bahay nila. Sa bagay, hindi lang siya ang nandito sa bahay niya kasi nandito na rin ako. Kaya hati na kami.

Tumango tango ako, naiintindihan ang ibig niyang sabihin. “Okay po, Sir. ‘Wag kayong mag-alala, iingatan ko ito.”

Lumuwag ang braso niya sa baywang ko kaya pumihit ako paharap sa kaniya. “Hmm do you need anything?”

“Uhm, Sir…p’wede ko po ba g mahirap ang cellphone niyo saglit?”

Kumunot ang noo niya, pero naroon pa rin ang pagka-aliw sa mata. “Ano pong gagawin mo sa phone ko?”

Nakagat ko ang ibabang labi. Lalo akong nahihiya sa lambing at rahan ng boses niya. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mukha.

“Tatawagan ko lang ang kaibigan ko, Sir.”

“Uh-huh?”

“Kukumustahin ko rin po. Sasabihin ko na may bago na akong trabaho. Baka nag-aalala na rin siya…” Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso dahil sa panonood niya sa akin habang nagsasalita.

Hindi naman baliw o adik itong si Sir, ‘di ba? Nagmumukha lang dahil sa paninitig sa akin.

Bahagya siyang lumayo at may dinukot sa bulsa. Naka-white t-shirt lang siya na pinaresan niya ng itim na jeans. Naka-coat siya kanina pagdating, pero hinubad niya kanina.

“Here.”

Kinuha ko ang cellphone mula sa kamay niya.

“I’ll just take a shower,” sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

“Sige po, Sir. Tawagin niyo na lang ako kapag my kailangan kayo.”

Binaba ko ang tingin sa hawak na cellphone nang mawala na si Euriandrei sa paningin ko. Umawang ang bibig ko habang nakatingin sa bumungad sa akin na lock screen wallpaper.

Ako ‘yon, natutulog. Nakadapa ako sa puting unan habang may puting kumot na nakapatong sa hubad kong likod. Sa naaalala ko…sa condo iyon ni Euriandrei noong…

Kulay kamatis na ang pamumula ng buong mukha ko sa screen ng cellphone.

Pagkatapos kong isend ang messages sa number ni Fresly, hinanap ko ang gallery sa cellphone ni Euriandrei. Alam kong hindi ko na dapat pakialaman, pero gusto kong silipin. Hindi naman ako nahirapan sa paghanap, at hindi rin iyon naka-lock.

Nalaglag ang panga ko nang makitang puro picture ko lang iyon. Walang ibang mukha ang naroon kundi sa akin lang. Walang kahit isang picture na nakatingin ako sa camera, lahat iyon puro.

Nabigla ako nang biglang may kumuha ng cellphone sa kamay ko.

“Ang ganda niya, ‘no? Na-in love ka rin ba?” natatawang saad niya habang nakatingin sa cellphone niya.

“S-sorry!” agad na paumanhin ko kay Euriandrei. Mula sa cellphone niya ay umangat ang tingin niya sa akin. “May kailangan p-po ba kayo, sir?”

“Meron, ikaw,” sabay kuha niya sa kamay ko at sinama palabas.

“B-bakit po, Sir? Ano pong kailangan niyo?”

“Sumama ka sa ‘kin. Bibili tayo ng phone mo at ng mga kakailanganin mong gamit.”

“Po?!” Hindi niya ako binitawan hanggang sa makarating kami sa kwarto na pinagtutuluyan ko.

“Sabay na tayong maligo para tipid sa tubig,” sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Magsasabay kaming maligo?! Imposibleng para makatipid kami sa tubig!

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now