Kabanata 6 (Warning)

1K 24 0
                                    

Kabanata 6: Aia’s Pov

“Hello, Fresly?”

“Bruha ka!” sigaw niya mula sa kabilang linya. “Pinag-alala mo ako! Ilang araw kang walang paramdam. Akala ko uuwi ka rin kinaumagahan no’n!”

“Pasensya na, marami lang nangyari.”

“Sa dami ng nangyari na ‘yan, baka buntis ka na, ha.”

Binalot ng init ang buong mukha ko. Napalingon ako sa likuran ko. Nakahinga ako nang maluwag nang wala si Euriandrei. Nasa pool area ako, kapapasok lang ni Euriandrei kanina pagkatapos lumangoy-langoy.

“Hindi, ah! Sobrang busy ko lang sa trabaho. ‘Tsaka, ngayon pa lang ako nagka-cellphone.”

Isang buntong-hininga ang narinig ko sa kaniya. “Sige, sige. Tumawag ka na ba kina Tiya? Kinukumusta ka nila sa ‘kin, sabi ko busy ka sa trabaho dahil umuwi ang anak ng amo galing America.”

Na-guilty ako. Pati tuloy si Fresly ay nakakagawa na ng kwento para pagtakpan ako sa pamilya ko. Hayst. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila ang totoo. Alam naman natin, na kapag sinabing nagtatrabaho sa bar, iba na agad ang iniisip ng mga tao. Ayaw kong pagpyestahan ng mga tao roon ang pamilya ko, dahil lang sa maduming isip nila.

Tinawagan ko ang pamilya ko sa probinsya matapos ang pag-uusap namin ni Fresly. Umupo ako sa sun lounger habang hinihintay na sagutin ng kapatid ko ang tawag ko.

“Hello, Ate?”

“A-aifrell! Kumusta kayo? Si Tatay kumusta?”

Nanubig ang mata ko. Miss na miss ko na sila. Huminga ako nang malalim upang pigilan ang emosyon.

“Ate!” narinig ko na may nahulog. “Miss na miss ka na namin, Ate! Sandali lang, tatawagin ko Nanay sa likod!”

Narinig ko na tinawag-tawag ng kapatid ko si Nanay habang sinasabi na tumawag ako.

“Ano?! Si Ate mo?”

“Upo, ‘Nay! Bago po ang numero niya.”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang maiyak. “’Nay?”

“Anak ko?! Penille? A-aia, anak?”

“’Nay…k-kumusta po kayo? Kumusta po si Tatay? Miss na miss ko na po kayo…”

“Miss na miss ka na rin namin, Anak. Ako sana ang nasa sitwasyon mo ngayon diyan, anak…p-pasensya na kung hindi ko maiwan ang Tatay mo.” Sumisinghot-singhot si Nanay.

Tumingala ako para mapigilan ang luha sa pagbagsak. “Maayos lang po ako rito, ‘Nay. Sabihan niyo lang ako kapag may kailangan kayo, ha. Si Aifrell, si Junjun.” Si Aifrell ang sumunod sa akin, grade 7 na siya ngayon, at si Junjun naman ay ang bunso namin, 6 years old.

“Mag-iingat ka diyan palagi, Anak, ha. Alagaan mo ang sarili mo. Tumawag ka lang din kapag may kailangan ka, nandito lang kami.”

Naririnig rinig ko mula sa kabilang linya ang mga boses ng kapatid ko. Para silang may pinagkakaguluhan na kung ano.

“Miss na miss ka na ng Tatay mo. Saglit, ibibigay ko sa kaniya ang cellphone.”

Napaayos ako ng upo. Narinig ko ang boses ni Mama na kinakausap si Tatay. Nanikip ang dibdib ko habang naririnig ang hirap na pagsalita ni Tatay. Umuungol lang siya.

“’Tay? Kumusta po kayo? ‘Wag po kayong magpapasaway kina Nanay, ah. ‘Y-yong gamot niyo po palagi nitong iinumin.”

“A-anak…mahal na m-mahal kita.”

“M-mahal na mahal ko rin po kayo, ‘Tay. Magpagaling po kayo. P-pag-uwi ko, dapat magaling na kayo ha! Hindi niyo makakain ang mga pasalubong ko kapag hindi pa kayo nagpagaling ngayon.”

Narinig ko ang pagtawa ni Nanay sa kabila kaya nadala na rin ako. Noong maayos pa si Papa, noong wala pa siyang sakit, hindi lumilipas ang araw nang hindi kami masaya. Palagi niya kaming pinapatawa kahit minsan wala na kaming makain dahil sa hirap ng buhay, lalo na kapag masama ang panahon…na hindi siya makapamalaot.

Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap namin. Nagpaalam na rin ako na magta-trabaho na kaya nagkausap lang kami sandali ng mga kapatid ko bago ko in-end ang tawag. Masaya ko na maayos sila ngayon dahil sa perang napadala ko. Ang sarap lang sa pakiramdam, na nasusuportahan ko na rin ang pamilya ko. Sila ang dahilan kaya nagpapatuloy ako. Sila ang dahilan kaya nagpapatuloy ako. Saan man ako mapadpad, sila pa rin ang tahanan ko. Ang pagmamahal nila sa ‘kin ang lakas ko.

“Hey–,”

“Ay betlog mo sir!” napahawak ako sa dibdib, nanlaki ang mata kong nilingon siya. “S-sir! Uhm…pasensya na po, may kailangan ba kayo?”

Napansin ko ang pormal niyang kasuotan. Nakabukas ang tatlong botones ng puti niyang long sleeve habang hawak-hawak niya ang itim na coat. Naka-leather black shoes siya na pinaresan ng itim na slacks. Wow! Ang pogi ni Sir ah!

“May kailangan ba kayo?” panggagaya niya sa boses ko.

Tumigil siya sa harapan ko kaya napatayo na ako. Napansin ko ang necktie na hawak niya kaya hiningi ko iyon para ako na ang maglagay. Marunong naman ako dahil pinag-aralan ko ito sa probinsya.

“Marunong ka?”

“Opo, Sir!”

“Can you please stop calling me ‘Sir’? Nagmumukha akong matanda agad.” Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Ayokong tinatawag mo akong ‘sir’.”

Umayos siya ng tindig at nagpamaywang.

Dahil matangkad siya ay nakatingala ako nang tingnan siya. “Eh, ano pong gusto niyong itawag ko sa inyo? Master? Boss? Bossing?”

“Pogi.”

“Ha?” nagtatakang tanong ko. “Hindi naman po–,”

“I’m not?!” tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “I’m not handsome? I couldn’t believe you! Hindi porket maganda ka–,”

“Hayst!” putol ko agad sa kaniya. “Kung ano-ano agad ang sinabi,” nagpipigil na tawang sabi ko. Natatawa kasi ako sa itsura niya, parang bata na may gustong ipaglaban.

“Call me love, then. Or hubby, whatever!”

Salubong na salubong na ang kilay niya ngayon. Binitones ko na rin ang nakabukas niyang harapan nang matapos ako sa necktie.

“I have important meetings to attend to. Baka gabi na ako makauwi dahil sa mga trabahong gagawin,” sabi niya.

Tumango ako at humakbang paatras para matingnan siya na g maayos. “Sige, mag-iingat po kayo…uhm..Sir–,”

“Tss!”

“Uhm…hubby!” Hindi ko alam kung ano ‘yung hubby na ‘yon, bahala na.

“I’ll go now. Call me if anything happens. Magre-reply ka rin agad kapag nagte-text ako.”

“Okay, po!”

Tumalikod na siya at naglakad. Hindi pa siya nakakalayo ay tumigil siya sabay lumingon pabalik.

“Kapag tumawag ako, sagutin mo agad.” Nagtataka ako pero tumango rin. “That’s all. Bye.”

Nakagat ko ang labi sa pigil na pagngiti. Nagsalubong ang kilay niya sa ginawa kong iyon. Parang inis na inis siya sa kung saan.

“Tss! Don’t bite your lips like that–tss! Whatever!” Tumalikod na siya at inis na nagpatuloy sa paglakad.

Natawa na ako. Baliw na yata si Sir.

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now