Kabanata 7 (Warning)

1K 17 0
                                    

Kabanata 7: Aia’s Pov

Pinagkatitigan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Suot ko ang manipis na bistidang light green, na binili rin sa akin ni Euriandrei no’ng bilhan niya ako ng cellphone.

“Happy birthday to you, Penille Aianna!” bati ni Fresly nang sagutin ko ang tawag.

“Salamat, Fresly!”

Kanina bago ako naligo ay may sinend na picture si Aifrell sa akin. Sa pagtawag ko kanina ay nakalamutan daw nila na batiin ako at ipakita ang kunting salo-salo na hinanda nila ni Nanay. Hindi na raw siya pinatawag ulit ni Nanay sa akin kasi nasa trabaho na ako.

“Kailan ulit tayo magkikita?”

Umupo ako sa tabi ng kama at napaisip. “Magpapaalam muna ako sa amo ko,” sabi ko. “Kapag pinayagan ako, sasabihin kita agad!”

“Strict ba ang amo mo?”

Oo nga pala, hindi alam ni Fresly kung kanino ako nagkasambahay. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya na kinuha ako ni Euriandrei. Mukhang kilala pa naman niya ang lalaki.

“Uhm…hindi naman. Pero may mga oras na nakakatakot siya.”

“Sinasaktan ka ba?”

Napailing pa ako. “Hindi naman, ‘Ly. Mabilis lang siyang mainis at medyo…maiksi ang pasensya.”

“Basta, tawagan mo lang ako kapag may nangyari. Ibigay mo rin sa ‘kin ang exact location mo diyan, just in case. Para madalaw din kita kapag may free time ako.”

Nagpaalam na rin ako agad kay Fresly matapos mabasa ang sunod-sunod na text ni Euriandrei.

Sir Euriandrei:
Who are you talking with? Kanina pa kita tinatawagan

Sir Euriandrei:
I told you to answer when I call. Sinabihan ba kita na kumausap ng iba?

Sir Euriandrei:
Tss. Whatever. Opis na me.

Hindi ko maintindihan kung bakit nakangiti pa ako kahit alam kong mainit na naman ang ulo niya dahil hindi ko agad nasagot ang tawag niya. Nag-reply ako.

Ako:
Sorry po. Tumawag lang ‘yung kaibigan ko para batiin ako

Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay nakatanggap na agad ako ng reply sa kaniya.

Sir Euriandrei:
Batiin? What’s up?

Ako:
Birthday ko po kasi.

Sir Euriandrei:
Oh…that’s why you look older today. Gurang.

Ha? Napatingin ako sa salamin. Nasuri ko ang itsura ko ng wala sa oras. Mukha na akong gurang? 21 pa lang ako.

Sir Euriandrei:
Happy 81st birthday

Parang may paru-paro na nabuhay sa tiyan ko matapos mabasa ang pagbati niyang iyon. Normal lang naman ang naramdaman ko no’ng baton ako ng pamilya at kaibigan ko ah.

Hindi ako nakapagreply agad kaya napababa sa cellphone ko ang tingin ko nang tumunog iyon.

Sir Euriandrei:
I told you to reply when I texting you. Whatever.

Ako:
Thank you po!

Nagpaalam na rin siya na magsisimula na ang meeting nila. Sinabi niya pa na ‘wag na akong magluto para sa hapunan namin. Buong araw lang akong nanood dahil wala na rin naman akong tratrabahuhin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Madilim na sa labas nang magising ako.

Napabangon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatayo ako nang pumasok si Euriandrei.

“Nand’yan ka na pala…”

“Hindi, kaluluwa ko lang ‘tong nakikita mo.”

Napanguso ako sa pamimilosopo niya. Lumakad ako palapit sa kaniya at kinuha sa kaniya ang dala niyang cake, pero binawi niya sa akin.

“Mukhang nakatulog ka.”

“Opo, natutulog pa rin ‘yong katawan ko. Kaluluwa ko lang ‘tong kausap niyo,” nakangiting sabi ko.

Natawa na ako, inis siyang nakatingin sa akin ngayon. “Tss.”

Sumunod ako sa kaniya sa kusina. “Hala, akala ko bibili kayo ng hapunan natin. Dapat pala nagluto na lang ako.”

“Ako na magluluto,” sabi niya saka nilagay sa lamesa ang cake.

Para sa akin kaya ang cake na ‘yon? Binilhan niya ba ako kasi birthday ko? Parang hinaplos ang puso ko.

“Asa ka. Binili ko ‘yan kasi naki-crave ako.” Napawi ang ngiti at kislap sa mata ko.

“Uhm…Wala naman akong sinasabi.”

Napayuko ako.Umasa ako… Kung sabagay, sino ba naman ako para bilhan niya.

Mali ko. Nag-expect ako agad. Hayst–

Napaangat ang mukha ko matapos maramdaman ang pagkalabit sa pisngi ko. Nasa harapan ko na si Euriandrei, nakangisi sa akin. Bumaba ang tingin ko sa cake na hawak-hawak niya na ngayon sa harap ko. May sindi na ang birthday candle.

“H-hubby…”

“Hmm? Happy birthday, wife…”

Napayuko ako at mabilis na tinuyo ang panunubig ng mata. Halo-halo ang nararamdaman ko. Sa akin pala talaga ‘yun. Hinipan ko ang birthday candle.

“S-salamat po.”

“Thanking me is not enough.”

“H-ha?” Nanlaki ang mata ko nang hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi.

Uminit ang buong mukha ko at napaiwas ng tingin sa labis na hiya. Tinawanan niya ako. “Nahiya ka pa, mas matindi pa nga ‘yong ginawa natin–,”

Mabilis kong tinakpan ang magkabilang tainga ko. Humalakhak siya at nang-aasar na nginisihan ako.

“Maupo ka muna rito, ako na ang magluluto ng dinner natin.”

To be continued…

My Beautiful Mistake (SMS #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum