Kabanata 8 (Warning)

1K 28 1
                                    

Kabanata 8: Aia’s Pov

Humigpit ang hawak ni Euriandrei sa baywang ko habang patuloy ang mabilis na pagbayo. Tumingala siya at umawang ang bibig. Isang mariing ulos pa ay naramdaman ko na ang pagsabog sa loob ko.

“Happy birthday…” habol-hiningang sambit niya. Hingal na hingal siyang humiga sa tabi ko.

Kinaumagahan, nagising ako na wala na si Euriandrei sa tabi ko. Nadatnan ko na lang ang letter, na gawa niya, sa ibabaw ng mga prutas sa ibabaw ng lamesa.

From Hubby:
I have to go to work early. I cooked your breakfast na, kain ka na lang diyan. I’ll call you if I have free time.

Paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa pagdaan ng isang linggo. Gigising ako ng maaga para humanda ng almusal, mamamlantsa ng isusuot ni Euriandrei sa pagpasok niya, maglilinis ng bahay kapag pumapasok na siya, magluluto ng hapunan namin sa gabi, tutulog at gano’n ulit kinaumagahan. Nasasanay na rin ako sa trabaho ko.

“S-sir Lawyer!” Ngumiti ako sa kaibigan ni Sir.

“Sir Lawyer,” sabay tawa niya. “You’re so cute. Hi.”

“She’s off limits, Bro,” si Euriandrei, pababa na ng hagdan.

Nakapang-pormal siya ulit, nakatiklop hanggang siko ang manggas ng pang-itaas niya. Nakasalubong ang kilay niya na parang may kinaiinisan na naman.

Tumawa ang kaibigan niya kaya napatingin ako ulit. Ngayon ko lang sila napagmasdan nang mabuti, nang magkasama. Halos magkasintakad lang sila, medyo may pagka-moreno lang si Sir sa kanilang dalawa. Si Euriandrei ay may isang dimple sa kaliwang pisngi, lumalabas kapag tumitiim ang bagang. Samantalang, ‘yong sa kaibigan niya ay magkabila, lumalabas tuwing nagsasalita siya at ngumingiti.

“Atty. Vhon Ryan Abainza–,” natawa siya matapos tapikin ni Euriandrei ang kamay niya. “What? Bro, magpapakilala lang.”

“He’s my friend, Vhon,” si Euriandrei sa akin, hindi pinansin ang kaibigan.

Tumayo siya sa tabi ko kaya ngayon ay nakaharap kami sa kaibigan niya. Tatawa-tawa ito, inaasar si Euriandrei.

“Halatang-halata pagka-seloso mo, Bro!”

“Shut up,” asik ni Euriandrei na tinawanan lang ng kaibigan niya.

“Uhm, Vhon…Sir, hali kayo. Nagluto ako ng almusal.”

“Tara, tara!” si Vhon pa ang naunang tumungo.

Natawa ako matapos marinig ang buntong-hininga ni Euriandrei na tila pinigilan ang mairita sa kaibigan. Sinamaan niya ako ng tingin. Lumapit siya sa tainga ko para bumulong.

“Sir, huh? Lagot ka sa ‘kin mamaya.”

“Hoy! Mamaya na kayo mag-loving loving, asikasuhin niyo muna bisita niyo, oh!” sigaw ni Vhon mula sa kusina.

“Tss. Wala ka lang love life, eh,” bawi ni Euriandrei. Naglakad na rin pasunod.

“May crush na ‘ko!”

“Wala kang pag-asa ro’n, tingnan mo ‘ko,” ani Euriandrei sabay simangot sa akin.

Humalakhak nang todo si Vhon. Hindi na niya inasar-asar ang kaibigan. Kahit din naman ako kung ako si Vhona. Salubong na salubong na kasi ang kilay nito, na kapag inaasar mo pa ay babaon ka na lang bigla sa lupa.

Pumunta ang dalawa sa opisina ni Euriandrei sa taas pagkatapos kumain. Hinugasan ko naman ang mga pinagkainan. Linggo ngayon, walang pasok si Euriandrei. Naglinis na lang ako habang may pinag-uusapan ang dalawa.

“Hello, Aia!”

“Fresly. Kumusta?”

“Birthday ko na next week. Nakapagpaalam ka na ba sa amo mo?”

“Ha?” Wala naman kasi siyang sinasabi sa ‘kin na lalabas kami sa birthday niya.

“Magpaalam ka na! Magse-celebrate ako sa club na pinagta-trabahuhan ko. Pinayagan ako ni Madam na ‘wag pumasok sa araw na ‘yon, at doon mag-party para may discount ako. Kera and Tin will be there too. Waiting kami sa response mo, kaya magpaalam ka.”

Nakagat ko ang dulo ng daliri. Nasasabik na ako, pero hindi ko alam kung papayagan ako ni Euriandrei.

“Sige, Fresly. May ka-meeting pa siya, eh…susubukan ko mamaya na magpaalam.”

“Oo. Magpaalam a na hangga’t maaga pa. Sige na, papasok na ‘ko. Ingat dyan, love you!”

“I love you…”

“Who’s that?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat.

Nasa likuran ko na si Euriandrei paglingon ko. “U-uhm…”

Nakasalubong ang kilay niya habang nakaigting ang panga. Humabol pa siya palapit sa akin.

“Uhm…k-kaibigan ko lang,” nauutal na sagot ko, ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa gulat.

“Ang swerte naman pala ng kaibigan mo kung gano’n,” sarkastiko pa siyang tumawa.

“May kailangan ba kayo?”

“May ime-meet lang ako. Uuwi rin ako pagkatapos.”

Tumango ako. Nakita ko si Sir Vhon na tumigil sa pinto at tinatawag na si Euriandrei. Pero hindi siya binalingan.

“Si Fresly ‘yon. Birthday niya next week. Magpapaalam sana ako sa’yo kung p’wede akong sumama sa bar.”

Nawala na kanina ang pagkakunot ng noo niya nang sabihin kong si Fresly lang iyon, pero nang sabihin ko ang tungkol sa pagsampa sa bar ay lalong nagsalubong ang kilay niya.

“H-hindi naman ako maglalasi–,”

“Mag-usap tayo ulit mamaya pagkabalik ko,” seryosong sabi niya at tumalikod na para sumunod sa kaibigan niya.

Bumuga ako ng hangin. Bakit pakiramdam ko hindi niya ako papayagan… Magtatampo iyon si Fresly. 

Pagpasok ko sa bahay ay napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko.

Sir Euriandrei:
Okay. Tell your friend na pupunta ka.

Napatalon-talon ako sa tuwa. Tumigil ako nang muling tumunog ang cellphone ko. Mula kay Euriandrei ulit.

Sir Euriandrei:
Pero kasama ako.

Nawala ang ngiti ko at bumagsak ang balikat. Bakit kailangan niya pang sumama?! ‘No ba ‘yan!

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now