Kabanata 9 (Warning)

992 24 2
                                    

Kabanata 9: Aia’s Pov

Namilog ang mata ni Fresly nang makita ang lalaking nakasunod sa likuran ko. Sinalubong niya ako.

“Happy birthday, Fresly!” Inabot ko sa kaniya ang binili kong regalo, para mawala na rin ang tingin niya sa lalaking kasama ko.

“Sir Drei!” gulat na gulat pa rin siya.

Tinanguan lang siya ng lalaki. Tila natauhan si Fresly nang pa-simple kong kurutin.

“A-ah!” awkward siyang tumawa. “P’wede ko po bang mahiram muna ang pinsan ko?”

Nilingon ko si Euriandrei. Bumaba rin ang tingin niya sa akin. Bumuntong-hininga siya at tinanguan si Fresly.

“Thank you, Sir! Don’t worry po, no boy allowed.”

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Fresly pero nagpahatak na lang ako nang hilahin niya na ako patungo sa table namin. Nilingon ko si Euriandrei. Dumaan siya sa dagat ng mga nagsasayawan, paakyat na siya sa second floor.

“Aianna!”

“Kera, Tin!” Tumayo ang dalawa at sinalubong ako ng yakap.

“Saan ka na ngayon? Malapit pa rin ba rito? Kumusta ka na? Na-miss ka namin!”

“Na-miss ko rin kayo! Pasensya na kung hindi na ako nakapagpaalam sa inyo ha.” Dahil sa ingay ng tugtog ay halos nagsisigawan na kami.

“Ano ka ba, okay lang! Basta hindi mo kami makalimutan!” sabay tawa ni Tin.

Pumagitna si Fresly matapos salinan ng inumin ang mga braso namin. Dumasig naman si Tin para inumin ang alak.

“Hoy, bruha ka. Ano ‘yon ha? Don’t tell me…” pinanliitan niya ako ng mata.

Kinuha ko ang braso  ko at nilagok ang alak doon. Pangpalakas loob para masagot si Fresly.

“Ano? Siya ba ang amo mo? Siya ang kumuha sa’yo para gawing kasambahay?” sunod-sunod agad niyang tanong.

Sinipsip ko muna ang lemon. Tumango ako. “Siya nga.”

Nanlaki ang mata niya at namilog ang bibig. Inaasahan niya na ang sagot ko, pero hindi pa rin siya makapaniwala.

“Hoy anong pinag-uusapan niyo? Fresly, okay ka lang?” si Tin. Natawa ang dalawa sa itsura ni Fresly.

Mabuti na lang sinindihan na ni Kera ang birthday candle sa cake, kaya sinimulan ko ng kumata ng birthday song.

“Happy birthday to you, Fresly!” Pagkahihip ni Fresly sa candle ay binuhusan siya nila Kera at Tin ng alak sa bibig.

Medyo sanay na ako sa ganitong inuman at sayawan. Sa tuwing fiesta kasi sa probinsya namin ay may sayawan sa gabi ng bisperas. Pumupunta kami ni Fresly, pero ako hindi tumatagal dahil sinusundo na ako ni Tatay. Si Fresly ang sanay na sanay sa ‘ming dalawa.

Mabuti na lang ay hindi na muli ako inusisa pa ni Fresly. Nahihilo na ako matapos ang pitong shot. Ang tatlo ay medyo tinamaan na rin dahil mga tawa na sila nang tawa. Pero umiiwas sila kapag may lumalapit na mga lalaki.

“Sorry, boys, we’re here to celebrate our friend’s birthday! No s*x !” ani Kera.

Napasandal ako matapos ang pang-walomg shot. Saglit akong napapikit nang umikot ang paligid ko. Pagdilat ko ay nagtagpo ang mata namin ni Euriandrei. Nasa tabi niya si Sir Vhon, pareho silang may hawak na inumin. May sinasabi si Sir Vhon sa kaniya saka tatawa. Umiwas ako ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kanina niya pa kaya ako pinanonood?

Napatayo ako nang hilahin ako ni Fresly. May hawak-hawak itong alak. Uminom siya bago iyon ibalik sa table. “Tara! Sumayaw tayo!”

Natatawa akong nagpatangay. Pumunta kami sa gitna at sumabay sa tugtog. Ginaya ko ang tatlo sa pagtakas ng kamay at gumiling-giling. Natawa ako sa kanila nang magpagalingan sila sa paggiling. Napatigil din sila nang may mga lumapit na lalaki.

“Sorry, boys! Girls only!”

Lumayo kami sa mga lalaki at nagpatuloy sa pagsayaw. Pati ako ay nadadala na sa kanila dahil sa pagkalasing, kahit nahihilo-hilo na ako. Napatingala ako sa second floor, wala na roon ang dalawa. Hinanap ko sila ng tingin pero tumigil din nang hatakin ako ni Tin para sabayan silang sumayaw. Nalunod ulit ako sa pagsayaw.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa baywang ko at ang dibdib ng kung sino sa likod ko. Sa kalasingan ay wala akong lakas na itulak ang pangahas. Nang maamoy ko ang pamilyar nitong pabango ay tumigil ako sa pagtulak.

“Baby, that’s enough. Let’s go home…”

Nanlambot ang tuhod ko. Dumilat ako, kahit umiikot ang paligid ay nilingon ko ang lalaki. “Hubby…”

“Yes, wifey. Let’s go home.”

Tumango ako at napasandal sa dibdib niya.

“Hoy! Anong Hubby at Wifey kayong dalawa diyan!” dinig kong sigaw ni Fresly.

Parang umiikot ang paligid ko nang maalimpungatan ako nang may nagpupunas ng mukha ko. Ala-una na pagtingin ko sa orasan na nasa bedside table.

Tumigil ang nagpupunas ng mukha ko kaya napatingin ako rito.

“Sleep.” Kunot ang noo ni Euriandrei. Sunod niyang pinunasan ay ang braso ko.

“T-tubig.” Tumigil siya at tumayo. Tinulungan niya akong umupo para makainom. Uminom ako sa basong inabot niya, naubo pa ako.

“Tss. Iinom-inom kasi ng sobra,” panenermon niya.

Init na init ako. “Ang init…”

“May sinat ka kasi,” asik niya.

Humiga ulit ako. Umiikot ang paningin ko kaya pumikit ako. Nawala si Euriandrei sa tabi ko, naramdaman kong pumunta sa paanan ko.

“Kailngan mong makapagpalit. Pupunasan ko ang binti mo…okay lang ba?”

Marahan akong tumango. Pagkatapos niya ay nawala siya ulit para kuhanan ako ng pamalit. Hindi ko na alam pa ang sunod na nangyari dahil nakatulog na ako.

Medyo magaan na ang katawan ko sa muling paggising. Alas onse na. Barado ang ilong ko sa sipon, masakit din ang lalamunan.

“Get up. Kailangan mong kumain para makainom ka na agad ng gamot. Tss. Iinom-inom kasi ng marami. Nalingat lang ako!” bakas ang inis sa itsura ni Euriandrei.

Nakaramdam ako ng hiya. “S-sorry…”

Umupo siya sa tabi ko, hawak ang bowl na may soup. “Kumain na. Uminom ng gamot para mawala na ang sipon. Sipsipin ko ‘yan.”

“S-sir!” Hindi ko na siya matingnan dahil sa hiya.

“Anong gusto mo? Bungkalin ko ‘yang ilong mo. Tss. Wala ng iinom ha, kahit kailan!”

My Beautiful Mistake (SMS #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora