Kabanata 10 (Warning)

1K 24 3
                                    

Kabanata 10: Aia’s Pov

“B-bakit?” naiilang na tanong ko.

Nagsalubong na lang kasi ang kilay niya sa akin at sinasamaan ako ng tingin. Sumandal pa siya at pinag-cross ang braso.

“You don’t remember anything last night?”

Remember? Natatandaan?

“Bakit…ano ba ang ginawa ko?”

“You…” lalong sumama ang tingin niya, na parang sobrang sama ng ginawa ko kagabi. “You kept on kissing me. Ang kulit mo pa.”

“Ha?”

“Ha?” inirapan niya ako. “Umiyak ka pa no’ng hindi kita napagbigyan.

Awang ang labi ko habang inaalala ang sinasabi niya. Wala talaga…kahit anong piga ko sa utak ko.

“’Tapos–haist!” hindi na siya mapakali sa inuupuan, parang may gusto pang sabihin pero hindi niya masabi dahil sa inis.

“U-uhm…” nilapag ko ang kutsara at agad na ininom ang gamot. “T-tapos na po ako. Magpapahinga na ako para bukas okay na ‘ko at makabalik na sa trabaho,” sabi ko at tumayo.

Dali-dali kong tinalikuran si Euriandrei patungo sa kwarto ko. Nilingon ko pa siya, napaiwas din ako agad dahil nakasunod ang tingin niya.

“Ginawa mo pa akong pole! Ang red flag mo!” sigaw niya pa nang nasa itaas na ako.

“Sorry, Sir!” sigaw ko na lang pabalik saka sinara ang pinto. Phew! Anong kahihiyan kaya ang ginawa ko sa kaniya?

Bumalik na sa dating lakas ang katawan ko. Natakot yata sipon ko na masipsip kaya nawala na rin. Naging abala ako  sa likod ng bahay ni Euriandrei, sa tabi ng pool. May limang fountain siya, at sa tuwing nakikita ko ay parang may kulang…kaya nagpaalam ako sa may ari na gagawin kong fountains garden. Pumayag naman siya at bumili pa ng magagandang halaman.

“Hey! I’m going na!”

“Sige! Ingat!” sigaw ko pabalik nang hindi na siya nilingon. Abala ako sa pag-aayos ng pananim.

“Hey!” kuha niya ulit sa atensyon ko. Ganiyan ‘yan siya kapag hindi ko natutunan ng pansin.

“Oo nga. Pumasok ka na bago ka pa ma-late sa meeting mo,” malakas na sabi ko.

Tinanggalan ko ng patay na dahon ang tinatanim kong halaman.

“Tss. Itatapon ko ‘yang mga bulaklak mo. Hindi mo na ‘ko pinapansin.”

Hay jusko! Baliw na nga yata itong bilyonaryo na ‘to. Nagpagpag ako ng kamay saka tumayo at nilingon siya. Naka-formal attire na naman siya, pero ‘yung necktie hindi pa nakasuot. Lumakad ako palapit sa kaniya.

“Akin na.” Naroon ang pagpipigil ng ngiti sa labi niya nang hingin ko ang necktie.

“How could you. Tss. Hindi na kita bibilhan pa ng mga halaman. Wala ka ng oras sa ‘kin.” Napaubo-ubo siya nang higpitan ko ang necktie.

“Sorry.” Sinamaan niya lang ako ng tingin. “Ano mo ba ako? Kasambahay. Kaya mas may oras ako sa mga gawaing bahay, hindi sa inyo. Kapag may kailangan kayo, ayon lang ang ako magkaka-time sa inyo–,”

“Kailangan kita.”

“I-ibig ko pong sabihin–,”

“Tss. Kailangan nga kita.” Nakasalubong na naman agad ang kilay niya.

Nanginig ang hawak ko sa necktie niya nang gumapang ang kamay niya sa baywang ko hanggang sa hapitin niya pa ako lalo palapit sa kaniya.

“I wanted you to have time with me. Hindi puro sa gawaing bahay lang. Gusto kong nagpapahinga ka rin, magpahinga ka sa ‘kin.”

Hindi ko na siya matingnan pa nang diretso sa mata. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa mga sinasabi niya, ‘tapos ‘yung mata niya parang in love na in love pa habang nakatingin sa akin.

“Uhm…h-hindi ba parang mali na ‘to, Sir?” saad ko.

Parang mali na…parang may nararamdaman na ako para sa kaniya. At…parang mali na ganito kami samantalang kasambahay lang niya ako. Parang mali na…may nangyayari sa aming…ganito.

“Mali ba ang mahalin kita?”

Mabilis akong napaangat ng tingin sa kaniya. “S-sir?”

Lalo akong nanigas nang yumuko siya sa leeg ko. “I couldn’t stop it anymore… Hindi ko na alam kung pa’no pa ‘to pigilan.”

Napatango-tango ako, nakukuha ang ibig sabihin niya. “Sige, i-utot mo.”

Napalayo ako nang patulak siyang lumayo. Inis siyang napakamot sa ulo. Tinalikuran niya ako at naglakad na. Napakamot din ako sa ulo ko dahil sa pagkalito.

“Pa’no ako magugustuhan pabalik kung ganiyan,” inis na himotok niya. “Bakit ko pa ba ‘yan nagustuhan. Haist!”

Napailing na lang ako at bumalik na rin sa ginagawa. Hindi rin ako agad natapos dahil patigil-tigil ako para reply-an si Sir. Natatakot pa rin kasi ako, baka palayasin niya ako rito sa inis dahil ‘di ko siya nare-reply-an agad.

Sir Euriandrei:
What are you doing? Opin na me.

Ako:
Nagdidilig po ng halaman.

Sir Euriandrei:
Halaman na naman? Hindi ka pa rin diyan tapos? Ayoko na! Kaumay ka!

Sir Euriandrei:
Palagi na lang ‘yang halaman na ‘yan.

Haist. Napakamot ako sa ulo bago nagtipa ng ire-reply.

Ako:
Ayaw niyo na akong maging kasambahay?

Ako:
Okay po. Maghanap na kayo ng bagong kasambahay kung gano’n :(

Agad akong nakatanggap ng reply. Akala ko ba ay may trabaho siya?

Sir Euriandrei:
Sad face. Ikina-cute mo ‘yan.

Sir Euriandrei:
Subukan mo ‘kong iwan ulit, itatali na kita sa ‘kin kapag nakita kita ulit.

Dahil doon ay inabot na ako ng pagtaas ng araw, kaya hindi ko na natapos ang ginagawa. Bukas ko na naman ulit maitutuloy. Pumasok na ako sa loob ng bahay habang hawak-hawak pa rin ang cellphone.

Ako:
Sir.

Sir Euriandrei:
What?

Ako:
Wayayut.

Sir Euriandrei:
Tss. What was it?

Ako:
P’wede ba ‘kong pumunta sa kaibigan ko? Hindi po kami iinom, may hihingin lang ako.

Sir Euriandrei:
What? No.

Napasimangot ako. Umupo ako sa sofa at nagtipa ng reply.

Ako:
Ibili niyo na lang ako.

Hinahamon kita, sir.

Sir Euriandrei:
What ba ‘yun?

Hindi ako naka-reply agad. Napaisip muna ako. Nagtipa ako ng reply.

Ako:
Ay ‘wag na pala sir. Ako na lang ang bibili.

Agad siyang nag-reply. Hindi naman halatang inaabangan niya ang reply ko.

Sir Euriandrei:
Okay, I’ll send you money. Meeting na me. Take care. Bye.

Halos mapatalon ako sa tuwa. Ilang minuto lang ang lumilipas nang tumunog ang cellphone ko sa isang app.

You have received P100,000 Gcash from your hubby’s card.

Nanlaki ang mata ko nang buksan ang app. Grabe, pills lang naman ang bibilhin ko!

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now