PROLOGUE: Galior And Elvinia

0 0 0
                                    

  - Prologue -
Matagal na panahon na ang nakakalipas ng muling mabulabog ang mga Elvinia sa isang balitang magbabago sa takbo ng buhay nila.

"Tumigil kayo sa ngalan ng Reyna!" - Sigaw ng isa sa mga kawal habang hinahabol ang mag-kasintahang Joseph at Theresa.

*Patuloy parin sa pagtakbo sina Joseph at Theresa, hanggang sa maabutan sila ni Aida ang matalik na kaibigan ni Theresa at isa sa mga katulong sa palasyo*

"Theresa! Ano bang ginagawa mo?! Aalis ka? Iiwan mo ang responsibilidad mo dito para sa... Sa... Lalaking iyan?!" - galit na sambit ni Aida

*Hindi umimik si Theresa at tumitig lamang ito kay Aida*

"Nahihibang ka na ba?! May mas malaki kang responsibilidad dito! Wag mong sabihin na isusuko mo lahat ng iyon para lang sa kanya?!" - Sigaw ni Aida

"Marahil nga't hibang na ako! Dahil mahal ko na ang lalaking ito! At nabihag na rin nya ang puso ko..." - Tugon ni Theresa

"Tuluyan ka na atang na-gayuma ng lalaking iyan! Theresa! Ilang araw na lamang at ikaw na ang kokoronahan bilang bagong Hara ng Elvinia, bakit ngayon mo pa naisipan na magpa-gayuma sa Galior na iyan?! At isa pa..! Ang Galior at Elvinia ay hindi maaaring mag-sama! Maaari kayong malasin buong buhay nyo! At maaaring maging kahihiyan ito sa lahi natin! Nais mo ba iyon?!" - Galit na tanong ni Aida

"Hindi, pero... Kaya kong gawin at iwan ang lahat para sa kanya... Aida kung ikaw ang nasa-posisyon ko panigurado akong..."- Tugon ni Theresa

"Kung ako ang nasa posisyon mo mas iisipin ko ang nasasakupan ko kumpara sa isang lalaki... Theresa isipin mo ang kinabukasan ng Elvinia... Nakiki-usap ako... " - Naluluhang sambit ni Aida

"Patawarin mo ako, Aida" - Sambit ni Theresa habang niyayakap si Aida

"Nandito sila!" - Sigaw ng kawal ng palasyo

"Tara na! " - Sambit ni Joseph

"Paalam" - Sambit ni Theresa habang unti-unti na siyang naglalaho sa paningin ni Aida

"THERESA!..." - Naluluhang sigaw ni Aida

(Isang oras ang nakalipas)

"Patawad po mahal na Reyna, hindi na po namin sya nahabol... Tuluyan na po silang nakalayo ng Elvinia" - Sambit ng Heneral ng Reyna

"Ang ta-tanga nyo! Dadalawa lang yon hindi nyo pa mahuli-huli?! Mga mahihina! Ang nararapat sa inyo... " -  sambit ng Prinsipe

"Edgar!" - pagpigil ng Reyna/Hara ng Elvinia na si Esther

"Patawad po, Ina" - tugon ni Edgar

"Ano na pong gagawin natin, mahal na Hara? " - tanong ni Aida

*Hindi umimik ang Reyna*

"Ina! Ano nang gagawin natin? Ang kinabukasan ng Elvinia ay nasa kamay ni Theresa... Wala man lang ba tayong gagawin?"- Tanong ni Edgar

"Wala tayong ibang gagawin, kundi ang hintayin na siya mismo ang kusang bumalik saatin" - tugon ni Hara Esther

"Ngunit... Papaano po kung di na po siya bumalik?" - Tanong ni Aida

"Alam kong babalik din sya, dahil may mga Elvinian ang handang mag-antay sa takdang panahon para pagsilbihan sya... At alam yon ni Theresa" - Tugon ng Hara

"Paano naman po kayo nakakasigurong babalik siya?" - Tanong ni Edgar

"Papaano ka naman nakakasigurong hindi? Kapatid mo sya at anak ko siya alam Kong babalik at babalik siya" - tugon ng Hara

*Pagkalipas ng dalawang taon, nag-pakasal sina Joseph at Theresa sa Isla ng Galior. Bagama't marami ang tumututol, hindi ito naging hadlang para tumigil sila sa pagmamahalan nila, at pinatunayan nila na pag-ibig ang pinaka-matindi nilang panangga para sa kung anong hamon man ang harapin nila. Kalaunan, sila ay idineklarang bagong Duke at Dukessa ng isa sa mga bayan na nasasakupan ng mga Galior. Ang bayan ng Shire. Kinalaunan, si Theresa ay nagsilang ng Lalaki at pinangalanan niya itong Troy, apat na taon lamang ang nakalipas nagsilang muli si Theresa ng Kambal na babae, at pinangalanan nila itong Starshine at Starling. Habang tumatagal ang kanilang mga anak ay lumaki ng malusog at masayahing mga bata. Ngunit, isang gabi si Theresa ay nanaginip ng di kaaya-aya. Isang napaka-samang panaginip na sisira ng tahimik nilang buhay.*

"PATAYIN ANG MGA GALIOR! MGA TRAYDOR! MGA SINUNGALING! PINATAY NILA AKO! DAPAT SILANG MAGDUSA! PATAYIN SILA! PATAYIN! PATAYIN!!!" - Sigaw ng isang babae sa panaginip ni Theresa

*Biglang bumangon si Theresa at sumigaw ito*

"Aaahhh!" - Sigaw ni Theresa

*Bumangon siya at sinilip ang mga natutulog niyang Kambal na mga sanggol pa lamang, ngunit sa pagsulyap niya sa mga ito... Ang isa sa kanila ay may malaking itim na anino ang nakabalot sa kanya. Sa takot ni Theresa ay napa-atras ito at sumigaw na nagpagising kay Joseph*

"Anong nangyayari? Ayos ka lang? " - tanong ni Joseph

"M-ma-m-may kung ano sa anak natin" - nangangatog na sambit ni Theresa habang idinuduro ang kulong-kulong ng kambal

*Sinilip ito ni Joseph, ngunit wala siyang nakitang kung ano*

"Haysst... Nananaginip ka pa ata, wala namang nandoon " - sambit ni Joseph

"M-m-meron nga! N-n-nakita ko!" - Nauutal na sambit ni Theresa habang patuloy na nangangatog

"Wala nga... Ayos lang yan... Baka nananaginip ka lang, tara na matulog na ulit tayo" - Tugon ni Joseph

*nang napakalma na ni Joseph si Theresa ay bumalik na sila sa kanilang pag-tulog. Habang sila ay nahihimbing ay may naglakad palapit kay Theresa*

"Matulog lang kayo... Habang ako, aantayin ko ang tamang panahon na pwede ko nang magamit ang katawan ng anak mo, Joseph Galior... Maghihiganti ako sayo at sa lahat ng Galior...." - sambit ng babaeng Anino

  - End of Prologue -

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red MoonWhere stories live. Discover now