Kabanata 12 (Warning)

1K 23 4
                                    

Kabanata 12: Euriandrei's Pov 



“Putangina!” Vhon cursed loudly then laughed his ass off. 



Muli akong napasabunot sa ulo ko. Like…what the hell! Akala ko nakabuo na ako! Putangina talaga.


“Gago!” 

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Ni hindi ko pinansin ‘yong mga nakatingin sa akin kanina habang papunta rito sa office niya, ‘tapos pagtatawanan niya lang ako nang ganito. Napailing iling ako sa sobrang inis. 


“Pumunta ka pa talaga rito nang ganiyan ang ayos.”

“This is my proof! Look! She has her period! Wala akong sinusuot na protection 'tsaka ‘lagi kong pinuputok ko sa loob niya.”

“Okay, bro. I feel you, okay? Relax, I understand you. That's okay.” Tinaas pa niya ang dalawang kamay para pakalmahin ako. 

He stood up from sitting at his swiveling chair. Lumakad siya patungo sa akin at umupo sa sofa, kaharap ko. 

“Baka nagpi-pills siya.” 

“For what?” 

Natawa na naman siya. “For what? S'yempre, bro, may pamilya siyang sinusuportahan, ‘di ba? She worked hard for her family.” 

I sighed heavily. Alam ko ‘yon, pero hindi niya alam na alam ko ‘yon. Mali ko, na pakialaman ang buhay niya, pero…kailangan ko ‘yung gawin para may makuha ako sa background niya. I have to do it to arrange her marriage with me. Hindi niya rin alam na kasal na kaming dalawa. I don't f*cking know what's going on my mind. Hinahanda ko na lang ang sarili ko sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang kagaguhang ginawa ko behind her back. 


Ginawa ko ‘yon dahil ayokong ikasal ako sa iba. Ginusto kong gawin iyon dahil…gusto ko ng takbuhan ang masasamang nakaraan ko. If loving her means losing myself…then rest in peace. 


“Her father also had a stroke. No one supports her family but her. Bro, siguro…mas mabuti kung sabihin mo na sa kaniya? Look…ikaw rin ang magsa-suffer sa ginagawa mong ‘yan.” 

Umiling iling ako. 


“As your only friend, pogi pa, I don't want you to lose yourself. Baka nakakalimutan mo…you're sick.” 


Marahas akong napatayo. “I knew it, okay?! You don't have to remind me about that.” Napasintido ako. “Gagawin ko ang lahat para hindi niya ‘to malaman. Kaya ko rin namang suportahan ang pamilya niya.”


“Fine,” he surrendered. “Gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko. Hindi niya malalaman sa akin ang katutuhanan, sa'yo niya malalaman. Magdi-distansya rin ako sa pamilya, hangga't makakaya ko.” 


Pagkatapos kong bayaran ang kuryente at mamalengke, umuwi na ako. I cancelled all my meetings. Hindi ko maiiwan ang bahay dahil may sakit din ang caretaker, lalong hindi ko maiiwan ang asawa ko nang mag-isa, lalo na sa gano'ng sitwasyon niya. 

Posible ba talaga ‘yon? ‘Yong unang kita mo lang sa kaniya, hulog na hulog ka na…’tapos parang…wala ka ng pakialam sa ibang babae kasi para sa'yo enough na siya. ‘Yung una ko pa lang siyang nakita…nasigurado ko nang…siya na talaga.

Si Penille Aianna Sensioco na talaga. Ang ganda ng name niya, ‘no? ‘Tapos maganda pa siya. Ang swerte ko naman pala kung siya na talaga ang binigay ni Lord sa akin. Haha! Basta, ito lang ang nasisigurado ko, na…sigurado na ako sa kaniya. Siya na ang kasama ko sa pagbuo ng pamilya. Hangga't maaga pa…gustong-gusto ko na na magka-anak na ako sa kaniya. Bago pa mahuli ang lahat. 

Pero hindi naman iyon madali…lalo na…wala siyang alam sa nararamdaman ko, at hindi ko alam…kung nararamdaman niya rin ba ang kung paano tumibok ang puso ko sa kaniya. Kung…nakikita niya rin ba ang future niya nang ako ang kasama niya, katulad ng nakikita ko sa kaniya. 

As long as I can, I will keep our marriage a secret. For her, for  the safety of both of us. I can't let my family mess this up anymore.

Nadatnan ko siyang natutulog sa sofa. Dinala ko muna ang mga pinamili ko sa kusina bago siya binalikan sa sala. Niligpit ko ang ginamit niyang bond papers at ballpen. Pinulot ko ang nasa sahig, natigilan ako nang makita ang drawing. It was me. My name was written on it. 


Napabaling ako kay Aianna nang gumalaw ito. Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya. Para na naman akong nakamasid sa isang manika na may buhay, sa sobrang ganda niya. Her natural hair was silky, kulot ang dulo, dark brown. Her cheekbones were high. Her lips were sweet like a cherry. I love the natural pinkish of her lips, it was soft. At higit sa lahat…her smile. I'd love to see her smile. Her cheeky smile. 


“Sir…” Bumangon siya. Kinuha niya sa akin ang mga pinulot ko. “Sorry po, ako na lang ang maglilinis nito.” 

I sighed heavily. Namumutla pa rin siya. Ganito ba talaga siya kapag nagkakaroon ng dalaw? Tsk, Lord…baka naman…para hindi na siya namumutla nang ganito, oh, kawawa naman. Mukha siyang nanganak, tutuhanin niyo na po kaya? 

“Are you not feeling well?”

“Okay lang po ako. Nakapamalengke na po ba kayo? Magluluto na ako.” 

Pinigilan ko siya agad nang tumayo. “Let me handle it. Magpahinga ka rito.” 

Hindi agad ako nakaalis dahil napatitig pa siya sa akin. “Uh…Sir?”


“Hmm?” 


Napayuko siya, kinurot-kurot ang daliri. “Sorry po kanina. Unang a-araw ko po kasi ngayon kaya…m-medyo malakas. Bukas po, makakakilos na ako nang maayos.” Sabay angat niya ng tingin sa akin at maliit akong nginitian. 

Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. “It's okay,” sabi ko at tinalikuran na siya, pero napatigil ulit nang tawagin niya ako. 


“H-hubby…” Oh shot! “G-galit ka ba? K-kung alam ko lang kung pa'no pigilan ang menstruation ko…kaso hindi, eh. Sorry po ulit, babae kasi ako, e…babae talaga, hindi babae na walang ano uhm…”


Nangunot ang noo ko sa pagproseso ng mga sinabi niya, pero kalaunan ay natawa na lang ako sa ibig niyang sabihin. Hindi na napawi ang ngisi ko. Nilingon ko siya at dahan-dahang pumihit paharap sa kaniya. Nagpamulsa ako. Titig na titig siya sa akin. 

“Gusto mong tumigil na ang menstruation mo?” 

Nag-alinlangan man ay tumango siya, mas lumawak ang ngisi ko.

“Tara…mag-baby na tayo?” sabi ko na ikinalaki ng mata niya. 


To be continued…

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now