CHAPTER 19

70 9 0
                                    

𝗭𝗔𝗥𝗥𝗔𝗛'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Nag papa-salamat talaga ako dahil wala ako'ng nasaktan ngayung buwan. Sa totpo lang buwan'buwan ako inaataki ng pagiging—

“Ate, baba kana! Para makakain kana at makalakad.” kahit kaylan talaga hindi parin nag babago ang kapatid ko, maaalalahanin parin.

“Dyan na po! Pababa na!” sagot ko. Nilagay ko narin ang bag ko sa balikat ko. Bago bumaba na ako.

Btw, isang linggo narin ang nakalipas. At lunes na ngayun kaya back to school nanaman ako. Ayus narin ang pakiramdam ko.

Isang linggo ring walang tigil na pangungumustahan ang ginagawa namin ni Chase. Sa lahat ng student ko sya lang ang may pakialam sakin. Ang kulit nya ngang student kaya na tutuwa ako sa kanya.

“Ate!”

“Bakit?”

Kumakain kami ngayun. Busy lang ako sa pag'kain habang tumatanong si Zai.

“Pwede ba'ng wag ng pa'ng manang ang mga pinag susuot mo? Dapat mag ayus karin ng sarili mo ate. Baka iwan kana ng boyfriend mo nyan, eh?” sabi nya na may halong pananakot.

Tinapus ko muna ang pagkain bago nag salita. Hirap na baka mabilaukan pa ako sa mga susunod na mga tanung ng kapatid ko.

“Takot nya lang sakin! At saka ayus lang sa boyfriend ko na ganito ang ayus ko. Ayaw nya kasing maraming lumalapit sakin na lalaki. Na sinang'ayunan ko naman!” mahinaho'ng sagot ko.

Tapus narin sya sa pag kain.

“Pero sya pwede'ng lapitan ng mga babae?”

Tama naman sya. Hayyyssst!

“Ayus lang yun! Alam ko naman na hindi nya ako lulukuhin eh! Kaya wag kanang mag alala dyan, okay lang si ate!” pangungumbinsi ko sa kanya.

“Pero ate? Buong isang linggo kang may sakit, kahit pangungumusta mula sa kanya wala ka'ng na kuha. Ganon ba ate ang matinung boyfriend? Kung ako sayu ate, itigil mo nayan. Baka ikaw pa ang masaktan ng subra dyan sa trabaho mo.” paalala nya. Tama naman sya na baka ako pa ang masaktan sa bandang huli. Pero hindi ko kaya e!!

“Hindi nya naman alam na may sakit ang ate e!” pag tatanggol ko sa boyfriend ko.

“Kahit na ate! Kahit wala kang sakit dapat kamustahin kaparin nya ate, girlfriend kanya e! Ganon ang mag boyfriend at girlfriend.” Tama sya.

Tumayo na ako baka kung ano pa ang hahantungan ng usapan naming ito. Late narin ako ng 10 minutes sa school. Baka matuha naman ang mga mokong na student ko.

“Aalis na si ate!” sabay halik sa pisngi nya.

“Salamat sa paalala mo sa ate mo. Ang bait talaga ng kapatid ko!”

𝗦𝗔𝗞𝗨𝗥𝗔𝗚𝗜'𝗦 𝗣𝗢𝗩

Dito kami sa gym pero wala parin si prof. Late na nga sya. Napapansin ko rin na tuwang'tuwa ang mga pasaway ko'ng kaklase na wala si prof.

Buong isang linggo ring, walang tigil sa pag'papasaway ang mga kaklase ko. Saya ko rin nga! Ganito rin kasi ako ka'pasaway sa dati ko'ng school kaya na patalsik ako. Bumabalik nanaman ang pag ka.....

“Uy! Pre!” sabay hakbay nito sakin.

“Nag text na sayu si prof?” tanong ko.

“Wala eh! Bakit miss mo na sya?” mapang'asar na sagot nya. Binatukan ko sya.

“Hindi no! Isa pa ikaw lang ang may number ni prof kaya sayo ko na tano'ng. Kung ano'ano ang iniisip mo dyan. Baka selos ka naman dyan?” asar ko. May ngiting namumutawi sa kanyang labi. Totoo? Ikaw Chase, huh? Napailing nalang ako.

Mukhang totoo nga, na may gusto sya kay prof. Hindi kasi sya nag react sa sinabi ko. Tahimik lang kami habang busy sa mga cellphone namin.

“Helloooo! Gising pa ba kayu???”

Napaangat naman ako ng ulo. Nakita ko si prof na papalapit sa mga kaklase kung nag kukumpulan sa tabi. Umopo sya sa bakanting upuan na katabi lang din ng mga pasaway. Pinanood nya lang ang mga ito na mukhang mga busy sa phone nila.

Parang sira!

THE MYSTERIOUS RED EYES✓Where stories live. Discover now