I. The Handsome Guy...Guy?

40 0 0
                                    

*tap tap*
Pangiti ngiting sulyap ni Aya sa salamin habang nilalagyan ng blush on ang kaniyang pisngi.

"Ang ganda ganda mo talaga, Aya. Ang daming nagkakagusto sayo. Bakit ba ayaw mong magpaligaw? Okay naman sila. Pogi naman, matangkad naman. Matalino. Ano bang problema? Hayyyy" buntong hininga niya sabay bagsak ng sarili sa kama.

"Tatanda na akong dalaga nito! Hmp! Gusto ko na magjowaaa!" Wika pa niya habang sinusuntok suntok ang hawak na unan.

"Hoy! Anong jowa jowa?" Bungad ng kaniyang ate pagkapasok ng kaniyang kwarto.

"Walaaa! Hmp!" Irap naman ni Aya.

"Bawal ka pa mag boyfriend! Hindi pa pwede hangga't di ka pa tapos mag aral. 'di ba bilin yan ni tatay bago siya mawala? Nakakalimutan mo 'ata!" Sambit pa nito sa kaniya.

Tahimik namang umiirap irap si Aya habang nakanguso.

"Bakit ka pala nandito? Anong kailangan mo?" Tanong niya sa ate.

"Anong kailangan ko? Kailangan kong bawiin ang skirt na sinuot mo nung cheer dance niyo!" Sabay halughog nito sa cabinet niya.

"Huy! Akala ko ba 'akin na 'yon?" Tanong naman ni Aya habang sinusundan ang kaniyang ate sa bawat kilos nito.

"Oo nga, pero nagbago na ang isip ko. Gagamitin pa pala namin 'yon sa training namin sa Sabado." Sagot naman ng kaniyang ate.

"Tss! Bigay-bawi!" Bulong ni Aya.

"Anong sabi mong bata ka?!" Singhal naman ng kaniyang ate.

"Wala hooo! Tanda!" Sagot niya.

"Wow ah! Maka-tanda ka diyan! Bata pa ako. Wala pa nga akong boyfriend eh!" Pabiro namang sagot nito.

"Oo nga pala, ate." Biglang seryoso ng tono ni Aya. "Maiba tayo, bakit 'di ka pa rin nagboboyfriend? Ilang taon ka na, 32 ka na 'di ba?" Pabirong sabi ni pa nito.

"Siraulo! 29 pa lang ako! Grabe siya! Hahahaha" tawa naman nito. "Well, dahil 'di ko pa natatagpuan yung lalaking magpapatibok ng puso ko."

"Hala! Patay ka na pala? All the time ate! Multo lang pala kasama ko? Waaahh" Mapaglarong sambit ni Aya habang nag iiyak iyakan.

"Baliw talaga! I mean, alam mo yun, yung sa isang tingin mo pa lang, may something na eh. May spark, yun bang mawawala lahat sa paligid at ang maririnig mo lang ay yung tibok ng puso mo. Yung tipong 'di na siya mawala wala sa isip mo maghapon, mga ganung pakiramdam." Wika naman nito habang na-de daydream.

"Alam mo ate, walang ganon. Sa tanda mong 'yan naniniwala ka pa sa ganiyan? Alam mo, kakanuod mo 'yan ng Kdrama." Sagot pa ni Aya na tila nangingilabot sa mga sinasabi ng ate.

"Ah bahala ka. Basta ako, yun ang hinihintay ko maramdaman. I won't settle for less. 'Di bale nang tumandang dalaga kesa magsettle sa kung sino na lang ang nandiyan." Tugon naman nito.

Nagkibit balikat na lang si Aya at hinintay na makita ng ate ang hinahanap na skirt at lumabas ng kwarto.

AYA's POV

Ako, hindi ako naniniwala sa ganon. Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundong ito, ni minsan hindi ko naramdaman yung sinasabi ng ate ko.

Wala namang ganon. Mamahalin mo lang yung tao kapag nakilala mo na. Pero yung love at first sight? Grabe naman pagkauto uto ng taong magkakagusto agad sa unang tingin pa lang? Tss

Anyway highway, bago ako magmuni muni dito, let me introduce myself.

Ako nga pala si Aya. Arianna Mae Licea. 21 years old at NBSB. I'm currently studying in Lagueño University here in the province of Laguna of course. I'm taking up Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rhythms of RomanceWhere stories live. Discover now