Kabanata 13 (Warning)

923 14 0
                                    

Kabanata 13: Aia's Pov 





“Mali-late ka ba ulit ng uwi mamaya?” 


“Yes,” matipid niya lang na sagot. 

Tumango ako. Tahimik akong lumayo matapos ko sa paglagay ng necktie niya. Tumalikod na rin siya at kinuha ang briefcase saka naglakad paalis. Malalim akong napabuntong-hininga.


Hindi ko alam kung bakit naging malamig si Sir sa akin. Hindi ko alam kung paano ko na siya pakikisamahan ngayon. Parang ‘lagi siyang bad mood. Haist. Baka may hinaharap siyang problema sa trabaho niya. 


“Ha? Nasaan na ‘yun?” usal ko. 

Halos malaglag na ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa kahahanap sa pills ko. Saan napunta iyon? 


“Balikan ko na lang mamaya.” Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa master's bedroom, para maglinis. Iyon ang kwartong ginagamit ni sir Euriandrei, na ‘lagi kong nililinis kapag pumapasok na siya.


Huli kong nilinisan ang banyo. Palabas na ako nang mahagip ng mata ko ang garapon na hinahanap ko kanina. Wala na ‘yong laman. Hala! Nagpi-pills din si sir?! 



Umupo ako sa sofa sa sala habang nagtitipa ng text kay Sir. 




Ako:

Sir, ubos na ‘yong pills mo. Ibili ko ba kayo? 



Hindi kaagad siya nakapag-reply. Nanood na lang muna ako habang naghihintay ng sagot niya. Ilang sandali ay tumunog ulit ang cellphone ko. 



Sir Euriandrei:

Pa'no mo nalaman?

Ako:

Nakita ko sa banyo niyo, no'ng naglinis ako. 

Sir Euriandrei:

Tinapon mo na? 

Ako:

Hindi pa po. Itatapon ko po ba?

Sir Euriandrei:

Hindi. Lunukin mo. Meeting na me. 



Dinala ko sa trash bin ang garapon para itapon. Hindi ko alam kung bakit nagpi-pills si sir. Eh, para lang naman ‘yon sa babae. Hindi kaya…may iba siyang babae? Tsk! Kung ano-ano naman ang pinag-iisip ko. Itanong ko na lang kaya mamaya sa kaniya? 



“Tapon po kayo ng basura?” 


“Opo, Manong!” Sakto, paglabas ko ay may naglilibot ng magtatapon ng basura. 


Bumalik ako sa loob pagkaalis ng mga magtatapon. Tinext ko na rin kay Euriandrei na tinapon ko na, hindi siya nagreply kaya nasisiguro kong nasa meeting pa rin siya. 


“I'm home.” 


Nilagay ko sa lamesa ang katitimpla ko lang na juice at lumabas ng kusina para salubongin siya. 



“Sir! Sakto, katatapos ko lang sa paghahanda ng hapunan natin,” malawak na ngiting sabi ko. 


Hindi siya ngumiti, nakatitig lang siya sa akin nang seryoso. Naphiya ako kaya binawi ko ang ngiti. Nakakailang kapag ganito kami. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit parang biglang may nagbago, nagbago sa kaniya. 




“Uhm…baka pagod pa kayo. Okay lang, Sir, magpahinga muna kayo.” Kinuha ko sa kaniya ang briefcase para ilapag muna sa sofa. 


“Hindi ko na alam ang gagawin ko…” usal niya. Lumakad din siya at umupo sa sofa. Mukha siyang pagod na pagod na napasandal at pumikit, saka pinatong ang isang braso sa mata niya. “F*ck this life. I'm so sick with this.” 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin