Kabanata 14 (Warning)

923 19 0
                                    

Kabanata 14: Aia's Pov 




“Ang bobo mo naman!” 


Napanguso ako sa sinabing iyon ni Fresly. Dinasig niya ang upuan niya palapit pa sa akin habang pinandidilatan ako. Nasa apartment niya na kami ngayon, kauuwi lang. 



“Hindi mo ba nahahalata? Jusko, Penille Aianna!” Stress na stress siya ngayon. 


“Baka mali ka lang ng iniisip, Fresly. Hindi naman porke pareho kami ng singsing ay ibig sabihin na–,”



“Hayst!” Tumayo siya nagpalakad-lakad sa harapan ko. “Hindi ko nakalimutan iyong sa bar! Narinig ko, tinawag ka niyang wifey! Isa lang ang ibig sabihin niyon, Aia.” 



Napababa ako ng tingin sa mga daliri ko. Hindi ko maintindihan…parang unti-unting nagsi-sink in ang mga sinasabi ni Fresly. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka hinala no'ng ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa singsing ko pati ‘yong singsing ni Euriandrei. 



“Siguro…pinakasalan ka niya nang hindi mo nalalaman.”


“Fresly–,” Pinutol niya agad ako. 


“Posible ‘yon, Aia!” Saka siya bumalik sa pagkakaupo. “Paano kung kinasal ka pala sa kaniya nang hindi niya sinasabi sa'yo?” 


“Pero, Fresly, paano nangyari iyon?”


“Senekreto niya nga, eh! Hindi niya sinabi sa'yo.”


Napatitig lang ako sa kaniya, pinoproseso ang mga sinabi niya. 



“Like… a secret marriage!” 




Pati ako ay naguguluhan na. Unti-unti ko nang naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Binalikan ko ang mga nangyari sa amin ni Euriandrei. Hindi naman pumunta sa simbahan ko sa kung saan para ikasal kami…kaya paano? 



“Bakit…” nausal ko na lang. Kung totoo ngang kinasal kami nang hindi ko alam, “...ano ang dahilan? Bakit niya ginawa iyon?” 



“Hindi kaya…dahil sa nangyari sa inyo no'ng gabing iyon?” 


Mula sa kawalan ay napabaling ako sa kaniya. “A-ano namang kinalaman niyon?” Nanghihina na ako sa mga nalalaman. 



“Baka…inakala niya na…nabuntis ka niya?” 


Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko maintindihan, parang ang bigat-bigat sa dibdib. Paano niya nagawa iyon sa akin? 


“Aia…” Tinapik-tapik niya ang balikat ko. 


Naalala ko ‘yong nangyari nito lang. Kaya ba gano'n ang naging reaksyon niya no'ng nagka-mens ako dahil…inaasahan niyang…argh! Pinagmukha niya akong tanga! 



“Pero, wala pa naman tayong sapat na ebidensya maliban sa singsing niyo, ‘di ba?” 


“Si Vhon…” usal ko. Naramdaman ko na natigilan din siya kaya napabaling ako uli sa kaniya. “T-tanongin natin si Vhon. Samahan mo ‘ko, Fresly…” 

Nag-aalinlangan man ay tumango siya. Niyakap niya ako, pero hindi niyon napawi ang paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko…pinagsamantalahan ako ng taong pinagkatiwalaan ko. Pakiramdam ko…sinamatala ang kahinaan ko. 


Pinagmukha akong tanga…ng taong minamahal ko na. 


Nanginginig ang kalamnan ko habang pinapasok namin ni Fresly ang club na dating pinagtatrabahuan ko. Hinagilap ko agad ang mga nasa sofa para hanapin ang lalaking sinadya ko. 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now