Kabanata 17 (Warning)

836 13 0
                                    

Kabanata 17: Aia's Pov





“Fresly, buntis ako.” Sabi ni Euriandrei sa akin... 



Nabitawan niya ang kawali. Bumagsak iyon sa paa niya pero hindi man lang siya natinag. Nanlalaki ang mata niya. Napayuko ako. 


“Sh*t…” 


Tumayo ako at pinulot ang kawali. Para ng natuod sa kinatatayuan niya ang pinsan ko. 


“Aianna!” sigaw niya na parang natauhan pa lang. “Anong s-sinabi mo?” 


“Buntis ako…lalaki.” 


Napatakip siya sa bibig. Binalik ko sa lababo ang kawali at ako na ang naglinis. Bukas ng gabi pa ang pasok namin. Pagkatapos kong mag-almusal sa condo ni Euriandrei ay umuwi na rin ako. 



“Sino ang ama niyan?” Medyo kumalma na siya. “‘Wag m-mong sabihing si sir Euriandrei!” 


Natutop ko ang bibig ko at hindi nagsalita. Magkatitigan lang kami, siya ay naghihintay ng sagot. 


“Ano? Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi mo sasabihin?” 


“Sabi mo hindi, eh.” Tumayo siya at lumakad papunta sa harapan ko. Nagpamaywang siya. 

“So siya nga?” Dahan-dahan akong tumango. “Jusko, Ainna! Mahal ka ba niya?”


“Ewan…”


“Bakit, ewan? Dapat tinanong mo! Alam ba niya ang tungkol sa bata?” Dahan-dahan akong tumango. “Anong sabi niya?”


“Wala…” 


Halos lumuwa na ang mata niya sa sinagot kong iyon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa sala. 


“Hindi p'wedeng wala! Mayamang tao ‘yon, bilyonaryo! Hindi natin alam kung anong klase ang pamilya niya.” 


“Fresly, kumalma ka–,”

“Hindi ako kakalma, Aia! Paano kung malaman ‘yan nila Tiya? Anong sasabihin nila sa akin? Ako ang malalagot.” 

Nakagat ko ang labi. “S-sorry, Fresly.”


“‘Wag kang mag-sorry. Gagawa tayo ng paraan. Hindi p'wedeng basta-basta mo ulit na palapit sa'yo ang lalaking iyon.”


“Anong gagawin ko?” 


Tiningnan niya ako mata sa mata. Seryosong-seryoso siya ngayon. “Kailangan niyang panagutan ang bata, pero hindi mo siya hahayaan na basta na lang lumapit sa'yo. Pahirapan mo siya, tingnan natin kung mahal ka niya talaga.” 


“P-pero…sabi niya…mahal niya ako.”

“Then let him prove it to you. ‘Wag kang magpadala sa mga salita niya.” 



Hindi ko inalis sa isipan ko ang sinabi na iyon ni Fresly. Pakiramdam ko rin naman ay malaking tulong iyon sa akin. Tama naman siya. Hindi ko pa rin kilala ang lalaki. Ang tanga ko naman…nagpabaya ako! 



Get to know each other, sabi ni Fresly. Kaya no'ng muli kaming nagkita ay hindi ako nagparamdam ng kahit na ano. Kahit na halos kumawala ang puso ko kapag nariyan siya malapit sa akin. 



“Why are you still working here?” 


Hindi ko siya pinansin. Pinanood ko lang ang mga inumin na nilalagay sa tray ko, para sa table na humingi. Kanina pa siya nakasunod sa akin.


My Beautiful Mistake (SMS #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora