Kabanata 18 (Warning)

818 13 0
                                    

Kabanata 18: Aia's Pov 





Malungkot ako sa pagdaan ng pasko at bagong taon. Hindi ko kasi nakapiling ang pamilya ko. Nagbatian na lang kami sa cellphone. 



“I have gift for you from Italy. Ikaw, anong regalo mo sa akin?” Para siyang bata na naghihintay matanggap ang regalo niya. 


“Iyong regalo mo sa ‘kin…regalo na lang din sa'yo.” Nahihiya ako. 



Kababalik lang namin ni Fresly sa trabaho pagkatapos ng holidays. Ngayon ko lang ulit nakita si Euriandrei, hindi ko alam kung saan siya nagpasko at bagong taon. Nagtetext lang naman siya sa akin kapag may pupuntahan siyang bansa. Ina-update niya pa rin ako!




“It's okay if you don't have a gift for me. Basta hindi mo ako nilalayuan, I'm fine with that.” 


Sinamaan ko siya nang tingin nang kurotin niya ang pisngi ko. Tatawa-tawa siyang umalis para bumalik sa table nila. May iba pa siyang kasama maliban kay Vhon, mukhang mga kaibigan din nila. 



Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko habang tumatagal na nakikita si Euriandrei. Parang, habang nakikita ko siya ay pausbong nang pausbong ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko sa kaniya masabi, kahit ilang beses na niyang sinasabi sa akin at pinararamdam sa akin na…mahal niya nga raw ako. Parang ‘lagi ko na siyang hinahanap-hanap. Kapag lumalabas kami, lalo ko siyang nakikilala. Kapag magkasama kami…parang nararamdaman ko na rin ‘yung mga nararamdaman niya. 



Nawala na ‘yung sama ng loob ko sa ginawa niyang pagsekretong kasal namin. No'ng ibalik niya sa akin ‘yung singsing ko…parang mas guminhawa pa ‘yung kalooban ko. 



“Where is my gift? I want a gift from you. Give me, kahit ano.” 


Malalim akong napabuntong-hininga at napasintido. Mas lalo akong nahihingal sa kulit ng binubuhat ko! 



“Ano ba, Euri! Umayos ka,” inis nang sabi ko. 


Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Lumapit na lang si Vhon sa akin kanina at sinabing lasing na lasing na ang kaibigan niya. May emergency rin siya kaya hindi niya mahatid ang kaibigan. 



“Ano ba’ng nangyari? Bakit nalasing ka?” Medyo kalmado ng tanong ko.



“Wala ka talagang gift?” Parang bata!


“Wala nga!”


“Kahit kiss na lang?” 



Jusko! Ilang hakbang na lang makakapasok na kami sa bahay niya, oh, pero dahil sa kulit niya ay mas lalong tumatagal kami. Umalis na agad si Vhon pagkababa sa amin ni Euriandrei. 



“Ah! F*ck!” Nagmura pa siya pagkabagsak sa sofa. 



Pumunta agad ako sa kusina para kuhanan siya ng tubig. Ilang buwan din akong nawala sa bahay na ito, pansin kong wala namang nagbago. Pero malinis pa rin. 



“Okay ka naman kanina, ah…” Parang may mali talaga. Ano kayang nangyari?



“Hindi na sila nagbago tang ina,” bulong-bulong niya na naman. 



Pinatong ko sa coffee table ang baso ng pinag-inuman niya saka sinubukan siya ulit na buhatin para madala sa kwarto niya. 




“Why are they still doing this to me!” Hinayaan ko lang siya na magsalita. “Was it make them happy? Tang ina!” 



My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now