1

13 0 0
                                    


"Adel." napalinga ako ng marinig ko ang boses ni Mama di kalayuan. 

Napatingin ako sa paru-parong nakadapo sa aking kamay at muling napatingin sa dako ni Mama. Panigarado papagalitan ako ni Mama kung hindi ako agad lalapit sa kanya kaya naman ay maigi kong nilipat ang paru paro sa isang bulaklak kahit na masama sa aking loob.

Manghang-mangha kasi ako sa paru paro dahil wala naman akong makitang ganoon sa mansyon o kahit sa garden ng paaralan namin. Pero ngayon ay halos tatlo na ang nakita ko sa ilang minuto kong pag iikot dito sa malaking garden na pinuntahan namin.

"Adeline." Muli ko na namang narinig ang pagtawag sa akin ni Mama at ngayon ay gamit na ang buo kong pangalan. Base sa himig ng boses nito ay halatang nauubusan na ng pasensya sa akin kaya wala na talaga akong nagawa kung hindi ang tumakbo papunta sa kanyang direksyon.

Agad naman akong tumayo sa kanyang tabi habang pinanliitan ako ng mata bago muling humarap ng nakangiti sa isang ginang na mukhang kasing edad lang ni Mama. Katabi nito sa kanyang kanan ang tatlong hilirang ng mga nagtatangkarang lalaki at isang batang babae na mukhang kaedad ko lang.

"Naku, ang laki na nitong si Adel, napakaganda pa Lira." Mahinhin na tugon ng babaeng ginang habang nakangiti, napatitig ako sa kanya dahil hindi ko mapigilan ang pagkamangha sa aking ganda niya.

"Ako nga pala ang Tita Beatrice mo, at ito naman ang aking mga anak na sila Noah, Romeo, Ranzel at Love."Muli nitong sambit at isa isa nitong pinakilala at tinuro ang mga anak sa akin. 

"Hi Adel, you can call me Kuya Noah." Pagpapakilala ng lalaking nasa pinakagilid habang nakahawak ang isa nitong kamay sa isang batang babae na nagngangalang Love.

Napatingin ako kay Noah na ngayon ay lalong lumawak ang pagkakangiti, he looks very friendly and accomodating kahit pa masyado itong matangkad.

"Hello Adel, you can also call me Kuya Rome." Sumunod naman segunda ng nakangiting lalaking katabi nito. Parehong maamo ang mukha ng naunang dalawang lalaki kaya magaan ang loob ko hanggang sa napatingin ako sa pangatlong lalaking katabi nila na nakatingin pala sa sa akin. 

"Ah, ito naman si Zel, you can also call him Kuya." Pagpapakilala ni Rome kay Ranzel, napansin ko ang pagsiko ni Romeo kay Ranzel ngunit parang wala itong naramdaman sa ginawa ng kapatid.

Hindi ko maintindihan bakit bigla akong napatago sa gilid ni Mama habang hindi pa rin naaalis ang tingin sa mga madilim nitong mga mata sa akin. Medyo nakataas ang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang reaksyon ko sa pagkakatingin sa kanya. 

Hindi natinag ang pagkakatitig ko sa kanya kahit na narinig ko na ang pagtikhim ni Mama sa aking gilid. Sa mura kong edad ay hindi ko naintindihan ang kakaibang nararamdaman ngayon, Siguro kaya ganito ang aking nanaramdaman ay dahil sa hindi siya katulad ng dalawang naunang lalaki na mukhang mabait at pala ngiti.

"Hi, I'm Love." Biglang naputol ang titig ko sa lalaki ng marinig ang malakas na boses ng batang babae. Napunta ang tingin ko sa batang babae na kaedad ko, ngiting ngiti siya sa akin habang nagniningning ang mga mata.

"Adel, say hi to them." Pag-udyok ni Mama sa akin habang nakangiti.

"Hello, I'm Adeline." Pagpapakilala ko sa aking sarili habang nahihiyang tinignan ang mga tao sa aking harapan, sa pagkakataong ito ay hindi na ako tumitig sa kanila ng matagal.

"Pasensyahan mo na itong anak ko,  nahihiya lang at naninibago sa lugar." Narinig kong rason ni Mama na ngayon ay nakahawak na ang kamay sa kaliwa kong braso.

Napatingin ako kay Love na ngayon ay ngiting ngiti pa rin sa akin, hindi ko mapigilan ang hindi sagutin ang pagkakangiti niya. She looks so friendly and approachable, mukhang mabilis siyang kaibiganin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Too sweetWhere stories live. Discover now