Chapter 1

5 2 1
                                    

“Ano ba to??? HA? Star section kayo tapos ganyan kayo ka ingay?”birit ng subject teacher namin sa science. “Hindi ako sinuwelduhan ng malaki para lang turuan ang mga kagaya nyo! Get your books and open page 243, study the history of our school and I expect everyone to complete this task on friday… DO IT NOW!” 



hayyy another day of Ma'am Golendez. I mean sanay na kami kasi simula palang ang klase ay strikta pa rin siya hanggang ngayon na malapit na kaming grumaduate ng junior high. Star Section kami oo pero wag naman nating isipin na kapag star section ay maingay na agad.


“Ma'am page 243?”


Anyways sige maingay na kami oo. Kahit simpleng tanong lang yung nasa taas ng tekstong to ay nagtatawanan na agad ang mga aso. As a matter of fact ay dapat walang nakakatawa pero since mababaw lang ang humor namin ay syempre tatawa kami. 


Simple lang naman ang goal namin this school year. Makatapos at painitin ang ulo ni ma'am Golendez. Kahit na hindi kami close sa isa't isa ay ginagawa pa rin naming pagtripan si ma'am HAHAHAHAHHA.

“Ah ma'am?” tumaas ng kamay ang classmate kong si Yulia.


Pansin namin ang pagtaas ng sharp eyebrows ni ma'am Golendez. “Oh ano?” To naman nagtatanong lang naman yung tao.


Nag-aalinlangan pang sumagot si Yulia pero, “Uh wala naman pong nakasulat na history ng school sa page 243 ma'am….mga guidelines lang po ng mga code sa library natin”

“Then use it to get the history of our school!” 

“Yes ma'am” 


Muli kong tiningnan si ma'am Golendez. Mukhang seryoso nga siya kase nakabusangot ang mukha niya. Hayy kawawang Yulia, I mean lahat kami. Paano kami papasok sa library para lang sa isang libro?












11:45 am

Lunch time na namin at imbes na pumunta ng cafeteria at dumeritso ako sa library. Napagpasiyahan ko kaseng basahin ang history muna para hindi na ako makipag siksikan sa kanila mamaya. Iniisa-isa kung puntahan ang kada aisle pero hindi ko mahanap ang libro. Muli akong bumalik sa librarian para tanungin kung nasaan ang libro pero huli na ang lahat ng matanaw ko si Yulia at ang kanyang mga kaibigan sa isang malapad na lamesa.



Tinahak ko ang kanilang direksyon pero may biglang kumuha ng braso ko. Fuckyou naman. “TANGINA MO GINULAT MO AKO!” sigaw ko nang mapagtanto ko na nasa loob pala kami ng library. Napatingin naman sa akin ang Librarian naming kanina pa nagbabasa ng dyaryo. sorry.

“May ipapakita ako sayo” bungad sa akin nang bakla kong kaibigan.

“Ano ba Cleev?”

“Omygad like the vibes feels like fairy and encantos beh, may alam akong shortcut para malaman ang history ng school natin, dali” 

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng library. Tinahak namin ang likod ng library na puno ng vines at mga sanga ng malaking puno ng Acacia. Medyo nag-aalinlangan pa akong sundin tong gagong to pero wala akong choice kase nandito naman din kami. Ni walang dumaan sa interest ko tong likod ng library namin kase sabi nila marami daw mga engkanto dito tapos dati raw na sementeryo kaya may mga kabaong pa daw na natira. Medyo madilim din ang lugar nato kaya nakakatakot talaga.


“Here na!!” sigaw ni cleev.


Bumungad sa amin ang mga sunog at lumang libro na nakatambak. Ang iba ay pwede pang gamitin pero karamihan sa kanila ay hindi na mabasa ang mga tekstong nakasulat dito. Sayang naman kung hahayaan lang to dito, bat hindi na lang nila idonate?

The Memories of Unfortunate LoserUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum