Kabanata 21 (Warning)

748 11 1
                                    

Kabanata 21: Aia’s Pov





“Kailan ka uuwi?” 


“Hello? Mag-iisang taon pa lang ako rito, ‘no!” sabi ko at natawa. 


Tinapon ko sa basket ng labahan ‘yung hinubad ko. Katatapos ko lang maligo, saktong tumawag si Dion. 


“Magbi-birthday ka na naman, oh! ‘Yung regalo ko sa'yo last year inaamag na rito, oh.” 


“Kukunin ko ‘yan pag-uwi ko.” Hindi ‘yan siya nawawalan ng regalo sa akin, pati pasko at bagong taon ay nireregaluhan niya kami ni Fresly. 


“Magbakasyon ka naman dito, samahan mo akong mangampanya!” Humalakhak pa siya. 


“Try ko!” Anak siya ng mayor namin sa probinsya. Political Science raw ang course niya dahil siya ang susunod sa yapak ng ama. Sabagay, dalawa lang silang magkapatid at siya ang nakatatanda. 


Napalingon ako sa katok sa pinto kaya napabaling ako. Nakalimutan kong isara ‘yon kanina. Agad akong nagpaalam kay Dion nang makita si Euriandrei na nakatayo roon. 


“Bye, Dion. Good luck sa exam mo!” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. “Tapos na kayong kumain?” Hindi ako makatingin sa kaniya. 


“Let's eat.” 


Gulat ko siyang tiningnan. “H-hindi pa kayo kumakain?” Mag-a-alas dyes na! 


“I haven't eaten yet. Let's go.” 


“S-si… Ma'am Glianne, kumain na ba?” 


“Pinauwi ko na.” 


Bakit niya pinauwi?! Sinabi niya ba ang tungkol sa…kasal? 


“Bakit mo pinauwi? Kanina ka pa niya hinihintay na makauwi ‘tapos…”


“Let's just not talk about her.” Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya, masyado siyang seryoso at…malamig. 


Tahimik na lang akong sumunod. Ako na ang nanguna dahil pinauna niya na ako, habang siya ay nakasunod sa likuran ko. Nakakailang ang katahimikan. Bakit ayaw niyang pag-usapan namin ang babae? Ayaw kaya niyang mapunta sa usapan ‘yung tungkol sa pagpapakasal nila? 



“Bakit hindi mo ako nilutuan ng tufo sisig?” Nasa hapag na kami nang itanong niya ‘yon. 


“Nakalimutan ko,” dahilan ko na lang. 


Malalim ang pagbuntong-hininga niya. Gusto kung itanong kung kumain ba si Ma'am Glianne bago umalis, pero napansin kong hindi nagalaw ang mga hinanda ko kaya hindi ko na tinuloy. Tahimik na lang akong kumain kahit wala akong gana. Kung hindi niya lang ako pinuntahan sa kwarto ay matutulog na sana ako. 



Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang ilapag niya ang kubyertos niya na naglikha ng ingay. 



“I'm sorry…I was surprised earlier. I didn't mean to let her kiss me. I'm sorry, let's talk about it.” 


“Okay lang,” nagbaba ako ng tingin sa plato ko. “Normal lang naman ‘yon kasi…magiging mag-asawa na rin kayo.” 


Nakita kong natigilan siya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pag-angat ko ulit ng tingin sa kaniya ay nakakuyom na ang kamao niya, nakatingin sa akin, nasasaktan. 


“That wouldn't gonna happen. It will never gonna happen. Alam kong galit ka, pero please, ‘wag mo ‘kong ipagtulakan sa kaniya.” 


Hindi na lang ako nagsalita. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Hindi ko naman siya pinagtutulakan, sinasabi ko lang naman na ayos lang sa akin. Ayos lang nga ba? 



“May magagawa ba ako?” halos pabulong ng saad ko. Kasi alam ko naman, kahit ipaglaban ko siya…talo ako. 


“Mahalin mo lang ako, Aianna. Mahalin mo lang ako nang mahalin. At ‘wag akong ipagtulakan sa iba.” 

“Totoo ba ‘yung engagement niyo?” Kaya kong gawin ‘yong gusto niyang gawin ko…pero paano naman ako kung talagang itinakda silang ikasal? May laban ba ‘yung pagmamahal ko lang sa kaniya? 


“Hindi. Trust me, it'll not gonna happen. Akala lang nila na magagawa ko pa rin silang sundin, pero hindi. I already cut ties with them. They're not part of my life anymore. Pinagmumukha lang nilang tanga ang sarili nila.” 


“Sinong ‘nila’?” Hindi ko makuha kung sino ang mga tinutukoy niya. 


“My parents.” 


Nangunot ang noo ko. Magulang niya? Bakit parang ang laki-laki ng galit niya sa magulang niya? Nang dahil ba sa pinipilit siyang ipakasal sa iba kaya siya ganiyan, o dahil sa akin, kaya ayaw niyang sundin ang magulang niya. 


“Euriandrei…”

“Let's not talk about them. I'm not ready yet…” 


Naguguluhan ako. May ginawa bang mas mabigat ang magulang niya sa kaniya kaya gano'n ang reaksyon niya sa magulang niya? Kung nalaman ko lang sana agad, naitanong ko sana ‘to kay Euriciel. 


Tahimik akong umupo sa tabi ng kama. Nakahiga na si Euriandrei, nakatalikod sa akin. Nakikita kong gising pa siya, ayaw lang akong harapin. Mukhang may malalim din siyang iniisip. 


“Pasensya na kanina…” Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko na dapat pinapasok ‘yung mga personal na bagay sa'yo.” 


“Sasabihin ko sa'yo ‘pag handa na ako. Hindi muna ngayon…mabigat pa rin,” saad niya. 

Parang ang bigat din ng dibdib ko. Kapag nakikita ko siyang nahihirapan ay nahihirapan din ako. 

“Aia, I'm sorry. Hindi ko agad sinabi sa'yo ‘yung tungkol sa engagement. I'm trying to solve it first. Hindi ko sinabi sa'yo agad dahil ayo’kong nag-iisip ka.” Bumangon siya at lumapit sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ako ako sa sintido. “Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay guluhin nila. I promise you, hindi ka nila malalapit, pati ang pamilya mo.” 

Dahil doon ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ‘yong mga agam-agam ko. Basta galing sa kaniya ang sagot, mapayapa na ang isipan ko. 

“Hindi pa rin ba tayo gagawa ng baby?” saad niya habang nakasiksik sa leeg ko. 

Dahil doon ay naitulak ko ang mukha niya na muntik na niyang ikinahiga sa kama. Naalala ko ‘yung kabulastugan niya! 

“Sabi mo buntis ako! Muntik ko nang sabihin sa pamilya ko!” Kabado pa ako kung paano ko sasabihin sa kanila. 

Imbes na mainis siya sa lakas ng pagtulak ko sa kaniya ay hinalakhakan niya lang ako. 

“Hindi ko naman inakala na seseryosohin mo,” sabi niya. “Gusto mo tutuhanin na natin?” Lumapit pa siya sa akin at sininghot-singhot ang balikat ko. 

Kumawala ako. “Ayo'ko. Kailangan mo munang iharap ‘yang pagmumukha mo sa pamilya ko,” pananakot ko. 

Imbes na kabahan siya ay nginisihan lang ako, na parang tinatanggap niya ang hamon ko. 

“‘Yun lang pala, eh. P'wede bang bukas na tayo umuwi sa inyo? Doon na lang din natin buohin ‘yung panganay natin?” 

Hindi na tumigil sa kaiinit ang mukha ko. Parang sasabog na. “T-tumigil ka nga! May dalawang kapatid pa akong sinusuportahan. Pinagagamot ko pa ang tatay ko.” 

Lumapit siya ulit  sa akin at niyakap ako mula sa likod. Sinandal niya ang likod ko sa dibdib niya. 

“I understand. Basta nandito lang ako. Okay lang sa ‘kin, asawa na naman na kita. Wala na akong ibang hihilingin pa.” 

Sa tagal namin sa posisyong iyon…doon na rin ako nakatulog. 

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now