Kabanata 23 (Warning)

756 15 0
                                    

Kabanata 23: Aia’s Pov







“May ipapangalan na ba tayo sa kaniya?” Kung makangiti pa siya ay parang walang nangyari. 




Napabuntong-hininga ako at nakihaplos na lang din sa balahibo ng aso, katulad ng ginagawa niya. Nakahiga ngayon sa binti ko ang aso, nakalabas ang dila habang palipat-lipat sa amin ni Euriandrei ang tingin habang gumagalaw ang buntot. 




“Wala akong maisip na magandang pangalan sa kaniya,” sambit ko. 




Tumigil siya sa paghaplos sa aso at pinatong na lang ang braso niya sa hita ko. Pumihit siya para maharap ako, ako naman ay sa aso lang tumingin, iniiwasan ang mga mata niya. Nagtayuan ang balahibo ko nang dumampi ang daliri niya sa pisngi ko. Nilagay niya sa tenga ang nalaglag kong buhok sa mukha. 




Sobrang lalim ng buntong-hininga ang narinig ko sa kaniya, para akong malulunod sa lalim. 



“Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sila sa lahat ng ginawa nila sa ‘kin,” untag niya. 



Naging mabagal ang paghaplos ko sa aso, na ngayon ay mukha ng inaantok dahil sa paghaplos-haplos ko. Hindi ako nagsalita, pinakikinggan ko lang siya. 



“We're from a rich family. But when my grandparents died…my father neglected our business because of gambling. He was addicted to gambling until he didn't notice that my grandparents' business was slowly losing money...until we went bankrupt and had piles of debt.” 



Gumapang ang kamay ko sa kamay niyang nasa hita ko na unti-unting kumakapit sa bistida ko. 




“Nagising na lang ako…sa akin na nila lahat binabato ang mga pagkakamali nila. Nag-cheat ang tatay ko, at no'ng nalaman ng Nanay ko…ako pa ang sinisi nila. Lahat…lahat ng mga pagkakamali nila…lahat na sa akin ang sisi. Wala akong kamuwang-muwang because I was just five years old that time. Binato nila ako ng masasakit na salita, kaldero, kawali…lahat ng mga bagay na nahahawakan nila sa tuwing galit sila.” 




Parang may bumabara sa lalamunan ko. Ang hirap huminga…parang ako ‘yung sinasaktan sa mga kwento niya. 




“When I turn six years old…they started to hurt me physically. They started to hurt me more…they forced me to get a job at a very young ages. Ni wala akong alam noon kasi kahit ang pag-aaral ko nakakaligtaan ko na dahil minsan, kumukulong nila ako sa kisame.” 


Mahina pa siyang tumawa, pero alam ko kung ano talaga ang nararamdaman niya, dahil nararamdaman ko rin ‘yun. 



“Grade six ako no'ng tuluyan na akong tumigil sa pag-aaral. Pero hindi ako tumigil na matuto. Kapag umaalis sila, dinadalhan ako ni Vhon ng books, papers and pens, minsan kapag matagal-tagal bago bumalik ang parents ko, tinuturuan niya rin ako at tinuturo sa akin ‘yung mga napag-aralan nila sa school.” 



“Alam niya ang mga nangyayari sa'yo?” Nanginig ang boses ko. 



“Kahit anong tago ko, nalalaman niya.” Nahaplos ko ang kamay niya. “Dahil sa pagsisikap kong matuto…nakaisip ako ng maaring pagkakitaan, pero wala rin…nililimas ng parents ko ang kinikita ko. Bago ko narating ang buhay na ‘to…I went through the worst painful part.” 



Humigpit ang hawak niya sa bistida ko kaya dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa kaniya. Nakatingin siya sa akin, namumula ang mga mata habang nanunubig, nakangiti sa akin ng puno ng sakit. 



“Tatalon na sana ako sa skyway, eh, kaya lang…nakaapak ako ng bote ng alak.”



“Kaya ba…may mga bar ka na ngayon, na ‘yung mga inumin ay…gawa mo?” 



Para siyang natuwa dahil nalaman ko agad. Para akong bata na nakagawa ng magandang bagay na kapuri-puri. 



“I gave them ten billion to fix themselves. And ten billion again so they can start the business they have been told me they wanted to build. But they just wasted it. I gave them again and completely banished them from my life. Pero ngayon, may lakas pa rin sila ng loob na pakialaman ang pag-aasawa ko. Ang tindi, ‘di ba?” 



“Ang tindi nila,” pagsang-ayon ko at tumango-tango. 



“Pinakikialaman nila ‘yung buhay ko dahil kailangan nila ako, pero no'ng mga panahon na kailangan ko sila…nandyan sila para pahirapan ako lalo. Ang tindi masyado, ‘di ba?” 



“Sobra na sila,” pagsasang-ayon ko. Para siyang naghahanap ng kakampi, at nandito lang ako. Kakampi niya ako sa buhay niya, kahit ano’ng mangyari. 



Hinaplos ko ang pisngi niya at bahagyang pumihit paharap sa kaniya. Alam kong huli na, pero gusto ko pa rin sabihin sa kaniya ang sinisigaw ng puso ko sa mga sandaling ito. 



“Proud na proud ako sa'yo, Euriandrei…”


Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang nag-uumapaw ang emosyon sa mga mata. Kanina, no'ng kinukwento niya ang masasakit niyang nakaraan, nakaya niyang pigilan ang emosyon at ang lumuha. Pero matapos nang sinabi ko umapaw ang luha niya sa saya at pagmamahal. Pinunas niya agad iyon ng likod ng kamay niya saka hinawakan ang panga ko at lumapit siya sa akin. Napapikit ako habang dinadama ang dulo ng ilong niyang pinalalaro sa pisngi ko. 




“I made you a bank account. Nilagyan ko na rin ng laman,” usal niya. 




Dahil doon ay nanlaki ang mga mata ko at napalayo sa kaniya. Natawa siya dahil sa naging reaksyon ko. 




“Why?” Natatawa pang tanong niya. 




“Bakit?! H-hindi mo naman–”




“Shh.” Pinatahimik niya ako saka pinatakan ng halik sa labi. “Lahat ng pera ko, isasalin ko sa bank account mo.” 




Lalo akong hindi makapaniwala. “Euriandrei!” Nasisiraan na ba siya? 




Nginitian niya lang ako at hinalikan ulit nang mabilis. “Kapag may nangyari… Ikaw na ang bahala sa lahat. I love you.”




Naging palaisipan iyon sa akin sa mga dumaang araw. Hindi ako napapakali. Iniiwasan ko na lang na mapansin niya na parang may gumugulo sa isipan ko. Iniiwasan ko munang isipin ‘yun sa tuwing kasama ko siya, pero…hindi talaga ako nakukuntento. Hanggang sa hindi ko na mapigilang magtanong. 




“Hello?” utas ko nang sagutin ang tawag. 




“Mrs. Fulgencio? How may I help you?” sunod ay ang mahina nitong tawa. 



Hindi man lang nabawasan ng kahit katiting ng tawa niya ang pangamba kong ilang araw akong hindi nilulubayan. Ngayon, mukhang sa taong ‘to ko lang malalaman ang kasagutan na magpapapawi ng pangamba sa akin. 




“Kailangan ko ng tulong mo, Vhon. P'wede bang…m-maging honest ang sagot mo sa tanong ko?” 



“Penille…” Naging seryoso siya, na para bang nahuhulaan niya na ang itatanong ko. “Sige, susubukan kong masagot ang tanong mo.”



“Uhm, Vhon…meron bang hindi sinasabi si Euriandrei sa akin?” 



Ilang sandali siyang natahimik. Nang sumagot siya ay nanlamig ang buong katawan ko at unti-unting nanghina hanggang sa mapaupo ako sa sahig. Hindi ko na napakinggan ang explanation niya dahil napahagulhol na ako. 




To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now