CHAPTER 2 The Houserule

479 12 5
                                    

MATCHA POV

"Hindi pala nascam ha?" Sabi ni Peanut habang dinuduro ako.

Habang ako nandito sa isang sofa nakaupo habang parang bata na pinapagalitan ni Peanut. Nakatayo ito sa harap ng tv habang nakapamewang.

"Oh ano paano iyan ngayon? May dalawa tayong lalaking kasama sa bahay na 'to!" Napapahilot pa sa sintido na sabi nito.

"Ahhhm.. baka nakakalimutan mo andyan sila oh?" Sabay turo sa dalawang lalaking nakaupo sa mahabang sofa. Ang isa may awkward na ngiti habang ang isa naman parang wala lang. Bored nga itong nanonood samin eh.

"So what! Ano na Matcha! Packed your things. Maghahanap tayo ng malilipatan." At nagsimula na nga ito na kunin ang mga maleta niya.

Nataranta naman akong pinigilan ito. "Woah! Woah! Teka lang! Peanut! Let me explain. Okay?" Pagpapakalma ko dito. Anytime bubugahan na ko nito ng apoy sa mukha eh.

"Tss. Fine. Siguraduhin mo lang na may mapapala ako sa pakikinig sayo." Sabay upo nito habang nakasimangot.

"Okay." Sabay hinga ko ng malalim.

"It's too late for us to move out-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magreact na naman siya.

"WHAT!"

"HEP! Teka lang, di pa ko tapos..." pagpigil ko ulit dito. Myholly gulay. Daig ko pa nagdedefense nito.

"Gaya ng sabi ko. It's too late. Wala na kong mahanap na ibang uupahan natin. Pangalawa ito na ang pinakamalapit sa property ng lolo ko at pangatlo sayang ang binayad ko."

"So?" Mataray nitong sabi sakin.

"Ngayon, ang suggestion ko bakit hindi na lang natin pag-usapan ito? Like we need some house rules? What do you think?" Tanong ko sa kanila na may pekeng ngiti. Pumayag na kayo. Please lang.

"Ahhh oo ehehe.. okay lang din sakin." Napapakamot sa batok na sabi ng cute na lalaki. Tinitigan ko naman ang katabi nito. Nag-iintay sa isasagot niya.

Nagkibit balikat naman ito. " It's fine with me."

"Paano kami nakakasigurong matitino kayong tao?" Tanong ni Peanut.

Tumayo naman ng mabilis itong si cute na lalaki at sabay nagbow. "Hello! My name is Mojito Orleans. Half british, half filipino. 21 years old. Fresh graduate. At isang runaway young adult. Hehehe."

Namilog naman ang mata ko at napatakip sa bibig. Tinuro ko naman ng dahan-dahan itong si Peanut. "Hala ka girl. Paano ba iyan. Isa din siyang runway, like you? Opps."

"Tss. Whatever."

"So... how about you?"

Napabuntong hininga naman ito. "Forest Hades Macquoid. 21. From Sweden and also a runaway young adult." Napahilamos naman ako sa mukha ko.

"Oh? Naglayas ka din, tol? Nice!" Tuwang-tuwang sabi nitong isang lalaki.

"Woahhh.. pagkakataon nga naman. Oh ano Peanut.. may say ka pa?"

"............." tulala na naman po siya. Hindi ata makapaniwala na mga naglayas din ito katulad niya.

"Okay. It's settled then. Ngayon pag-usapan natin ang house rules."

"Here." May inabot ako sa kanila na tag iisang papel at ballpen. Syempre girls scout ito. Namili na kasi ako ng ilang basic supplies para sa office.

"Write down your 3 house rules. Make sure na matitino iyan ah? At tsaka natin pag-uusapan. Okay. Let's start."

Hmmmm.. ano kaya pwedeng ilagay? Bahala na.

40 minutes later. Nalikom kona ang apat na papel sa mga kamay ko.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now