Chapter I: 3rd Grade

1 1 0
                                    


Flash back: 3rd grade

              Nag umpisa lahat nung nasa ilocos kami. Hindi ko alam kung bakit naisipan nila mama at papa na lumipat nanaman malapit sa mga toxic na kamag anak namin. One time walang wala kami as in, kapag nalalapit kami sa mga kamag anak namin na toxic lagi kaming gipit sa pera ewan ko baka malas sila sa buhay namin. So let me explain. Yung lola ko which is nanay ng papa ko ay ayaw na ayaw samin, tipong kapag may gala sila sinisikreto nila samin, nakwento lang ni mama sakin kasi nakita daw niya sila lola at mga favorite nilang apo na parang pasimpleng aalis ng bahay. So? why we even care na aalis sila? Edi go lang mga aning. Then bago kami mapunta dito sa letcheng bahay na ito na hunted pa. Nasa baguio kami at masagana na ang buhay namin doon. Walang toxic na kamag anak na lahat ng problema nila dinadamay kami, then go back here in ilocos, im on my 3rd grade elementary, yung mga favorite ng lola lolo namin kasama ko sa school. For me wala naman akong pakeelam kung sino favorite nila. Basta ako okay naman yung mga pinsan ko sakin actually kasundo kopanga sila lalo na yung bunsong kapatid ng pinsan kong kasing edad ko. Bale im older than her "Bunso" ng isang taon lang. pero tawag niya sakin "boy" kasi sobrang close namin. So eto one time nangutang papa ko sa kapatid niya which is nanay ng pinsan ko. Hindi agad nakapag bayad si papa dahil nga gipit kami ulam lang namin lagi itlog, hotdog, tapa, mga madadaling lutuin at tipid sa gastos. Inaway niya si papa, ang pag kakatanda ko pati si mama pinahiya niya. Sa halagang 300 nag kganun siya, alam ko mahirap kitain pera pero hindi naman niya kailangan mamahiya or mang-away. Kaya ang ginawa ni mama is para makabayad si papa, pinag laba ni mama yung kapatid ni papa hanggang ma satisfied yung kapatid ni papa para makabayad sa utang ni papa, well si mama naman lagi taga bayad ng utang ni papa. Go back there in baguio, okay lahat don kapit bahay namin mababait lahat ng tao don kasundo namin at maaasahan unlike dito. Nag dala nga ng ulam yung tito namin pero pag bukas namin don sa inihaw na manok parang gutay gutay na siya as in makikita mo na parang tira tira nalang. Syempre bata kami ni kuya noon kaya wala kaming malay sa mga nangyayare kundi go lang kainin namin kahit ganon itsura. Naawa samin sila mama pero no choice sila dahil wala kaming makain. Then nag plano na sila mama na bumalik nalang sa baguio para makapag simula ulit kami ng masayang pamumuhay. As usual mga kapit bahay namin yung tumulong samin para makabalik kami. I made a friend dito sa ilocos. Yung isa naman lalaki cute siya singkit at maputi matangkad sakin ng konti hindi ko alam kung kaibigan ba turi niya sakin pero palaging hindi maganda turi niya sakin, laging nang aasar nakakasura. Pero pag may recitation nag tutulungan kaming dalawa senyasan kami sa buka ng bibig namin para marecite namin yung kinabisado namin dahil pag dating sa unahan nakakalimutan na namin diko din alam bakit ganon kami pag may recitation pero kpag wala naman nangaasar siya sakin.  Then hindi na nakatiis sila papa about sa nangyayre samin kaya Nangutang sila papa ng pang lipat don sa mga kapit bahay namin and finally nakaalis nadin kami after 1 1/2 year.

        Nung nakalipat na kami sa baguio again, umokey naman na ang lahat si papa lang ang problema dahil may bisyo mahilig sa alak at yosi. Kaya lagi silang nag aaway ni mama dahil inuuna ni papa mga kaibigan niya kesa samin. Mas may time kasi siya lumabas kasama mga kaibigan niya kesa samen, we do hang out when we were still a little kids i think 3 times like that, but when we get older he doesnt want us to hang out with him, He was always so mad at us when he had a bad day in his work, kaya siguro ako naging ganito tumanda akong may anger issue katulad ni papa. Kada dadating ng bahay yon laging mainit ulo niya.

I had this lola lolahan na owner ng tinitirahan namin, lagi akong pumupunta sa bahay niya kasi mag isa lang siya at naeenjoy kodin talaga makipag kwentuhan sa  kaniya, At mahilig siya mag alaga ng pusa. Kaya simula noon kahit allergic ako, nag kakarushes ako sa kamay at braso tuloy parin ako sa pag aalaga ng pusa. napaka cool lang niya na lola, at puro din kalokohan. She always likes to tell a story about her husband at mga anak niya. Nakikinig naman ako at natutuwa ako sa mga kwento niya. Ang hilig din niya sa pusa at nung nakita ko na nag aalaga si lola tasia, napamahal nadin ako sa mga alagang pusa niya. She loves to cooked too at pag tapos na siya tatawagin niya ako. Ako naman tong tatakbo papunta sa bahay niya para makikain haha. She loves to cooked aroskaldo, ginagamit niyang pang luto is kahoy kahit may gasul naman siya. Which is gustong gusto ko kasi ang sarap ng pag kakaluto kapag sa kahoy unlike sa kalan gamit gasul.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Red String Where stories live. Discover now