CHAPTER 5 The Quadro Team

358 13 1
                                    

MATCHA POV



"NOOOOOO!!!" Wala na. Wala na si Lupin ko. Natangay na ng demonyo.

Forest just smirks while sitting at his assigned table. Iwinawagayway pa nito ang susi sa daliri niya.

"Forest, Joke lang talaga iyon. Balik mo na sakin si Lupin." Pagmamakaawa ko dito.

"Nope. You're lupin is mine, now. Tubusin mona lang kapag nagresign na si Bacon. Right Bacon?" Tanong ni Forest kay Bacon, na nag mo-mop sa gilid.

"Hindi po ako magre-resign, kuya. Sorry ate. Hehe." At nagpatuloy na ito sa pagmo-mop. Wala naman akong nagawa kundi bumalik sa table ko.

"Tanga kasi. Nagpasilaw sa Kotse ni Forest." Asar ni Peanut sakin. Napadukwang na lang ako sa lamesa ko.

"Pssst, Bacon. Halika dito." Tawag naman ni Mojito kay Bacon.

"Bakit po, Kuya Mojito?" Bitbit pa nito ang Mop.

"Oh sayo na iyang 1k ni Peanut. Reward mo iyan dahil pumasok ka!" Taas-baba na kilay na sabi nito.

"Wow, kuya talaga! Maraming salamat po!"

"Oh sige na, balik kana sa ginagawa mo."

Tapos na kaming maglinis ng buong building. Nagpupunas na lang ng natirang alikabok si Bacon ngayon. Kabilin-bilinan ko dito na laging i-lock ang pinto. May wind chimney at doorbell naman, kaya malalaman namin kung may bisita o wala. Mabuti na iyong nag-iingat. Pero naiinis pa din ako kay Forest! Huhuhu! Maumpisahan na nga lang ang meeting.

"Tara sa meeting table. May pag-uusapan tayo." Pagyaya ko sa kanila.

Sumunod naman ang mga ito. "Bacon, kasama ka dito." Sumunod naman ito at naupo sa tabi ni Peanut.

"Ngayon na settled na ang office. Ang kailangan ko naman ayusin ay ang organizational chart natin. Ang problema hindi ko alam kung paano. The thing is that, hindi ito ang original kong plano. Nagpadalos-dalos akong i-hired kayo." Nahihiya kong sabi sa kanila. Inintay naman ng mga ito ang susunod kong sasabihin.

"Alright. Sana lang talaga magtugma ang hinahanap ko sa kakayahan niyo.... sino sa inyong dalawa ang IT grad. at technologist? An engineering?" Pikit mata kong tanong sa dalawang lalaki. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Mojito.

"You're very lucky, Matcha. I'm an Engineering Technologist with flying colors. Summa cum laude." Napawow naman ang bibig ko sa sinabi nito.
Pumalakpak naman itong si Bacon. "Wow, ang talino mo naman, Kuya!" Bacon said.

"I know, right? Hahaha!" Tawa ni Mojito.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito. Si Forest na lang ang hindi pa sumasagot. "Ikaw forest? Huhu.. " alanganin kong tanong dito.

"No need to worry. I mastered computer science at Sweden." Pumalakpak ulit itong si Bacon.

"Cool! Taga ibang bansa po pala kayo? Kaya pala ang pogi niyo!" Sabi ni Bacon. Kinindatan naman nito ang bata.

"Okay! Okay! Salamat naman kung ganun. Hindi na ko mahihirapan. Si Peanut ang ating Legal at consultant habang ako ang investigator ng ating maliit na agency. Pero sana huwag na muna kayo mag expect ng mataas na salary, dahil tulad niyo nag uumpisa pa lang din itong business na ito. I hope you'll understand." Paki-usap ko sa mga ito. Nagsipag-thumbs up naman ang mga ito.

"This is not so bad." Kibit balikat na sabi ni Peanut.

"Since it's my first salary Job, I don't mind." Mojito said.

"Not a problem. As long as I'm away at Sweden." Cool na sabi ni Forest. Iba talaga pag anak mayaman. Walang pinoproblema sa pera.

"Okay, settled then. Required nga pala tayong gumawa ng sarili nating business card. Naibigay ko naman na sa inyo ang basic information nitong business natin, kayo na bahala sa design." They all agreed.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat