Kabanata 24 (Warning)

704 13 0
                                    

Kabanata 24: Aia’s Pov





“Darling, I have something for you.”

Napaangat ako ng tingin sa pinto. Nakatago sa likuran ni Euriandrei ang mga kamay na mukhang may tinatago. Kauuwi niya lang galing trabaho. 


“Ta-da!” 

Imbes na magulat ay napatakip ako sa bibig kasabay ang pagkawala ng mga luha. Sobrang lawak ng ngiti niya, pero unti-unti iyong napawi dahil sa naging reaksyon ko. 

“Hey, what's wrong?” Nilapitan niya ako at pinahid ang luha ko, puno ng pag-aalala. 

“Mahal na mahal kita, Euriandrei.” 

Gumuhit ang ngiti sa labi niya pero naroon pa rin ang pag-aalala, pagtataka, at pagkalito. “Then, why are you cry?”


Hindi nawala sa isipan ko ang sinabi ni Vhon. May sakit si Euriandrei, at hindi na siya aabot ng isang taon kung hindi siya magpapagamot. Pero kung magpapagamot naman daw siya, hindi pa rin ligtas ang buhay niya kasi may chance pa rin na hindi na siya magising dahil sa gamot. Kaya mas ginusto raw ni Euriandrei na ‘wag munang magpagamot dahil gusto niya munang maglibang, at makahanap ng mapag-iiwanan ng mga negosyo niya. 


Napagtagpi-tagpi ko ang lahat. 


Kaya pala gustong-gusto niya ng magkaanak. Kaya ginawan niya ako ng bank account…dahil pala roon? At wala man lang yata siyang balak na sabihin sa akin?! 


Gano'n niya ba ako kamahal kaya nasa akin ang buong tiwala niya? Kahit wala akong alam sa buhay niya? 


Lalo akong napaiyak. 


“Hey…you're making me nervous, love. What's our problem hmm?” 


“Kailan mo sasabihin sa akin? Na may sakit ka, ha? Bakit hindi ka magpagamot?” Pinigilan ko na lamunin ako nang emosyon kaya kahit masakit, kinakalma ko ang sarili ko. 


Kung nagpagamot sana siya, may chance rin naman na gumaling siya, ah. Kung malalaban niya ang gamot, gagaling siya, pero kung hindi siya magpapagamot…lalong manganganib ang buhay niya! 

Umawang lang ang labi niya sa sinabi ko. Hindi siya nagsalita kahit bakas na bakas sa mga mata niya na marami siyang gustong sabihin. 


“M-magpagamot ka, please?” 

“Penille…”

“Kailangan mo pa ba ng rason kung bakit?” Pinunasan ko ang mukha ko at sinalubong ang mga mata niya. “Gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda, Euriandrei. K-kahit ganito lang ako at mayaman ka, gagawin ko ang lahat para mapantayan ka, hindi ako magiging pabigat sa'yo. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit sobrang hirap na. Magpagamot ka lang…” 


“Aia,” tinapatan niya ang mukha ko habang hawak-hawak niya. “Mas gugustuhin kong makasama ka sa natitira kong sandali, kaysa magpagamot na walang kasiguraduhan na magigising pa…” 


Napailing-iling ako, mas lalong napaiyak. Naramdaman ko si Peuri na hinihimod ang binti ko, na parang dinadamayan ako. 


“Pero pa'no ‘ko…” 


Malalim siyang napabuntong-hininga, hindi rin malaman ang gagawin. “Let me think about it…” 


Kinalimutan namin ang sitwasyon niya. Gusto ko na lang din na bumuo kami ng masasayang ala-ala kaysa ang magmukmok at alalahanin ang karamdaman niya. Gusto ko mang tanungin kung ano ang naging sanhi ng sakit niya, pero iniwasan ko na lang. Malakas ang pakiramdam ko…dahil ‘yun sa mga sinapit ng nakaraan niya. 



My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now