Kabanata 25 (Warning)

672 15 0
                                    

Kabanata 25: Aia’s Pov




“Darling, I'm home.” 


Muntik ng mahulog sa tiles ang hawak-hawak kong bandihado ng kanin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na ako lumabas ng dining nang narinig ko nang papasok na rin si Euriandrei. 



“S-sakto, katatapos ko lang din sapagluto.” Ngumiti ako habang nakatago sa likuran ang kamay. 


Sumampa si Peuri sa upuan matapos siyang ipaghila ni Euriandrei. “Let's go eat, then. Maaga pa ulit ang pasok ko bukas, eh.” 


Lumakad siya palapit sa upuan niya kaya umupo na rin ako sa upuan na hinila niya para sa akin. 



“So how's your day?” Malawak ang ngiti niya na para bang nagkaroon siya ng masayang araw. “Aw…mukhang hindi ka okay, masakit pa rin ba?” 


Pinigilan ko ang matawa nang makuha ko ang ibig sabihin. “Kumain ka na lang nga.”


Sa totoo lang, mas sumakit lalo ang katawan ko dahil sa nangyari kanina. Ginagawa ko lang ang lahat para hindi niya mapansin na sobra ang sakit ng katawan na dinaramdam ko. 


“‘Wag na ‘wag ka na ulit magpapakita sa akin! Hindi lang ‘yan ang aabutin mo!” 


Naisipan ko kanina na umuwi sa apartment ni Fresly, pero hindi ko ginawa dahil katulad ng pangako ko sa sarili ko…hinding-hindi ko iiwan si Euriandrei, kahit anong mangyari. Hinintay ko na lang na makaalis ang magulang ni Euriandrei bago ako bumalik sa bahay. 


Ngayon, parang sobrang laki kong makasalanan dahil may tinatago ako kay Euriandrei. Hindi ko masabi sa kaniya, dahil baka lalo lang siyang magalit sa mga magulang niya. 


“Penille Aianna.” 


Bigla akong natauhan sa pagtawag ni Euriandrei sa pangalan ko. “H-ha?” 



“I've been calling you. What's wrong?” 



Nanginig ang labi ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya para lapitan ako. Lumuhod siya sa tabi ko at pinaharap ako sa kaniya. 


“Mind telling me what's bothering you?” 

Habang tinitingnan ko ang nagmamakaawang itsura ni Euriandrei ay mas lalo akong nahihirapan. Mariin akong papapikit. Pero bago pa bumuka ang bibig ko para sabihin sa kaniya na wala naman akong iniisip ay natigilan na ako nang nakita siyang nakatitig sa braso ko. 


“Euriandrei–”


“Who did this to you?” Madilim siyang nakatingin sa malalim na gasgas sa braso ko, bumaba rin ang tingin niya sa tuhod ko dahil sa palda ko na namantsahan ng dugo. Bumungad ang mga sugat ko roon dahil sa pagkaladkad sa akin habang nakaluhod ako. 


“O-okay lang ‘yan, nagamot ko na…” 


Hindi siya sumagot at marahas na napatayo. Tinawag ko pa siya pero dirediretso siyang umakyat. Pagkalabas ko naman ng dining ay ang pagbaba niya naman sa hagdan. Kuyom na kuyom ang kamao niya at igting na igting ang panga. 


“S-saan ka pupunta?” Iika-ika akong lumakad patungo sa kaniya, dahil sa kirot ng mga gasgas ko sa tuhod. 


“Babalik din ako agad,” sabi niya lang at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis. 


Hindi mapawi ang kabog ng dibdib ko habang lumilipas ang bawat minuto. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa taas kung bakit tila mas lalo siyang galit na galit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Lumipas ang isang oras ay hindi pa rin siya nakakabalik kaya lalo akong kinakabahan. 


Napatayo ako nang marinig ang pagpasok ng sasakyan sa garahe. Lumapit ako sa pinto para tingnan kung si Euriandrei na ba iyon. Napaatras ako nang bumaba ang isang babae. Mabibilis ang hakbang niya, parang handang sumugod. Sunod na bumaba ay si Euriciel na tinatawag ang babae. 



“Ma'am Glianne–,” Hindi ko natuloy ang pagtatanong dahil sa pagdapo ng palad niya sa pisngi. 



“Glianne, stop! Hindi mo alam ang ginagawa mo!” suway ni Euriciel dito habang pinipilit ilayo sa akin ang babae na nagpupumiglas sa kaniya, nanggagalaiti sa akin. 



“Bakit pa ba ako magtataka, eh, laki ka sa hirap! I was right, you're a gold digger!” sigaw sa akin ni Glianne. 


“Glianne, stop!” 


“Shut up, Euriciel!” Binalingan niya ulit ng matatalim na tingin. “Siguro nagmana ka sa mga magulang mo! Lahat ng pamilya mo, mga kaladkarin! Sa bagay, bakit pa ba ako magtataka, eh, mga hindi kayo nakapag-aral kaya ang takbo ng mga utak niyo is puro pangangabit, pandadaraya, at magnanakaw!”



“I said shut up!” 


Pero hindi sa sigaw ni Euriciel natigil si Glianne. Kuyom ang kamay ko matapos kong paliparin sa pisngi niya. 


“Sabihin niy na lahat ang gusto niyong sabihin sa akin, pero ‘wag na ‘wag niyong idadamay ang pamilya ko.” 


“A f*cking gold digger! Hampas lupa!” sigaw pa niya bago ako talikuran. 


“N-nasaan ang kuya mo?” agad na tanong ko kay Euriciel nang maiwan kaming dalawa. 

“Uuwi rin ‘yon.” Nilampasan niya ako para pumasok sa loob. Napailing iling siya nang masulyapan ang mga gasgas ko. “Umalis na siya sa bahay, akala ko papunta rito.” 


Lalo akong hindi mapakali. “A-anong ginawa niya sa bahay niyo? Saan kaya siya pumunta?” 


“Tinawagan ko si Kuya Vhon. Siya na ang bahala kay Kuya. Uuwi rin ‘yon dito.”


Umupo ako sa sofa, katapat niya. “P-pasensya na sa pamilya niyo, ah…” Mas lalo silang nagkakagulo dahil sa akin. 


“It's not your fault. Ginalit lang talaga nila si Kuya.” Napabuntong-hininga siya. “But he'll be fine, and worry kasi hindi ka na guguluhin pa rito ng parents ko.” 


Kahit ano yatang sinabihin ni Euriciel ay hindi mapapanatag ang loob ko. Hangga't hindi nakakauwi si Euriandrei, hindi ako mapapanatag. 


Pareho kaming napabaling ni Euriandrei sa cellphone ko na nasa ibabaw ng coffee table nang mag-ring iyon, at sa cellphone niya na nasa bulsa ng shorts niya. Inabot ko agad ang cellphone ko samantalang si Euricie ay dinukot ang cellphone niya. Sinagot ang tawag ng kapatid ko, si Aifrell.



Hindi ko maintindihan…pero labis na kumabog ang dibdib ko.



“H-hello, Aifrell?” 


“Kuya Vhon?”


Nanlamig ang buong katawan ko sa binungad niya. Pareho kaming natigilan ni Euriciel sa kung anong sinabi sa kaniya ng tumawag.


“Ate Aianna, sinugod sa hospital si Tatay.” 


Nabitawan ko ang cellphone sa labis na panginginig ng kamay ko.




To be continued….

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now