Kabanata 26 (Warning)

677 16 0
                                    

Kabanata 26: Aia’s Pov






“Ate Aianna, sinugod sa hospital si Tatay. Bago siya dinala sa emergency room, binilin niya na pauwiin ka namin. G-gusto kang makita ni Tatay, Ate.” 


Pinahid ko ang kumawalang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan si Euriandrei na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Bakas ang mga sugat na natamo niya. May puting nakapaikot din sa ulo niya. Sabi ng doctor, malala ang nangyari kaya lumipas ang dalawang araw na halos hindi ako makahinga. 



“Si Kuya…naaksidente. Sinugod siya sa hospital.” 


Nang marinig ko ‘yun kay Euriciel ay lalo akong nanghina. Pinatatag ko lang ang sarili ko para makasama ako sa kaniya patungong hospital; ni hindi ko na nakausap nang maayos si Aifell. Tinawagan ko na lang siya kinaumagahan, at ang sinabi niya ang nagdagdag bigat sa dibdib ko para mahirapan akong makahinga, na pakiramdam ko…ipit na ipit ako. 


“Nagising kanina si Tatay, sabi niya ay pauwiin ka raw namin. G-gusto kang makita ni Tatay, Ate… Sana makauwi ka, siguradong gagaling agad si Tatay.” 


Nabalik ako sa reyalidad nang may kamay na pumatong sa balikat ko. Pinahid ko agad ang basa kong mata bago ito hinarap. 


“Sabi ng doktor, malaki ang chance na maraming magbago kay Euriandrei ‘pag nagkamalay na.” Malalim na bumuntong-hininga si Vhon. 


“A-ano ang ibig niyang sabihin, Vhon?” 


“May mga naapektuhan sa internal body niya. So…let's expect daw na sa paggising niya, baka may mga pagbabago sa kaniya.” 


“O-okay lang, Vhon…b-basta gigising siya.” 

Umuwi ako nang matapos ang visiting hours. Hindi pa maayos ang lagay ni Euriandrei kaya pinagbabawal pa ng mga doktor na magtagal ang pagbibisita. Sabi naman nila ay hindi tatagal ay magigising na rin si Euriandrei at ililipat ng room para makabisita anytime. 

Tinawagan ko si Aifrell habang kumakain ng luto ng caretaker. Sa pamamalagi ko sa hospital para kay Euriandrei ay hindi ko na masyadong napapangalagaan ang bahay kaya hinabilin ko na muna, at para may mag-alaga rin kay Peuri.



“Kumusta si Tatay?” 


“Ate, okay ka lang? Okay Naman na si Tatay, pero hindi pa siya p'wedeng iuwi.” Nagpadala ako sa kanila kahapon, sabi ko kapag kailangan pa ay sabihan lang ako. “Alagaan mo ang sarili mo riyan, Ate, ha. Halata sa boses mo.” 



“Ingatan niyo si Tatay. H-hindi ko pa alam kung uuwi ako.” Parang may malaking bara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. Pasensya po, Tatay, pero hindi ko po magawang iwan si Euriandrei, babawi po ako pag-uwi ko. 



“No'ng nagising kanina si Tatay, hinahanap ka niya. Sinabi na lang namin ni Nanay na magpapaalam ka pa lang.”


Pinahid ko ang luhang kumawala. “May emergency kasi rito, eh, pakisabi na lang kay Nanay na hindi pa ako makakuha ng tyempo.” Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko. “K-kailangan din kasi ako nila rito, eh.” 


“Sige, Ate, ako ang bahala magpaliwanag kina Nanay. Mag-iingat ka diyan.” 


“Kumusta pala si Nanay? Ikaw, kumusta ka? Kumusta ang school niyo? Sabihan niyo lang ako kapag may mga kailangan kayo.” 


“Ayos lang kami sa school, Ate. Ano ka ba, sa mga oras na ito, ikaw ang kailangan namin…pero wala kaming magagawa, Ate. Basta, mag-iingat ka diyan!” 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now