Kabanata 27 (Warning)

674 16 1
                                    

Kabanata 27: Aia’s Pov





“‘Wag mo na kaming pahirapan!”


“P-parang awa niyo na…” pagmamakaawa ko. 


Pilit akong pumapasok pero hinihigit niya ang braso ko pabalik. Wala akong panahon sa kaniya, mas gusto kong makaharap si Euriandrei. Hindi ako susuko. Hindi p'wedeng hanggang dito lang kami. Kung kailangang nasa tabi niya ako para maibalik ang ala-ala niya, tatanggapin ko ang mga pananakit ng magulang niya…pero hindi ko siya susukuan. 


“Bitawan niyo ako!” 

“Ang lakas mo pa rin talaga, ano? Hindi ka ba nakakaintindi? Walang maalala ang anak ko! Ibig sabihin, bura ka na rin sa buhay niya. Kaya umalis ka na!” 

Tinulak niya ulit ako pero nanlaban ako. Nanginig ang tuhod ko nang may kirot na dumaan sa tiyan ko. Nang lumipas iyon ay buong lakas kong tinulak ang babae at diretsong pumasok. Napabaling ulit sa akin ang mga nasa loob. 

“E-Euriandrei…” 

“What the? Please, leave us alone. We don't even know you,” si Glianne, magkahawak kamay sila ni Euriandrei. 


Hindi ko pinansin ang kirot na dumaan sa dibdib ko dahil sa nakitang iyon. Pinunasan ko ang luha ko. 


“Sige na, hija. Mabuti at mabait pa kami sa'yo. Umalis ka na hangga't hindi pa ako tumatawag ng security.” Kalmado lang ang tatay niya pero bakas na sasabog na rin sa kunti ko pang pagmamatigas. 


“Euriandrei, ako ‘to–”


“Umalis ka na! Gusto mo pa bang kaladkarin kita paalis?!” 


“Subukan mo,” matapang na saad ko. “Subukan mo nang malaman natin kung sino talaga sa atin ang totoo–”

“Enough!” Gulat akong napabaling kay Euriandrei, matalim ang mga mata niyang…nakatingin sa akin. “Just leave! Ni hindi ako magkakagusto sa disperadang ‘tulad mo.” 


Sa dami ng mga natanggap kong mas masasakit na salita…itong mga sinabi niya ang nagpadurog ng puso ko. Kahit anong panlalaban ko sa emosyon ko, hindi ko napigilan ang pagragasa ng mga luha ko…sa labis na sakit. 


“E-Euriandrei…” Bahagyang nanlaki ang mata niya sa pagpiyok ko, pero umiwas siya agad ng tingin, napalunok. “H-hindi mo ba talaga ako…m-maalala?” 


“Wala akong kinilalang disperada. Umalis ka na.”


“Pero, Love–”


“Umalis ka na!” 

“Oh my gosh!” Lahat kami ay nataranta nang sumigaw sa sakit si Euriandrei habang nakahawak sa ulo, matapos ang galit na pagsigaw niya. 

Nanginig ang katawan ko at hindi malaman kung ano ang gagawin. May mga nagtakbuhang nurse papasok habang kinakalma ni Glianne si Euriandrei na tila may sobrang sumasakit sa ulo. 

May humigit sa braso ko at kinaladkad ako palabas. Tuluyang nanlambot ang tuhod ko. Hindi na ako nakakilos pa nang patapon akong binitawan ng babae. 


“Ipapahamak mo pa ang anak ko!” 


“Pakiusap po–” Nahigit ko ang hininga nang tapunan niya ako ng makapal na pera sa mukha. Sumabog iyon sa harapan ko. 



“Ayan na ang huling sahod mo. Kunin mo ang mga gamit mo sa bahay ng anak ko at umalis na! ‘Wag na ‘wag kang magpapakita sa amin, dahil oras na may mangyaring masama sa anak ko, ipadedemanda kita! Naiintindihan mo?! ‘Wag ka ng magpapakita kung ayaw mong madamay pati ang pamilya mo!” 



My Beautiful Mistake (SMS #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora