CHAPTER 6 Mystery Sender Case

347 13 1
                                    

MATCHA POV









Hays... it's been 1 week since the opening of our agency. But unfortunately we still have no clients. I have this anxious thoughts that it will never work out. This was supposedly a wonderful day to be productive. Tsk. What a waste of time. As I turned my gazed inside the office, all my friends are busy doing their usuall stuff. I wanted to be busy, too.

Ang sakit nila sa mata panoorin, promise. Ibinalik kona lang ang tingin ko sa labas. Buti pa iyong babae sa labas ng coffee shop, busy. Busy makipagtalo sa kausap niya sa phone.

"Hays.. if you're arguing on your phone in public. Please put it on speaker. I need to hear both sides of the story to know who's side I'm on." Sabi ko sa babae. As if naman maririnig niya ako. Bumalik na lang ako sa table ko para sana matulog.

"Agree.. Hindi yung pinag-ooverthink tayo, ano?." Sabi ni Mojito.

"Are you both crazy? Nakikinig na nga lang kayo sa usapan ng iba. Demanding pa kayo." Sabi naman ni Peanut.

Hindi kona lang pinansin ang dalawa at matutulog na sana ng may magdoorbell. Napatayo ako bigla at naging alerto naman ang mga kaibigan ko.

"Maybe that's the water delivery?" Denial na sabi ni Mojito. Bigla naman tumunog ang landline sa lamesa ko. Pagtingin ko, si Bacon pala.

"Hello, Bacon bakit?"

"Hello po Ate.. may isa pong client ang nandito ngayon. Gusto daw po kayong makausap."

"Okay. Samahan mo siya papunta dito sa taas." Pagbaba ko ng telepono sinenyasan ko agad ang mga kasama ko.

"Guys! May client!" Nataranta naman si Mojito at Peanut. Si Forest, inayos lang ang lamesa niya. Nilisan naman ni Mojito ang living room habang kinuha naman ni Peanut ang kanyang notebook. Ako naman ang sasalubong sa guest namin. Nang magtama ang tingin namin ng bisita nginitian ko ito at sinamahan maupo sa living room.

Inutusan naman ni Peanut si Bacon na magtimpla ng kape para sa bisita namin.



MOJITO POV



What a timing. Our guest arrived after I've finished wiping the dust. Grabe naman kasi ang alikabok sa labas. Nakatapat pa sa balcony ang living room kaya mabilis maalikabukan ang mga ito.

"Welcome, have a sit." Narinig kong sabi ni Matcha. That's our first Guest na nakarating dito sa living room namin. Is it a murder case? Ohhh~ I'm excited!

"Thank you." The guest said. Sakto namang dumating itong si Bacon, para ibigay ang kape sa bisita.

This man was probably in his mid 30's, naka formal suit at maayos ang itsura. Bumalik na muna ako cubicle ko at nakinig. Si Peanut at Matcha ang nakaharap sa guest ngayon, while support lang kami ni Forest sa likod.

Kapansin-pansin ang dala nitong isang may kalakihang karton na puno ng mga pangbatang laruan.

"How may we help you, sir?" Formal na tanong ni Matcha.

"I'm Richard Abrenica. Magdadalawang taon na ang nakalilipas ng may magsimulang magpadala sa amin ng mga laruan at pera kada buwan." Pagpapaliwanag nito. Nakikinig naman ng maigi si Matcha habang sinusuri ang mga laruan na nakakalat na ngayon sa lamesa. Si Peanut naman ang nagrerecord ng mga napag-usapan ng dalawa.

"We find it, creepy since the address and the sender's name was all made up." Problemadong sabi ni Richard.

"Hmmm.. toys and money, huh." Seryosong sabi ni Matcha habang tinitignan ang isang robot na laruan. Ngayong seryoso ito, malayong-malayo siya sa Matcha na kitang-kita ang gilagid kapag tumatawa. Ang angas niyang panoorin ngayon.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now