Prologue

7 0 0
                                    


"Whatever happens, do not ever enter my room, Esmeralda. Not until I'm still here, naiintidihan mo ba?"

Bata pa ako that time nang mapagsabihan ako ng Kuya ko. 'Di ko alam kung ano ba ang espesyal sa kaniyang kwarto kaya 'di ako p'wedeng pumasok.

Pero ngayon, natagpuan ko ang sarili na nakatayo sa labas ng kaniyang kwarto.

"... Not until I'm still here..."

And that's why I'm intending to enter inside his room. He's not here. Wala na siya. Wala na si Kuya...

I bit my lip to suppress my sobs. Ilang araw na ang nakakalipas nang bigla siyang mawala na parang isang bula. Ilang araw na rin ang lumipas nang magkulong ako sa kwarto.

Every time I close my eyes, memories with my Kuya flashes inside my head. At ang katagang iyon ang pumapasok lamang sa aking isip. Kaya ito ako ngayon, nagdadalwang isip kung papasok ba talaga ako sa kwarto ni Kuya.

Baka kasi... Bigla nalang siyang umakyat sa hagdan at isigaw ang pangalan ko para pigilan ako.

Kung kaya't ayoko pang pumasok... Dahil kapag nasa loob na ako, patunay iyon na talagang wala nang magagalit sa akin sa gagawin ko... Na wala na talaga ang Kuya ko.

"Esmeralda," hindi ako lumingon, alam ko naman na si Mommy ang tumawag sa akin.

Malat ang kaniyang boses, halata rin na siya ay nagluluksa rin sa pagkawala ni Kuya. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na kulay itim ang kaniyang suot.

Ikinuyom ko ang aking kamao. Hindi patay si Kuya. Wala siya ngayon dito pero hindi pa siya patay!

"Ngayon ka lang lumabas sa kwarto mo. Kumain ka muna, anak," akmang hahawakan niya ang aking braso pero iniwas ko iyon.

"Mamaya na po ako kakain."

"Anak," may bahid ng pagkaawa ang kaniyang boses. "Ilang araw ka nang walang kain, ang payat mo na..." She sniffed. Crying. "Hindi matutuwa ang Kuya mo kapag nakita ka niyang gan'yan."

I scoffed and turned to look at her. Pain, anger, and disappointment rising inside me.

"Ayoko pong maging bastos pero ayokong naririnig na binabanggit mo ang Kuya ko sa harapan ko," my voice cracked. Nangilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mukha ng aking ina. Ina ko nga ba talaga? "Bakit ngayon lang kayo bumalik? Babalik ka lang pala kapag may isang nawala sa amin!"

"Esmeralda, anak. Let me explain..."

"Explain, what?! Mom!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses at ang tuluyang pagtulo ng aking mga luha. I sobbed. "Don't act like a mother now. Hindi na kita kilala."

Tumulo na rin ang kaniyang mga luha. Natauhan ako bigla sa aking mga sinabi, umiwas ako ng tingin at narinig ang mabibilis na yabag paakyat ng hagdan.

"Esmeralda! Eloise!" Mataas ang boses ni Daddy. I flinched with how scared I am with just his voice.

If only Kuya was still here... Agad niya sana akong itatago sa kaniyang likod dahil alam niya kung ga'no kalaki ang aking takot sa mataas ng boses ng aming ama.

But he's not here anymore... No one will protect me anymore.

"Ano ba kayong dalawa?! May mga bisita sa baba, tapos magsisigawan kayo dito?!" Mahina ang boses ni Daddy pero halata ang galit sa kaniyang boses.

Pinahid ko ang aking luha at mabilis na binuksan ang pinto ng kwarto ni Kuya. "Esmeralda!" Huli kong narinig ang boses ni Daddy bago ko tuluyang isara ang pinto.

"Buksan mo ang pinto! 'Wag mo 'kong tatalikuran!"

"Francisco, kumalma ka. Hayaan na muna natin si Esmeralda..."

See You In Another WorldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora