Kabanata 28 (Warning)

648 16 0
                                    

Kabanata 28: Aia’s Pov




“Dion!”


Nagising si Peuri sa bisig ko kaya hinaplos-haplos ko para makabalik sa pagtulog. Nakatulog siya ulit. 


“Aianna.” 


Muling nagising si Peuri at tinahol si Dion nang yakapin ako, kaya naman napalayo agad ang lalaki. Natawa kami dahil sa pagsusungit ng aso. 


“Okay ka lang ba? Tara na?” Tumango ako sa kaniya. Kinuha niya ang maleta ko at siya na ang naghila. Sumakay kami si itim na jeep wrangler niya. Ang gandang sasakyan. “Kumusta ang byahe?” 


“Okay naman. Medyo nalula lang no'ng nasa bangka na kami.” 

Isla ang probinsya namin. Nang nasa bangka kami papuntang isla ay hindi mapakali si Peuri kaya halos gising din ako sa byahe. Kaya ngayon damang-dama ko ang antok at pagod. 


Bago umalis ng Manila ay hinatid ako ni Fresly sa araw ding iyon. Bago kami maghiwalay ay kinausap namin si Dion, na saktong katatapos lang ng exams kaya nasundo ako. Sinabi ko kay Fresly ang nangyari para kung sakaling hanapin ako sa kaniya ay alam na niya ang sasabihin niya, hindi niya ako ituturo. 



Iiwan ko na ang naging buhay ko sa syudad na iyon. Sapat na ang perang dala ko para sa business na sisimulan pangkabuhayan namin ng pamilya ko. 



“Kumusta naman sa manila?” 


Napahikab ako. “Ayon…magulo.” 


Mahina siyang natawa. “May balak ka pa bang bumalik?”

Umiling ako, desindido na. “Hindi na ako babalik. Mas maganda mabuhay rito sa probinsya. Ayaw ko na ring iwan ang pamilya ko rito lalo’t…wala na si Tatay. Sapat naman ‘yung ipon ko para sa panimula namin.”


“I understand. Basta, kapag kailangan niyo ng tulong nandito lang ako.” 

Si Dion ang tipo ng kaibigan na hihilingin ng lahat. Palagi siyang nandyan sa mga taong nangangailangan sa kaniya, lalo na kapag pera ang usapan. Kaya ang yaman ng isla na ito, eh, kasi ang tatay niya ay isa sa mga namamahala ng isla. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na si Dion na ang tutulong sa mga mamamayan. 


Nakatulog ako. Nagising ako nang tumigil na ang sasakyan. Bumigat ang dibdib ko nang matanaw ang kinalalagyan ni Tatay. Hindi agad ako nakababa ng sasakyan, ang bigat-bigat. 


“Kuya Dion!” 


“Aifrell.” Pinagbuksan niya ako ng pinto. 


“Ate?!” Nanubig ang mata ni Aifrell at patakbo akong niyakap. “Ate! Dumating ka.” 

“Dalhin na natin ang ate mo sa loob, Aifrell. Para makapagpahinga na rin muna siya.” 

Bumitaw si Aifrell at pinunasan ang mukha. Kinuha ni Dion ang maleta saka na kami ni Aifrell iginaya papasok ng gate. Binigay ko kay Aifrell si Peuri nang kunin nito. Wala gaanong tao sa lamayan dahil umaga. Napatayo si Nanay nang nakita ako. 


“Penille Aianna anak?!” 

“Ate!” 

Ang luhang pinipigilan kong bumuhos ay rumagasa na nang mayakap si Nanay. Isa't kalahating taon din no'ng huli ko silang nayakap. 


“S-sorry, ‘Nay…ngayon lang.” 


“Naiintindihan ko, Penille. Nakakalungkot lang dahil hindi kayo nagkita ng Tatay mo.” 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now