Kabanata 31 (Warning)

675 16 0
                                    

Kabanata 31: Aia's Pov 





“Magbabayad sila!” 

Nagsisimula pa lang ako sa pagbawi kay Nanay, e! Nang dahil sa pamilyang iyon, isang miyembro ng pamilya ko ang nawala! 


“H-hinding-hindi ko sila mapapatawad…” 


Ang hirap ng matulog. Dahil kapag nagigising ako…sinasampal ako ng katutuhanan na wala na rin si Nanay. Kapag gumising na ako…umuulit-ulit sa utak ko ang boses ni Aifrell na umiiyak habang hirap na hirap na sabihing wala na si Nanay. 



“Iwasan niyo ang stress. Mabuti at mahigpit ang kapit ni baby,” saad ng doctor. 


Nakatulala lang ako sa kawalan. Masaya ako dahil walang nangyaring masama sa baby ko…pero masama naman ang nangyari kay Nanay. No'ng nawalan ako ng malay, dinala kami ni Dion at Aifrell ni Nanay sa hospital, pero si Nanay ay hindi na umabot sa hospital. Inatake siya sa puso dahil sa nangyari. 



“Ate, sigurado ka bang ipagbibili na natin itong bahay at lupa?” 


“Ate, pa'no na ang mga ala-ala natin dito nila Nanay.” Umiyak si Fidell habang nakayapos sa baywang ko. 



Limang buwan ang lumipas nang mapagawa na ang bahay. Pero dahil sa bigat at sakit ng mga ala-alang dinatdan ko…hindi ko na maatim na manatili pa rito. Gusto ko ng lumipat at magsimula ulit kasama ang dalawang kapatid at ang magiging anak ko. Ayo'kong punuin ng tahanang ito ng kalungkutan ang puso ng mga kapatid ko. 



“Gusto niyo bang manatili tayo rito?” tanong ko sa dalawa habang hinahaplos ang buhok nila. 


Napaiyak lang sila. Hindi man nila sabihin, nararamdaman ko na nalulungkot din sila rito sa bahay. Kaya gusto ko na rin na ilipat sila para, katulad ko, ay makapag-move forward din sila. Natatakot din ako na balikan ako ng mag-asawa kahit pa banned na sila rito sa Isla. Pero paano na lang kung ang anak na niya ang pumunta rito? Ayo'ko na, ayo'ko ng magulo pa nila ang buhay namin. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi na ulit magtatagpo ang mga landas namin. 



Sa tulong ni Dion, nakahanap agad ako ng buyer. Bale house and lot ang pinagbili ko. Sorry, ‘Nay, sorry po, ‘Tay. Pero pangako po… aalagaan ko ang mga kapatid ko. Gabayan niyo sana ako. 



“Salamat, Dion, ah…”


“Walang ano man. Basta kapag kailangan niyo ng tulong ay lapitan niyo lang ako. Pupuntahan ko rin kayo rito kapag may free time ako.” 


“Salamat talaga.”


“‘Wag kang mag-alala, wala nang manggugulo sa inyo.” 


Pagkatapos ilipat sa bagong pinagawa naming bahay ang mga gamit namin ay umalis na rin si Dion. Sobrang busy na niya ngayon dahil unti-unti niya nang sinusundan ang yapak ng ama niya. 


Senior high school na si Aifrell, si Fidell naman ay grade two na. Si Aifrell ay sa dating high school mag-aaral ng senior high, samantalang si Fidell ay rito sa elementary school ng baranggay na nilipatan namin. Bali mayroong apat na baranggay ang Isla na ito. Walking distance lang ang paaralan ni Fidell, samantalang isang sakay naman ng tricycle si Aifrell, hindi ‘tulad sa dating naming tirahan na walking distance lang. 



“Ate Aia,” si Lie, ang college student na taga rito lang din. Kinuha ko siya bilang assistant ko. Nilipat ko rin kasi ang business ko sa nilipatan, hindi naman ako nahirapang magkaroon ng customers, mas pumatok pa nga. “Sa Saturday ulit ang pasok ko. Pero may gagawin kaming project sa bahay ng classmate ko kaya hindi ako ko kayo matutulungan dito.”


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now