Kabanata 32 (Warning)

673 17 0
                                    

Kabanata 32: Euriandrei's Pov 





“Bro, mali naman ‘yung ginawa niya, kaso babae siya, e!”


Tinutok ko lang ang atensiyon ko sa ginagawa ko sa laptop habang nagpapalatak si Vhon. I don't what's his up to. Medyo nakainom din siya.


“Bro, iniwan niya ako! Matapos ‘yung nangyari sa amin! Binigay ko naman sa kaniya ang lahat ng best ko, pero iniwan niya ako na parang hindi na siya ulit maglalaway pa sa abs ko!” 


Napailing-iling na lang ako. Seryoso ako sa ginagawa kong pagtuklas sa ginawa ng parents ko sa probinsya at kung sino ang babaeng iyon, pero nakikinig ako sa pinagsasabi ni Vhon. I knew he was hurt. 


“Masakit pero siya pa rin talaga, bro! Bro…” Tumayo siya sa couch at naglakad palapit sa akin. “Siya pa rin kahit masakit na…” 

Nagsara bigla ang laptop ko nang makalapit siya. Kinuha niya iyon at nilayo sa akin.

“Euriandrei, ano ba ‘tong ginagawa mo? Alam mong makakasama sa'yo ‘tong pinagagawa mo, e!” sermon niya.

“I don't know what to do anymore, Vhon…” Napasandal ako sa swiveling chair ko, hinang-hina. “Anong kailangan kong gawin para mapanatag ang kalooban ko.”

“Bro…”

“Pakiramdam ko kasi kabiyak lang ng puso ko ‘yung nandito sa akin. Pakiramdam ko kulang na kulang ako, may hinahanap-hanap ako. Gusto ko ng maalala ang lahat, Vhon. Help me.” 

“Bro.” Nilapag niya ang laptop sa dati. “Hindi mo kailangang madaliin ang lahat. Nararamdaman ko ‘yung pakiramdam mong may kulang sa'yo. But we can't do about it. All we have to do is to live the moment kasi darating din ang oras natin na maibalik ‘yung nabitawan natin na para talaga sa atin.” 


“What if it's too late?” 

“Hindi kailanman nahuhuli ng dating ang mga bagay na para talaga sa akin.”

I take his words from me. Pero hindi ako tumigil na hanapin ang luma kong cellphone. I could feel it. Mayroon doon na makakatulong sa akin. Parang mga 80%.

Tinigil ko ang pagkakaroon ng interaction sa parents ko. Parang nati-trigger ‘yung anger ko kapag nakikita ko sila. Kahit na nararamdaman ko na may ginawa sila sa kung sinong tao ang pinuntahan nila sa lugar na iyon. 

“Love, nakapagluto na ako!” bungad ni Glianne. Hindi ako nakakilos agad kaya nahalikan niya ako sa pisngi. 

She's smiling widely. She looks happy to see me. Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan, hindi tumitibok ang puso ko sa kaniya. Hindi ako na-e-excite nang nakita siya, hindi ko mapantayan ‘yung excitement niya. Pinakiramdaman ko ang puso ko habang tinititigan siya. She's perfectly beautiful, pero parang mas may pinakaperpekto pang kagandahan kaysa sa kaniya. Walang nagbago, hindi bumilis ang tibok ng puso ko. 

Namula ang buong mukha niya dahil siguro sa tagal ng paninitig ko sa kaniya. I heaved a sigh. “Glianne…”

“Yes, Euriandrei?” 

“You don't have to do this.” Natigilan siya. Unti-unting napawi ang kaninang saya na nakapaskil sa mukha niya, at ang kumikinang niyang mga mata kanina ay napundi ang pagkislap. I felt guilty. “Kaya ko namang ipagluto ang sarili ko. Nandito rin si Manang Jackie, she can take care my house.”


“I wanted to be here. I wanted to cook for you and clean your house. Because I love you, Euriandrei. ‘Tsaka ikakasal na rin naman tayo kaya…”

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now