Kabanata 33 (Warning)

698 16 0
                                    

Kabanata 33: Aia's Pov





“Si Vhon ang ama.” 



Nagsalin ako ng juice sa baso at pinainom siya. Last week siya umuwi galing Manila. Maayos naman daw siyang nakaalis, wala naman daw nakasunod sa kaniya o nakaalam kung saan siya uuwi. Matagal na rin siyang umalis sa bar, no'ng nalaman niyang pinagbubuntis niya ang anak ni Vhon ay umalis siya…nang hindi rin alam ng lalaki. 



“Nalaman ko ‘yung nangyari kay Tiyo at Tiya. Sorry kung wala ako sa tabi mo no'ng nangyari ‘yon.” 


Nginitian ko siya. “Ano ka ba. May sari-sarili rin tayong problema, ‘no! Oo nga pala, hindi ka na rin babalik sa Manila?” 


Umiling siya, siguradong-sigurado na. “Hindi na ako babalik. Nakapag-graduate na rin naman ang pinag-aaral kong kapatid.”


May dala si Fresly na mga damit. Dito raw siya muna ng isang linggo. Hindi siya makapagbisita ng araw-araw kasi nasa kabilang baranggay pa siya. Baka kung ano'ng mangyari sa baby niya kapag bumyahe siya nang bumyahe, bako-bako pa naman ang daan papunta rito sa amin. 



“Kaya ikaw, Aifrell, kapag napunta ka sa Manila, ‘wag magpatuklaw sa ahas!” si Fresly kay Aifrell. Sinuway ko ito agad, tinawanan lang ako. 


“Ha? May ahas din sa Manila, Ate Fresly?”


“Naku, Aifrell, ‘wag kang makinig diyan sa Ate Fresly mo. Nabuntis lang ay lumala na ang nilalabas ng bunganga!” sabi ko. 


Humalakhak si Fresly. “Alangan sabihin kong tit–” Binato ko siya ng naka-roll na tissue kaya tumigil siya agad.


“Pumunta ka na nga sa kwarto mo, buntis! Kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig mo!”


Tumayo si Fresly, tumatawa pa rin. “Akala mo siya hindi buntis, e, ‘no!” 


“Ang iingay naman ng mga buntis na ‘to,” dinig kong bulong-bulong ni Fidell sa tabi ko na gumagawa ng assignment niya. 


Pinanood ko na lang si Fidell sa paggawa ng assignment niya nang pumasok na si Fresly sa kwarto. Si Aifrell ay naghuhugas. 


“Birthday mo na next week, anong gusto mong gift ni Ate?” tanong ko kay Fidell. 


Natapos na si Aifrell sa paghuhugas, umupo siya sa kabilang side ni Fidell habang nagpupunas ng kamay sa towel. 


“Oo nga pala, Fidell!” 


Tumigil si Fidell sa pagsusulat at napatunganga, kami naman ni Aifrell ay hinintay ang sasabihin niya. Nagkibit balikat siya makalipas ang ilang sandali. 


“Kahit ano na lang, Ate.” Nagkatinginan kami ni Aifrell. Bakas na bakas sa boses ni Fidell ang kalungkutan. “Gusto ko sana sila Nanay, pero imposible naman ‘yon…” 


Nakagat ko ang ibabang labi ko. 


“Ah! Ako may naisip na pala!” ani Aifrell na binubuhay ang usapan. “Surprise ko na lang!” 


“Ako rin!” sali ko. “Ayain mo rito ang mga kaibigan mo, Fidell, maghahanda kami ng Ate Aifrell mo.”


“Sakto, may program lang sa school kaya hindi ako papasok.” 


Dahil doon ay napasaya namin si Fidell. Natanong niya pa kung p'wedeng isama niya rin ‘yung crush niya kaya naasar-asar pa namin. 


“Okay lang! Isa lang naman, ‘no? ‘Yung crush mo lang ang isama mo, ah! ‘Wag ‘yung mga nagkaka-crush sa'yo at baka masama mo ang lahat ng kababaehan sa school niyo!” pang-aasar ni Aifrell sa nakabusangot na ngayon na si Fidell. 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now