PROLOGUE

7 2 0
                                    

- Single Story -

Let Me Cook a Content for You. (SS)

Cheering for Love's Game. (SS)

- Threads Of Destiny -

Threads: Echo of a Broken Bond.
(TOD Series #1)

Threads: Our Affinity Love.
(TOD Series #2)

Threads: Crossing Path's Once More.
(TOD Series #3)

__________________________________________

"There's a party later at Aurelia College for the opening of the new school year. They just announced it last night" Savannah said.

"Talaga ba?" sabi ko habang humihikab. "Matutulog muna ako, 'wag niyo muna akong gisingin, ha." I said and gently close the door of my room.

Gusto ko na talagang matulog, yung hindi gumagalaw ang paligid ko. Ang kailangan ko lang ngayon ay kapayapaan at katahimikan para makabawi sa pagod. I only managed to sleep for three hours because I'm really super duper sleepy. Bumangon na muna ako ng medyo dumilim na ang labas para mag-ayos na ng mga gamit.

"Lalie ko, hindi ka ba talaga sasama?" Sumilip si Yesha sa pintuan ng kwarto ko. Her face filled with hope.

"Hindi talaga, Yesh, e... Kayo na lang muna." Tanggi ko.

I'm busy unpacking my things because I just arrived at our condo earlier this morning. Abala sila sa paghahanda dahil may pa-party ang Aurelia College para sa opening ng bagong taon sa paaralan nila, gusto ko man sumama pero pagod na pagod pa talaga ako galing sa byahe at bago pang gising. Today felt like a never-ending journey.

Naririnig ko na ang boses ng boyfriend ni Yesha sa labas pero hindi ko na lang pinansin, sinusundo na 'ata sila. Itinuloy ko lang ang paglilinis at pag-aayos ng mga gamit ko habang maingay sila sa labas, mukhang may ibang bisita rin, may ibang boses, e. Ang bawat kilos ko ay may kasamang pag-aalangan, iniisip kung tama ba ang desisyong hindi sasama sa kanila.

"Come on, Hale! This is just for once, let's get out and have some fun!" Sigaw ni Savannah mula sa labas. Her voice brimming with excitement and invitation.

"Kayo na lang muna, have fun!" Sigaw ko pabalik. My tone betraying a hint of disappointment for not being able to join them. Ilang oras akong nag-aayos ng gamit sa loob ng kwarto. Nasa isipan ko pa rin ang gustong sumama pero, 'wag nalang.

Hoay! Nvm na nga lang.

I arranged my things and hung my clothes in the closet. Pagkatapos noon, inayos ko ang kama ko. Nang matapos ako sa pag-aayos ng kwarto, lumabas muna ako para kumain. Nakaalis na sila kaya nilinis ko muna ang living area. The silence of the condo provided me with a temporary sense of tranquility.

I picked up the pillow from the couch and saw a vibrating phone. Tumatawag ang boyfriend ni Savannah, pero hindi naman kay Savannah ang teleponong 'to, e. Hindi rin naman kay Yesha. Nang matapos na ang tawag, nahulog ko sa upuan ang telepono. Hinimas-himas ko pa ng ilang beses ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa nakita.

Jusme!? Buti na lang sa upuan lang nahulog. Pero!? Ano ang ginagawa nito dito?!

Kumukunot pa rin ang noo ko ng makitang si Trhoy ang wallpaper ng lockscreen ng phone! His lock screen is still the same. Yung picture na kinuha ko sa kanya gamit ang telepono niya habang nasa beach kami... I didn't know how to react.

Ang wallpaper ng lockscreen ay si Trhoy... I don't know what to do. Ano 'to magic? Bigla nalang nang dito?

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong kumakatok sa labas.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Trhoy na nakatayo sa harap ko. Wearing a white polo shirt tucked into his light brown slacks with branded shoes and a watch. Nagpagupit pa siya ng buhok. His presence brought an unexpected flutter to my chest.

"Halie..."

As we stared at each other, I could see in his eyes that he was stunned and speechless, his eyes widened, seeing me in front of him. This moment was filled with unexplainable emotions.

Ilang buwang nagkahiwalay at parehas na nasaktan, ngayo'y hinaharap ang isa't-isa.

____

Threads: Crossing Paths Once More. (TOD Series #3)Where stories live. Discover now