Kabanata 35 (Warning)

703 15 0
                                    

Kabanata 35: Aia's Pov 




“Magkakilala kayo?!” 

Ang dami na agad pumapasok sa isipan ko. Paano? Nasundan ba siya? May iba pa bang nakakaalam sa pamilya niya na nandito kami? 


“Ate, magkakilala kayo?” ulit ni Aifrell matapos akong balingan. 


Bumitaw ako ng tingin kay Euriciel at hinila si Aifrell palabas ng fruit shake-an. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang sarili ko; nalilito, nagtataka, at naguguluhan. Paano nangyari ito?

“Siya ba ‘yong…” Hindi ko matuloy-tuloy ang gustong sabihin, tumango na rin agad si Aifrell kaya natigil na rin ako. “Paano…”

“Ate, sino siya? Ibig kong sabihin…bakit magkakilala kayo?” 

Mabuti at wala pang dumadating na customer! 

“Aifrell, siya ang… kapatid siya ng tatay ni Franciel.” Hinanaad ko ang boses ko sa huling sinabi. 

Nanlaki ang mga mata niya. Ang gulat ay napalitan agad ng galit at pagkamuhi. Nabigla ako nang hubarin niya ang apron na may tatak ng business name namin, saka dali-daling lumabas sa gate. Sinundan ko siya. 

“Aifrell!” 

“Ang kapal ng mukha mo! Alam mo ba ang mga nangyari noon, ha?!” Nilapitan ko ang kapatid ko at sinubukang awatin ito sa paghahampas sa lalaki, pero mapwersa siya. “Bakit hindi ka sumagot?! May kapal ka pa ng mukha na pumunta rito! Ang yabang mo!” 

“Aifrell!” Nanghina si Aifrell kaya nagawa ko itong ilayo kay Euriciel.

Nakatayo lang ang lalaki, halong lito, gulat, at pagtataka ang nasa mukha. Naguguluhan niyang tiningnan si Aifrell. 

“What? What did I do? Ano'ng ibig mong sabihin?” 

Nagpumiglas ulit si Aifrell mula sa hawak ko at sinugod ng sapak ang lalaki. Dahil mas matangkad si Euriciel sa kapatid ko ay tinatalon na siya ng kapatid ko para masampal sa mukha. 


“Kunwari ka pang walang alam?! ‘Yung Nanay mo! Sumugod dito five years ago para papirmahan ang divorce paper sa ate ko! Nang dahil sa parents mo, nawala ang Nanay namin!”


“Aifrell, tama na…” pagtatahan ko. 

Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na ganitong sobrang nasasaktan. Noong nawala si Nanay, akala ko ay ako na ‘yong sobrang nasaktan dahil sa aming dalawa…ako ‘yung nakikitang sobrang nagluluksa. Hindi ko inakala na ganito pala siya nasaktan no'ng nawala si Nanay… hindi niya lang ipinakita sa iba kung gaano siya kadurog na durog. 


Natigilan si Euriciel sa sinabi ng kapatid ko. Humakbang siya palapit sa amin para abutin ang kapatid ko habang puno ng pagsisisi ang mga mata, kahit wala naman siyang kasalanan sa nangyari noon. Ang paglapit niya ay natigil nang mapatingin siya sa batang tumatakbo palapit sa amin habang tinatawag ako. 

“Mommy, bakit po umiiyak si Tita Aifrell?” inosenteng tanong ni Franciel nang nakayakap sa binti ko. 

Nakita kong lalong natigilan si Euriciel habang titig na titig sa anak ko. Dahan-dahan ay umangat ang tingin niya sa akin saka binalik ulit sa bata. Bumilog ang bibig niya nang tila may napagtanto siya. Hindi ko na rin naman maitatanggi…dahil sa katunayan…kahawig na kahawig ni Franciel itong si Euriciel dahil kamukhang-kamukha nito ang kuyahin niya no'ng binatilyo pa lang. Kaya parang…nagmumukha silang magkapatid. 


“Sh*t! Aray!” hiyaw nito nang may tumamang bato sa tabi ng pisngi nito. Nasugat iyon kaya may gumuhit na dugo. 

“Sino ka para paiyakin ang Ate Aifrell ko!” galit na galit na sigaw ni Fidell sa likuran namin. 

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now