Kabanata 36 (Warning)

683 16 0
                                    

Kabanata 36: Aia's Pov 






“Tito, are you going with us? Mag-swimming din ikaw?”



Simula nang maka-bonding ni Franciel ang tiyuhin sa isang araw ay close na close na sila, kaya si Fidell ay busangot kapag iniiwan siya para lapitan ang isang tiyuhin. Napag-usapan na rin naman namin ni Euriciel ang mga dapat pag-usapan. 



“Promise, I won't tell anyone. Kung okay nga lang, ipapakilala ko siya bilang anak namin ni Aifrell, e.” Sabay humalakhak siya. 



“Ano?! Bakit naririnig ko ang pangalan ko diyan?!” sigaw ni Aifrell mula sa nakabukas na kwarto namin ni Franciel. Binibihisan niya kasi ito habang hinahakot naman namin ni Euriciel ang mga pagkain at gamit sa tricycle na inarkila. 



Muling nagtanong si Franciel nang makalapit sa amin. “Magswi-swimming din ikaw, Tito?” Bitbit nito ang malaki niyang water gun.



“Of course, baby boy. I will go with you, too.” 


“Marunong ka bang lumangoy?” tanong ni Fidell na may bahid pa rin ng pagiging arogante.


“Of course, boy.” Napaismid si Fidell sa tinawag sa kaniya. 


“Ako rin, marunong maglangoy! Mas magaling pa nga yata ako sa'yo, e. Marunong ka bang lumangoy ng nakatihaya?” 


“Kahit nakatagilid, marunong ako,” sagot ni Euriciel at natawa. Tumigil din siya nang mahuli ang tingin ng kapatid ko na masama ang tingin sa kaniya. 


Wala na akong magagawa sa nararamdaman ng kapatid ko. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganiyan ang pakikitungo niya sa lalaki. Pero ayo'ko naman na may galit siyang kinukulong sa dibdib. 


Nilampasan ko na lang ang dalawa, hila-hila si Franciel, palabas ng bahay. Kaming tatlo nina Franciel at Fidell ang nasa loob, kasama ang mga pagkain at mga gamit. Ang dalawa naman ang nasa likod ng driver. 


Pino ang maputing buhangin. Nahahaluan ito ng maliliit na buo-buong bato-bato na kakulay rin ng buhangin. Makiliti sa paa. Agad nagtakbuhan si Fidell at Franciel sa dagat, na sinundan agad ni Aifrell. Naiwan kami ni Euriciel para mag-ayos ng mga pagkain sa lamesa. 


“For sure, lagot ako kay Kuya kapag nalaman niya ‘to,” untag ni Euriciel at humalakhak. 


“Hindi niya naman malalaman ‘to.” Parang siguradong-sigurado talaga ako. “May karapatan siya kay Franciel, pero wala siyang karapatan sa mga desisyon ko.” 



“Teka… may nararamdaman ka pa sa Kuya ko? Curious lang, you know! Pero, meron pa ba?” 


Hindi ko alam kung sasagutin ko pa siya, pero para tumigil siya ay sasagutin ko na lang. “Limang taon ‘yung lumipas, Euriciel, hindi na ako makikisali sa bagong pamilya ng Kuya mo,” sagot ko habang nasa inaayos na disposable plate ang atensiyon. 


“Ha? What do you mean? Kuya–”

“Ayo'ko ng pag-usapan siya,” putol ko at inangatan siya ng tingin kaya tumigil din siya. “Sige na, Euriciel, ako na ang bahala rito. Samahan mo na sila sa dagat.” 


“Are you sure?” 


Natawa ako. “Sige na. Sige ka, medyo dagsaan ngayon ang naliligo oh. Baka lapitan pa ng iba ang kapatid ko–”


“Okay.” 


Natawa ako lalo nang mabilis agad siyang umalis. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Pa'nong umabot sila sa ganito e sa chat-chat lang sila nagkakilala? Okay na ako kung ganito ang ibigay ni Lord sa akin, basta masaya na ako sa love life ng kapatid ko. Masaya na ako na nakikita ko silang masaya. Kahit minsan talaga ay nahihirapan ako. Dinadaan ko na lang sa dasal ang paghingi ng tulong kina Nanay. Hay…miss ko na rin sila, kung sana’y nandito lang sila ni Tatay. Hindi lang sana kami ang nagsasaya ngayon. 



My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now