Kabanata 37 (Warning)

708 12 1
                                    

Kabanata 37: Aia's Pov 





“Kuya?” 


Nakawala ako nang nagpumiglas ako. Nagulat siya sa kapatid kaya parang lumuwag ang mga braso niya sa baywang ko. 


“Hoy! Gago ka! Bakit mo niyayakap ang Ate ko?!” galit na sigaw ni Fidell. Pinigilan ko agad ito nang magdampot ng buhangin. 


Sinenyasan ko si Aifrell na itakbo si Franciel papuntang cottage, pero bago siya makasunod ay nagsalita si Franciel dahilan ng pagbaling namin sa kaniya. 


“Mommy, magswiswimming ikaw?” Inalis niya pa ang pagkakahawak ng Tita Aifrell niya sa balikat para tumakbo palapit sa akin. 


“Baby, mamaya na ulit tayo magswimming nila Mommy,” si Euriciel ang sumagot. At dahil katabi ko siya, nasa gitna namin si Franciel. 


Napatingin ako sa lalaking nasa harap namin nang ngumisi ito nang may tunog. Madilim siyang nakatingin sa kapatid, nakangisi pero bahid ang galit. 


“What the f*ck is this, Euriciel?” 


“Kuya–”


“Oh my gosh!” Na-alerto kami nang bumagsak si Euriciel sa buhangin dahil sa suntok ng kuyahin. Dumugo ang tabi ng labi nito. 


“Ano ba!” galit kong binalingan ang lalaking nanuntok. “May mga batang nakakita, oh!” galit na sigaw ko. 



Tumawag si Fresly ng staff para awatin ang dalawa. Samantalang si Vhon ay parang walang pakialam sa mga nangyayari, nakasunod lang ang tingin nito kay Fresly, parang wala sa sarili.


Hinayaan ko na si Aifrell ang umalalay kay Euriciel dahil tinakbo ko na si Franciel at Fidell sa cottage. “Maya-maya na lang ulit kayo magswimming, okay? Kumain muna kayo. Pupuntahan ko lang sila roon, okay?” 


“Okay, Mommy!”

“Sige, Ate, ako ang bahala kay Franciel.” 

Sinalubong ko ang dalawa na palapit sa cottage. Chineck ko ang pumutok na labi ni Euriciel. 

“Ate, sino ba siya?” bakas ang galit na tinanong ni Aifrell. “Bakit niya sinuntok nang gano'n si Euriciel?” 

Ngumisi lang ang lalaki at nilingon ang kapatid ko. “Kinikilig naman ako. Parang gusto ko ulit magpasuntok.” 


“Ako ang susuntok sa'yo!” sigaw ng kapatid ko rito. 

“Sige na. Kumain na muna kayo, samahan niyo sila Fidell.” 

“Gago, akala yata niya.” Hindi natuloy ni Euriciel ang sasabihin dahil humalakhak na ito. Inirapan ko siya dahil alam ko ang gusto niyang sabihin. “Anyway, he's my brother. Okay lang ako kaya ‘wag kang mag-alala.” 


“Hindi ako nag-aalala! ‘Buti nga sa'yo!” Sinuntok ni Aifrell ang tiyan ng lalaki pero para pa itong kinilig. “Kapatid mo siya? Mas pogi at hot.” 


Tumigil agad ang halakhak ni Euriciel at bumusangot agad ang mukha. “Hindi ‘yon papatol sa'yo kasi kay Ate Aia na ‘yon.”

Nanlaki ang mga mata ni Aifrell sa akin. Napatakip pa siya sa bibig nang tila may napagtanto. Napailing-iling na lang ako sa kanila at nilampasan sila para puntahan si Fresly na kausap ang staff na tinawag niya.


“Okay na kami. Pasensya na sa abala.” 

“Sige, Ma'am. Tawagan niyo lang kami kapag kailangan.” Nag-alisan na rin sila. 


My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now