Kabanata 38 (Warning)

781 20 0
                                    

Kabanata 38: Aia's Pov 





“Hindi nga nagpapaligaw ang mga Ate ko, bakit ba ang kukulit niyo? Magkapatid talaga kayo!” Iritadong-iritado na naman si Fidell. 


Sa isang linggo na dumaan, walang araw na hindi nagpapakita ang mag-kapatid. Hindi ko alam kung saan sila nanunuluyan ngayon. Basta, pagpapasok na ang dalawa sa school ay nariyan na si Euriandrei para ihatid ang dalawa, gamit ang tricycle na hindi ko alam kung kanino niya hinihiram. Si Euriciel naman ay kapag papasok si Aifrell. 



“Kuya, kilala mo ‘yong pamilya na may malaking bahay na nadaanan natin?” ani Euriciel sa kuyahin nito. Hapon na’t nandito sila sa pizza-han, nagtitindero. Pero wala naman masyadong customer kaya pinaalis namin ni Aifrell sa pagbabantay para palitan.


“Ah, ‘yong bahay ng Kapitan?” 


“Oo. Nakita ko yung bata roon, pamangkin daw ng Kapitan.”

“Kaklase yata ‘yun ni Fidell,” sabay sulyap ni Euriandrei kay Fidell, na ngayon ay natatahimik na.

“Ano'ng pangalan no'ng cute na bata? Cza… Czaniel?” si Euriciel, na halatang inaasar ang kapatid ko. 

“Bakit! Crush niyo ba siya?!” Ngayon ay galit na ang kapatid ko, parang handa ng mambugbog. “Nauna ako sa inyo na makilala siya! ‘Tsaka matanda na kayo!” 

Pigil kaming natawa ni Aifrell. Crush na crush kasi ‘yon ni Fidell. Si Franciel ay nasa tabi ni Fidell, dumedede habang pinanonood lang ang mga maiingay sa harap niya. 

“Alam naman naming crush mo siya,” sabay sulyap ni Euriciel kay Aifrell, mukhang nakwento ng kapatid ko. “Gusto mo tulungan ka namin? Haranahin mo, samahan ka namin.” 


Biglang naging maamo ang mukha ni Fidell. “T-talaga?” 


Ngumiti ako nang napabaling sa akin si Franciel, para bang naramdaman niya na may kanina pang nakamasid sa kaniya, at nahuli ang tingin ko. Ngumisi lang siya saka binalingan ulit ang tiyuhin, nakahawak siya sa laylayan ng damit nito. Nagtagpo naman ang tingin namin ni Euriandrei nang napabaling ako sa kanila. Bahagyang nakakunot ang noo niya. Alam kong kating-kati na siya na magtanong tungkol kay Franciel, pero pigil na pigil niya ang sarili. 



“Ate Aia, pabilan!” 


Binalingan ko si Mia at Roma. “Luh, mga papa! Sino sila, Ate?” si Roma na kilig na kilig. 


“Tse! Ano'ng bibilhin niyo?” singit ni Aifrell. 


“‘Yung dalawang papa! Magkano?” Tinawanan ko lang ang dalawa. “Dalawang medium na pizza, Ate Aia tas apat na burger. Andyan na naman kasi mga classmate ng Ate ko! Hindi na lang sila ang bumili, e, utos nang utos.” 


“‘Tsaka dalawang melon shake at dalawang coco pandan, Ate Aifrell,” si Roma. 


“Hi, Ate Mia! Hi, Ate Roma!” si Franciel nang pumasok. 


“Hello, pogi! Hihintayin kita paglaki!” at nagtawanan sila. 


“Sandali, bakit kamukha niya ‘yung isang papa, Ate Aia?” natanong ni Roma at muling sumulyap sa harap ng bahay. 


“Chismosa!” ani Aifrell. 


Tumawa si Roma. “Panis sa boyfriend mong mukha kiffy!” 


“Mommy, anong kiffy?” inosenteng tanong ni Franciel. 

Nanlaki ang mata ko at agad sinuway ang dalawa. Pinagtawanan lang nila ako. “Wala ‘yon, uh… imbento lang ‘yon ni Ate Roma.” 

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now