CHAPTER 11 Amusement Park Date

313 11 1
                                    

MATCHA POV




"Shall we start?" Forest asked. Nagthumbs up naman kami sa kanya.

May ipinakita naman itong picture ng babae sa big screen. Sila Forest at Mojito ang nagpakabit niyan dito. Isang dipa din ang laki nito. Pwede ka nga dito mag movie marathon eh. 

"She's Chelse Santos. 17 years old. She's the daughter of our client, Evelyn Santos." Lumitaw naman sa screen ang mukha ng aktres.

"She went missing last 20th of this month and until now, walang balita sa kanya." Forest said.

"Maybe the reason she didn't report it to the police is to avoid a huge scandal, she's protecting her image." Peanut said. Napapatango naman kami nila Mojito at Peanut.

"That's right. And before I proceed with my presentation, let's hear from Matcha, some additional information about this case." Umupo naman itong si Forest sa tabi ni Mojito. Asus.. gusto lang nito magcoffee break kaya ako na muna ang pinagsalita.

"So, upon questioning their maid. We found out na, hindi pala maganda ang pagsasama ng mag-ina. Palaging busy ang aktres sa taping at shootings. At sa tuwing uuwi naman ito ng bahay ay palagi naman mainit ang ulo nito. Ang kawawang anak niya ang napagbubuntungan niya ng init ng ulo. Since Chelsea doesn't have friends, ibinabaling na lang nito ang frustrations sa pagkain causing her to gained a lot of weight. Mas lalo itong kinagalitan ng ina niya. Hindi niya tuloy ito maipakilala sa media dahil sa kalagayan ng anak nito she think na masisira ang career nito kapag si Chelsea ang hinarap niya sa media. So she hired a young girl at ito ang ipinakilala niya sa public. And that's the very reason why Chelsea runaway." Tumayo naman ulit si Forest sa harapan.

"What a cruel mother." Peanut said.

"Sinabi mo pa. Those kind of parents really don't have any idea how their toxic attitudes can traumatize their kid at dadalhin nila iyon hanggang sa pagpaki nila." I said to them. Bakit naman biglang natahimik ang mga 'to? Si Forest ang unang nakabawi.

"Ahem.. so here are some crucial informations about Chelsea."  A lot of informations appeared on the big screen.

"As I went through on Chelsea's social media accounts, I've found out that she has a boyfriend." Forest said at may ipinakita itong couple mug sa screen.

"Ay sana all.." napasabi ako ng wala sa oras. Sinamaan naman ako ng tingin ni Peanut at Forest and as usual, tinawanan lang ako ni Mojito.

"Though I can't find any information about the guy... these couples often visit this craft shop. This shop teaches couples some handy crafts na pwede nilang iuwi at iregalo para sa isat-isa. This kind of date is really popular now a days." Forest explained.

"Kung popular bakit hindi ko alam iyan?" Pagsingit ko sa presentation ni Forest.

"Pffft. really Matcha? Do you even know what date is?" Peanut is surpressing her laughter. Bigla naman tumawa ng malakas si Mojito, habang pinipigilan naman ni Forest ang pagtawa niya.

"Tss. Ang alam ko lang na date ay iyong kakain sa labas at famous break up place naman ang mcdo." Sabi ko sa kanila. At ayun na nga, kanya-kanya na sila ng tawa dito. Asar na asar ko naman sila na pinapanood.

"The fuck....? that was ages ago." Forest said.

"You're kidding, right?" Peanut said.

"Oh Matcha... napag-iiwanan kana. Galaw galaw din ng baso." Mojito said while laughing hard.

"Pakyu! Nakakasira naman kayo ng araw!" Asar kong sabi sa kanila. Mga ilang minuto pa ata bago sila natigil sa kakatawa. Ang ending? Ayun lupaypay, mga napagod kakatawa.

MATCHA HOLMES (COMPLETED)Where stories live. Discover now