Prologue

9 0 0
                                    

I was standing here, watching the man I love..

Proposing to someone else.

Mapait akong napangiti habang tutok ang paningin sa dalawang taong bagaman may kalayuan sa akin ay nagawa kong pakatitigan.

Napababa ako ng tingim ng marinig ko ang pasigaw na sagot ng babae. Hindi malaman anong excitement ang ipapakita sa mga taong nasa paligid. Kumikinang ang mga mata ng babae habang ngiting-ngiti sa kaniyang fiance.

Hindi ko alam saan ako humugot ng tapang at lakas ng loob na panoorin ang lalaking nangako sa akin na ako ang hihirap sa altar at Diyos, anim na buwan ang nakalipas.

Gusto ko matanggap ang masayang kislap ng mga mata ni Laurence. Gusto kong tanggapin na hanggang doon na lamang kami. Na kailangan ko nang ihinto ang nararamdaman sa kaniya, dahil wala akong karapatan.

Napapikit ako kasabay ng paghampas ng malamig na hangin sa mga balat ko. Malamig ngunit nakakapaso. Parang gusto iparamdam lalo sayo ang pag-iisa.

How could someone seem to be so much inlove with you, only to wake up one day and leave you.

Napako ang paningin ko kay Laurence. Mabilis na pangiliran ako ng luha, na parang nanggaling sa pinakamalalim kong sugat. I held on to my chest, only to find myself trying to breathe normally.

How could you let go of me so easily? While I was crying here, drowning to the pain of letting go someone I badly want to stay.

While looking at them who seems very happy, realization hits me, napakadali para sa mga taong mahal ko na iwan ako - na hindi ko kailanman kayang gawin sa kanila. Minsan naisip ko, how life would have been if I had a chance to really live, instead of healing from many things that weren't my fault. Siguro ay mas naibigay ko pa ang sobra sobrang pagmamahal kay Laurence. Siguro ay kung walang kulang sa akin, ay parehas kaming nakuntentong magkasama.

Hawak ko ang dibdib na halos wala nang mapaglagyan ang sakit. Hindi matagpuan ang tapang na tumalikod sa tao na hindi na ako ang kasiyahan.

Nakita ko kung paanong magiliw na hinalikan ni Laurence ang maputing kamay ng babae, walang katulad, walang kasing saya. Napaka inosente nyang tumitig sa babae. Walang bahid ng kahit na anong lungkot, puro saya.

Habang ako, eto at pinapanood kung paanong sa isang iglap ay nawala sa akin ang lalaking inilagay ko sa buong pangarap ko.

And all of a sudden, I felt really tired. Doon ko lang naramdaman ang pagod na matagal ko nang hinihintay. At last, the world has drained me for everything that I had to went through.

Pero hindi nawala ang sakit, mas lalo lang nadagdagan. Noon ko isa-isang inalala lahat ng nangyari bago kami humantong sa ganito.

Di ko alam na puro masaya lang pala ang mga naramdaman ko noong una. Na hindi man lang maiisip na may katapusan pala ang saya. Napapailing ako habang umiiyak.

"Ako dapat 'yan eh.." nahihirapan ko pang usal.

Napakasakit isipin na habang ako ay nagmamahal, sya naman ay unti unti dumudulas sa pagkakahawak. Hindi ko namalayang wala na pala akong pinanghahawakan.

Natutop ko ang bibig ko upang hindi makagawa ng malakas na hikbi. Lumipas ang araw, linggo at buwan na ganito pa din sa pakiramdam - walang pinagbago. Nakakamatay pa din ang sakit. Na hindi alam anong klaseng pahinga ang kailangang gawin. Dahil wala sa mga iyon ang makakapagpatigil ng sugat nito.

"I already did my part. I hope my absence gives you peace that my love couldn't." emosyonal ko itong ibinulong sa sarili. Umaasang magiging madali sa akin na bitawan ang lalaking malaki ang naging parte sa aking buhay.

Ilang buwan ang lumipas pero nakakaliyo pa din ang pakiramdam ng mag-isa habang pinipilit ulit buuin ang sarili na hindi naman ikaw mismo ang sumira.

Mahina akong bumuntong hininga. Napapangiti kung minsan, tuwing hahampas ang malamig na hangin sa aking muka.

"Estella, kailangan mong kayanin nang wala na sya. Kailangan mong umusad.." madamdamin ko

Ngumiti ako sa kawalan, pero hindi nabawasan noon ang sakit na nararamdaman ko.

Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Wala nang ibang makakabangon sa pagkalugmok ko, kundi ang sarili ko lang.

Hinawi ko ang buhok na humaharang sa aking paningin. Malakas na buntong hininga ang nagawa ko sa sandaling maramdaman ko pagsikip sa aking dibdib.

Kinuha ko ang gitara na kanina pa sa aking kanlungan. Dahan dahan kong tinipa ito at bagaman nakangiti ay punong puno ng kalungkutan ang puso ko.

"Lift your head, baby don't be scared. Of the things that could go wrong along the way.."

Mahina kong kinanta ang kanina ko pang tinitipa na liriko. Punong-puno ng hindi maipaliwanag na sakit. Maya-maya ay unti unting nag-init ang aking mga mata.

Heto na naman ako..

Kailan ba ako mapapagod? Kailan ba ako mapapagod ibigay sakaniya lahat ng pagmamahal na kaya ng puso ko.

Hindi ko na kaya. Nakakaupos ang sakit. Para akong malalagutan ng hininga.

"You'll get by with a smile.. You cant win at everything but you can try.. " nagtuloy tuloy ang luhang lumandas sa aking mukha.

Hindi ko na naitago pa. Binitawan ko ang gitara habang tahimik na humihikbi.

Ang bilis nyang umalis sa buhay ko. Pero andito pa din ako, naghihintay.

Please, Lord. Hayaan mo na din akong makalaya.. Tanggalin mo na ang nararamdaman ko para sakaniya. Nahihirapan na ako.

Walang gana akong tumayo, bagsak ang balikat at mabigat ang loob. Dito kami madalas magkita ni Laurence. Gusto kong balikan lahat ng lugar kung saan kami nagkakilala, gusto kong maramdaman lahat ng sakit hanggang sa mamanhid. Dahil baka sakaling doon na ako magsimulang magpalaya.

"Estella.."

Hindi ko agad naingat ang paningin. Pero kahit hindi ko iyon makita, ay alam ko kung kaninong boses iyon. Parang nagpaulit ulit iyon sa aking tenga, nagawa nitong palambutin ang puso ko sa ganon kabilis na segundo.

Nang magawa kong iangat ang aking tingin ay hindi ko na napigilan pang umiyak ulit.

Ano ba, Estella. Napakahina mo naman..

"Can you do me a favor?" malambing na tanong ni Laurence.

Matagal akong nanabik marinig ulit ang boses ng lalaking kaharap ko. Noon ay puro excitement ang nararamdaman ko. Pero ngayon ay puro lungkot na, walang mapaglagyang lungkot. Walang katulad.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang ang paningin kong tutok sakaniya. Naging mabagal sa paningin ko ang bawat sandali. Nakita ko sa mukha nya ang pagsusumamo pero hindi nito natinag ang pagtitig ko sa lalaki.

"Be with me, Estella. Be with me for 14 days. After that, hindi mo na ako makikita. Im finally letting you go.."

Ganon ba talaga kadali sayo ang umalis, Laurence? Bakit ako.. bakit ako hirap na hirap?

Nakakabinging katahimikan ang naganap sa pagitan namin. Walang gustong magsalita ulit. Walang gustong kumurap.

Napamura ako ng bigla akong dalawang beses tumangi.

Mabilis nya akong tinalikuran.

Pero doon pala magsisimula ang mas magpapagulo ulit ng aking isipan..

14 days with my Ex..

Pagtapos non, ay tapos na talaga kami.

14 Days with My EXWo Geschichten leben. Entdecke jetzt