Kabanata 42 (Warning)

777 13 0
                                    

Kabanata 42: Aia's Pov 



“Daddy, sasama ka sa amin ni Mommy pag-uwi?”


Hindi na kami ulit nagkaharap ng Nanay ni Euriandrei. Hindi na kami sumama kay Euriciel nang bumalik sa condo niya nang gabing iyon. Kinaumagahan naman ay ako na ang nag-asikaso ng mga gamit ni Euriandrei, dahil ididischarge na siya. Sa bahay niya kami uuwi kaya ihahatid na lang ni Euriciel ang mga gamit namin doon. 


“Of course. Kayo ni Mommy ang uwian ko.”

Tinutuyo ni Euriandrei ang anak na katatapos lang maligo. Inaayos ko naman ang mga gamit namin para sa pag-uwi bukas. 

“Eh, pa'no po ‘yung trabaho niyo. Wala rin pong maiiwan dito sa bahay mo.”



“Bahay natin,” pagtatama ni Euriandrei. “Lahat ng ari-arian ko ay inyo rin. Nandito naman si Manang. At… hinihintay pa ni Daddy kung saan ni Mommy gustong ikasal.” 



Napasulyap ako sa kanila. Habang pauwi kami rito kanina ay tuwang-tuwa si Franciel. He's so excited to see his parents to get married again. Siya raw ang magdadala ng singsing.


“Saka na lang natin pag-usapan pagkauwi,” sabi ko at nginitian sila. 

Hindi pa rin kasi naproproseso ng utak ko na pakakasalan niya ako ulit. Na sa limang taon na lumipas, naisip niya pang pakasalan ako ulit. Alam kong hindi dahil kay Franciel kaya niya gustong mangyari iyon. Gusto niya talaga, at ramdam ko iyon. Pinararamdam niya rin sa akin. 


Pagbalik ng probinsya ay bumalik siya sa dating gawi. Pagkatapos ng bagong taon, pagbalik ng mga estudyante sa pagpasok, ay maaga na lagi siyang dumadating para sunduin ang anak at si Fidell. 


“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?” Natawa ako nang magbago ang itsura niya. 


Naka-apron siya tulad ko. Kaming dalawa ngayon ang nasa tindahan dahil may pasok din si Aifrell. Kaming dalawa ang naiwan dito sa bahay. 


“Hindi na magbabago, parang ‘yong pagmamahal ko sa'yo.”


Pinigilan ko ang pagtawa sa ka-corny-han niya. “So…?”


“So… what?”


Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin sa kaniya. “A-anong plano?” 


I can't believe this! Dito pa talaga kami nag-uusap at sa ganitong sitwasyon pa! Parang hindi kasal ang pag-uusapan! Kung ‘yung iba ito ay may wedding planner pang kaharap. 


Nagpunas siya ng kamay matapos iabot ang melon shake sa batang bumili, at hinarap ako. “Wife, wala akong alam sa pagpaplano ng ganiyan. Gusto ko ikaw, ‘tapos sasabihin mo sa akin para matawagan ko ang secretary ko at mapadala rito ang wedding planner na kukuhanin natin.”



“Eh… simple lang naman ang gusto ko. Sa simbahan.” 


Umupo siya sa mono block na kaharap ko, tinuon ang buong atensiyon sa akin. “What else?” 


“Uhm… ‘yung wedding dress?”


“May kinausap na akong designer. Papupuntahin ko na lang dito.”

Umawang ang labi ko. “Ha? Ang layo naman kung pupunta pa rito! Tayo na lang ang bumalik sa Manila?” 

“No. Babayad ako kahit malaki. Saka na tayo babalik, week before the wedding.” 

Napatango-tango ako. “Okay… uhm… ‘yung sa reception gusto ko… simple lang, wala masyadong bisita–”


“No, mag-iimbenta tayo ng marami.” Tututol sana ako pero napatango na lang. “I wanted everyone to see my wife. Kahit ‘yung mga kilala ko lang na businesswomen at mga kaibigan. Marami kaming kaibigan ni Vhon, they will be there.” 


So… makakaharap ako ng mga taong matatas ang estado sa buhay? Sobrang yaman ni Euriandrei… habang ako? 


“Wife…” Inabot niya ang kamay ko at hinapit palapit sa kaniya. “I know what you're thinking… please, walang magja-judge sa'yo. Kilala ko ang mga taong iimbetahan ko.” 


Tumango ako at iwinaksi ang mga agam-agam. Wala ng oras para mag-isip pa ako nang kung anu-ano. Dapat nga hindi na, eh, kasi mahal ko naman si Euriandrei. Kahit sino pa ang humarang sa pagitan namin ay sa akin pa rin siya lalapit. Ako pa rin ang mahal niya, kahit ano'ng sabihin ng iba. Kaya dapat gano'n din ako. Mahal ko siya kaya wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ng iba. 


Mas matimbang ang pagmamahal ko kay Euriandrei kaysa sa mga sasabihin ng iba. 


“Teka, bakit nasa reception na agad tayo? Eh, hindi pa nga tayo nakakapag-set ng date!” sabi ko at lumayo sa kaniya. Humalukipkip ako na ikinatawa niya. 


“May date na akong naiisip… ikaw ba?” 


Ha? May date na siya sa utak niya pero hindi niya shinishare sa akin? Hinihintay niya pa yata na ako ang magdesisyon, at papayag lang siya. Lahat ng magustuhan ko, ay doon din siya. 



“Anong date?” tanong ko. 


“Kailan muna ang gusto mo?” Ayaw niyang sabihin. 


“Wala akong maisip!” dahilan ko, pero ang totoo ay gusto kong malaman ang petsa na nagustuhan niya. “Kailan ‘yung petsa na gusto mo?” 


Tumigil ang ulo niya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Sumilay ang pigil niyang ngiti habang pinagmamasdan ako. 


“On April 16th.” 


Ha? Sandali…


Parang nag-loading ang utak ko. April 16… sa birthday ko?” 


“I want to marry the woman I love on her birthday.” 


Hindi ako nakaimik agad. Parang hinaplos ang puso ko. Para sa akin, hindi ko na ramdam na espesyal ang birthday ko, siguro kasi tumatanda na rin ako. Pero dahil kay Euriandrei… magiging mas espesyal ang kaarawan ko. 


Ho can I unloved him? Ayaw ko ring malaman kung paano, pero hindi ko na pag-aaralan kung paano. Dahil hindi ko rin naman gagawin. 


Nang makauwi si Aifrell ay sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa kasal. Sobrang saya niya para sa akin, sa amin. Hindi rin siya nakapaniwala no'ng sinabi ko na si Euriandrei ang may gusto na sa birthday ko gaganapin ang kasal. 


“Double celebrate next year!” aniya pa. “For sure, buntis ka na rin no’n, Ate!”


Pinamulahan ako ng mukha. Malakas ang boses niya kaya imposibleng hindi iyon narinig ng tatlong lalaki sa kusina. Silang tatlo ang naghuhugas at naglilinis ng lamesa, ginusto nila. 


“Ha? Mommy, magkaka-sister na ako?” si Franciel na biglang lumabas. 


Sinamaan ko ng tingin si Aifrell. “Wala pa naman ngayon, baby Franciel! Pero for sure next year meron na!”

“Aifrell!” pigil na singhal ko, pero tinawanan niya lang ako. 


Tuloy, hindi nakatulog agad si Euriandrei dahil inasar-asar ako. ‘Buti na lang at natutulog na si Franciel sa gitna namin kaya nasapok ko. 


“Good night, Aianna. Next year, buntis ka na,” sabi pa niya! 

Argh! Five years old pa lang si Franciel next year, so hindi pa. Hindi muna. Magpigil pa siya ng mga… limang taon pa. 

Naging sumpa nga yata ang sinabi kong iyon. Dahil pagkalipas ng limang taon… saka lang ulit ako nagbuntis. 



To be continued…

My Beautiful Mistake (SMS #1)Where stories live. Discover now